Five

189K 3.1K 202
                                    

*****Five****

 Alex POV

Nasa loob na kami ng cafeteria ng university. Pasalampak na umupo ako sa  upuan na kaharap ng  inuupuan ni Vincent. Nauna syang nakarating sa cafeteria kaya pagpasok ko ay nakapwesto na sya sa isang  table na medyo malapit sa aircon.   Mayroong iilan-ilan na estudyante sa loob ng cafeteria. Mga nagpapalipas  sila ng oras kasi hindi pa naman lunch time.  Napansin ko na nakatingin sila sa amin at pasekretong nag-uusap. Ako na ang paranoid kasi feeling ko kami ang pinag-uusapan nila.

  

" Okay sabihin mo na agad kung anuman ang gusto mong sabihin" basag ko sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

  

Kami lang kasi ang nakaupo sa table namin. 'Yung mga kabarkada nya ay pumili ng food sa counter.

Hindi sya nagsalita. Tinitigan nya lang ako ng mariin.

  

" What ? Ano ang ipapagawa mo sa akin?"  I asked him again irritably.

 Sa tingin ko gusto nya akong inisin. At aaminin ko na naiinis na ako. 

  

"Ughhhh! Sabihin mo na , gusto ko nang malaman ang ipapagawa mo. Say it!" I gritted my teeth.

 " Impatient" he said na marahang tumawa pa. Sarap nyang sapakin.

 Ako naman asar na asar na sa kanya talaga. Gustong-gusto ko nang lamukusin ang gwapo nyang mukha. Gwapo? Where that came from? I asked myself , kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.

 Tiningnan ko sya ng masama.

 

 “ Oo ako na ang impatient , nagmamadali ako eh. Kasi kung sasayangin mo lang ang oras ko masmabuti pang lumabas na lang ako at papasok na unang bar na makikita ko tapos mag-aaply akong waitress, janitress  o kaya seksi dancer kasi sabi nila seksi naman ako. Para makaipon ng ibabayad sa iPhone mo” pinandidilatan ko s’ya ng mata habang nagsasalita. Pero joke lang iyon syempre.

"Okay"  he chuckled.

Tapos tumahimik uli sya.

  

 Sabi na nga ba inaasar lang ako nito eh.

  

"Nahm sasabihin mo ba o lalayasan na kita" Tatayo na sana ako para layasan sya. Inuubos nya ang pasensya ko.

He grabbed  my  right arm. "Here's the deal. You will become my alalay for a month."

 " What? Alalay mo for a month?!" nanlalaki ang matang  ulit ko sa sinabi nya. Seryoso ang mukha n’ya so I guess hindi s’ya nagbibiro.

  

" Ano ka sinuswerte?" I rolled my eyes.

 "Tskk! Magtatanong ka tapos sinabi ko na , ayaw mo namang pumayag"sarcastic na  reklamo nya.

 "Kung ayaw mo mas mabuti pang bayaran mo na lang ako. Ngayon na " he looked straight into my eyes.Umiwas ako ng tingin.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugOù les histoires vivent. Découvrez maintenant