Chapter 1

58.7K 605 41
                                    


VERONICA

I crumpled the paper in front of me for the 7th time tonight. I can't think of any good design for my next collection. Why am I so distracted tonight, you ask? Hindi pa ako tinatawagan ni Guideon after a few days. Maybe he's with his wife. Kelan ba ako masasanay sa ganitong set up?

Nagsimula ulit akong gumuhit pero wala talagang magandang idea na pumapasok sa isip ko. Once again, ibinato ko sa trash can ang nilukot kong papel. I really need to see him. Ilang araw na ang nakalipas at miss na miss ko na siya. My phone suddenly rang and I was really surprised to see Guideon's name on the screen. Agad ko itong sinagot.

"Hey."

"Where are you?" He sounds really serious. Baka naman may problema siya?

"I'm at my office. Why?" Kahit na ngiting ngiti na ako ay hindi ko ito ipinahalata sa kanya.

"I'll pick you up."

"Okay! See-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ibinaba na niya ang tawag. I sighed and continued playing with my pencil and paper.

It was only 7:45 in the evening, maybe he just finished his work. Of course he is busy, paano ka nga naman hindi magiging busy kung ikaw ang CEO ng Vallente at Galico group of companies? Kung bakit ba naman kasi napaka hard working niya at pati sarili niya ay itinataya niya para sa trabaho.

I haven't seen his wife yet. Sa isang taon ng pagiging kasal nila at sa anim na buwang relasyon namin, ewan ko ba kung bakit hindi kami magkita kita bg asawa niya. Napaka pribado kasi talaga ng babae. Ni hindi ito sumasama sa mga business gatherings kaya madalas ay mag isa lang si Guideon, lagi nga akong nagpipilit na sumama pero hindi pwede. Syempre mahirap na at baka mahuli kami.

Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na si Guideon, seryoso siyang tumingin sa akin at seryoso ko din siyang tiningnan. Well he is always like this. Ano ba namang aasahan sa isang ito diba? Wala na nga ata siyang social life eh.

"May problema ba?" Sabay kaming naglalakad papunta sa sasakyan niya. I have no idea kung saan kami pupunta.

"Let's talk about it later." Sabi niya at nauna na para pumasok sa kabilang side ng sasakyan.

Nag drive siya at napansin kong papunta sa bahay niya ang tinatahak naming daan. Madaming bahay si Guideon. Pero hindi ko alam kung nasan ang bahay nilang mag asawa. Wala talaga akong alam because I'm not reallt into businesses. Kaya nga kahit gusto nang ipamana sa akin ni Tita ang kanyang kumpanya ay hindi ko ito matanggap tanggap. Marami nang naitulong sa akin si Tita, kaya hindi ko na matatanggap kung sa akin niya pa ipamamana ang company niya. Sa wakas ay narating na namin ang aming destinasyon.

"Cook for me." He is walking fast and I can't see his expression dahil nauuna siya sa akin. Typical Guideon, he loves the foods that I cook kahit na pasta lang naman ang alam kong lutuin.

I smiled and answered him. "Okay."

CAMILLE

Alas otso y medya na ng gabi pero wala pa din siya. Nasaan na kaya siya? Tumawag ako sa office niya at wala nang sumasagot sa telepono kaya tinawagan ko ang guard ng kumpanya at sinabi niya saking nakaalis na ng building si Guideon. Saan naman kaya siya magpupunta? Hindi kaya may nangyari nang masama sa kanya? Baka naaksidente na o kaya na carnap yung sasakyan? O baka nakasagasa siya? Ugh! Ano ba naman 'tong pinag iisip ko? Walang nangyaring masama sa asawa ko okay. Uuwi din siya maya maya panigurado.

Naghintay ako ng ilan pang minuto pero hindi pa din siya dumarating. Nasan na ba kasi ang asawa ko? Pinulot ko ang phone ko na hindi ko namalayang nalaglag na pala sa sahig. Tinawagan ko siya pero katulad ng dati, hindi niya nanaman sinagot ang tawag ko.

Noon pa man ay hinahangaan ko na si Guideon, kaya lagi kong sinasabi kila mom na siya ang gusto kong mapangasawa. Nagulat nalang ako isang araw at ibinalita sakin ng mom ko na kay Guideon ako ikakasal. Arranged marriage nga lang. In other words, for business purposes lang. Mahal ko si Guideon. Alam ko na yon simula ng binitawan ko ang mga pangako ko sa kanya nung kasal namin. Civil wedding lang muna ang kasal namin noong isang taon. Nagmamadali na dahil kaylangan nang mag merge ng dalawang kumpanya kaya wala nang panahon para mag prepare ng enggrandeng church wedding. Ang plano sana ay isusunod 'yon pagtapos ng tatlong buwan, pero isang taon na ang nakakalipas ay hindi pa din natutuloy dahil walang time at sobrang hectic talaga ng schedule ni Guideon.

"You may now kiss the bride" humarap ako kay Guideon at pumikit, inaabangan ko ang malambot at mala langit niyang halik.

Nakaramdam ako ng magaabg dampi sa gilid ng labi ko at pagtapos ay wala na. Matagal akong nakapikit at naghihintay ng kasunod pero wala na. Dumilat na ako at nagpalakpalak ang mga witness sa kasal. Kaunti lamang sila, ang ama ni Guideon at ang aking mga magulang, mga bilang na kaibigan.

Ngayon ang pinaka masayang araw ko. Humarap ako sa asawa kong tila irita sa mga flash ng camera at palakpakan ng mga tao. He's a very private person kaya siguro ilang siya sa mga ganito.

We had lunch at a very nice restaurant and after that ay nag drive na si Guideon papunta sa aming magiging bahay. My husband had never left my side kahit na marami siyang ine entertain. He was with me the whole time and yet I felt like he's far away from me. I can feel his coldness. Typicall Guideon, matututunan niya din siguro akong mahalin pagtagal ng panahon.

Humito ang sasakyan sa isang malaki at magandang bahay. Binuksan ng mga maids doon ang gate at ipinasok naman niya ang sasakyan sa loob. Bukas ko na siguro lilibutin ang bahay.

This is our first night together. Kinakabahan ako dahil wala akong alam sa mga ganong bagay. I'm really not the liberated type of a girl. Madalas sa bahay lang ako at mga libro ang kaharap ko. Nauna nang pumasok sa loob si Guideon. Hindi man lang ako pinagbuksan. Ma something sa kanya. Something that I can't tell. He is way too cold, wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Is he always like this?

Hindi ko mahanap si Guideon kaya umakyat ako at nagtingin tingin sa mga kwarto. Nasan kaya siya? Pumasok ako sa isang kwarto at narinig ako ang tubig na umaagos sa banyo. Mukhang nandito siya. Ito na ba yon? Ugh ready na ba ako? Nakakahiya naman kung siya nag shower tapos ako amoy pawis pawis pa?

I stripped every clothes that I have and went to the bathroom quicky but careful. Natatawa ako sa sarili ko. I've never done this before. Ayoko namang takutin si Guideon, baka isipin niya magnanakaw ako o di kaya psycho rapist.

I saw him standing on the shower, and holy mackerel! He looks really hot, those muscles on his back, those biceps. Ulam na ulam na! He moved a bit and there I saw his might abs. Para bang nagningning ang paligid ng makita ko yon, nag sha shampoo siya kaya naman kitang kita kong nag fe flex ang bawat kalamnan niya.

Tumalikod ulit siya at dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya, agad akong yumakap sa likod niya ngunit kumalas agad siya.

"What the fuck? Anong ginagawa mo dito?!" Tumingin siya sa akin ng kunot noo at mukhang inis sa ginawa ko.

"Eh kasi. Uhm." Wala akong masabi! Magsalita ka Camille!

"Get out! Magbihis ka! What are you doing? Baliw ka na ba ha?" Dumagundong ang boses niya sa banyo.

"It's our first night." Yon na lamang ang nasabi ko.

"So?"

Hindi na ako nakapagsalita pa.

"You really get your hopes up just because I married you huh? Your life would be a living hell Camille." Ngumiti siya sa akin. Ngiting hindi totoo. Ngiting demonyo.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon