Extra Six: Game on

143K 1.9K 84
                                    

Extra Six:  Game on

Alex POINT OF VIEW

"Wifey  anong time tayo aalis bukas?"   tanong ni Vincent sa akin.

"Before ten" simpleng sagot ko.

  

"Anong gusto mong breakfast?"  tanong nya habang dahan-dahang pinapagapang nya ang kanyang mga daliri sa balikat ko pababa ng aking braso. Nakakakiliti pero pinigilan ko ang aking sarili na humagikgik.

 “ Eggs and hotdog"  sagot ko habang naka kagat sa aking  ibabang labi para hindi  ako  mapatili sa ginagawa nyang nakakapanindig balahibo.

 "Ah Okay. Ano nga pala ang trabaho ni Perry the Platypus?"  another na tanong na naman nya.  Nakarating na ang kanyang  kamay sa likuran ko at    'yung malandi nyang daliri ay gumuguhit ng imaginary circle sa aking balat . Shocks!  Pakiramdam ko nagtaasan na ang aking mga balahibo sa ginagawa nyang kalandian. Ipinikit ko ang aking mga mata at bumilang  hanggang lima para pakalmahin ang aking systema. Pero bigo ako dahil patuloy lang sya sa kanyang ginagawang pang-aabala sa akin.

Nakaupo ako sa aming kama at s'ya ay   nakahiga sa tabi ko. Busy ako sa pagbabasa  sa wattpad. Katapusan na kasi ng istoryang sinubaybayan ko ng ilang buwan, kaya nakatotok ang aking buong atensyon sa binabasa ko. Kaya lang itong asawa ko ay kanina pa nagpapapasin. Nakailang tanong na sya at  kinukulit ako ng kung anu-ano lang . Ito nga  ay nakaisip naman sya ng iba pang paraan ng pagpapapasin. Well , aaminin ko na sa ginagawa nya ngayon sa akin ay sa kanya na naibaling ang aking buong konsentrasyon.  Nawala na sa binabasa  ko.

"Secret Agent" sagot ko .   Humarap ako sa kanya at pinaghahampas sya ng aking kamay sa kanyang braso. "Ano ba honey? Ang lakas mong mang-istorbo.  Can't you see ? I'm busy. "  nakangusong sabi ko sa kanya habang hinahampas sya. Pero marahan lang para hindi sya masaktan , alam ko na medyo mabigat pa naman ang kamay ko.

"Sorry wifey. Ikaw naman kasi eh hindi mo ako pinapansin  "  sabi nya. Umupo sya at niyakap nya ako para ma itrap ang aking kamay na ginagamit ko sa paghampas sa kanyang matipunong  braso.  Sakop na ng kanyang  dalawang braso ang aking buong katawan.  Hindi ako makagalaw hindi dahil sa higpit ng kanyang yakap kundi sa namumuong kakaibang pakiramdam na sya lang ang may kakayahang magpadama sa akin. Parang hinahaplos ang aking puso , 'yung pakiramdam na kontentong-kontento ako .

"Eh honey naman , kasi nga  katapusan na ng   sinusubaybayang kong kwento sa wattpad" pagdadahilan ko. Tiningnan ko sya sa kanyang mga mapupungay na mga mata. Mariin ang pagkakatitig  n'ung  mga iyon sa akin.

 " So mas importante pala iyon kaysa sa akin"  nakakunot ang noong sabi nya. Tapos bumitiw nang yakap sa akin.    Nawala ang masarap na pakiramdam  sa aking sistema at gustong magprotesta ang aking isip.

 

"Aysus naman si Mr. Nahm , parang bata kung makapagtampo"  pang-aasar ko sa kanya. Gusto ko syang asarin dahil bumitiw sya ng yakap sa akin. " Ito na nga di ba pinansin na kita."

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now