Chapter 5

32.2K 432 52
                                    

CAMILLE

Gumising kami na parang wala lang ang nagyari. Last night, we became one. Bilang lang ang mga panahong may nangyari samin.  But up to now, I'm still hoping na sana, may magbago. Sana maramdaman ko yung pagmamahal na matagal ko nang hinihiling sa kanya. Hindi naman ako mahirap mahalin eh.

Hindi pa rin ako mapakali. Sino kaya si V? Baka naman ka office mate niya lang? Siguro masyado lang akong napa paranoid. Mamahalin din ako ng asawa ko. Basta hindi ako susuko. Hindi ako mag gi give up sa amin. Mahal na mahal ko siya. Asawa ko na siya kaya akin na siya. Akin lang siya.

"Hon hindi ka mag be breakfast?" Tanong ko dahil hindi man lang nito nilingon ang hapag kainan.

"Hindi na. Marami akong gagawin sa opisina." Naglakad na ito palabas, walang paalam. Walang halik o ano pa man. Araw araw na lang ba kaming ganito?

Guideon, when will you love me?

VERONICA

"Nag text ka sa phone ko kagabi?!" Nailayo ko sa tenga ako ang phone ko pagkarinig ko sa malakas na sigaw ni Guideon. Ano bang problema niya? Anong masama sa tinext ko?

"Yes, I did. Nag good night lang naman ako." Katwiran ko.

"Fvck it, Veronica! Hindi ka nag iingat! Pano kung nabasa ng asawa ko ang text mong 'yon?

I smirked quietly. Well, wala naman akong pake kung mabasa niya. Mas maganda nga 'yon. Sinadya ko talagang mag text just to remind him how much fun we had yesterday.

"Okay! Will you calm down? I wasn't thinking when I did that. I'm sorry okay?" I am not sorry. Mabuti 'yon. Bakit kasi ang tagal pa nila mag hiwalay eh.

Narinig kong mag beep ang kabilang linya. Did he just hang up on me? Seriously! Hindi makapaniwalang napatitig nalang ako sa cellphone ko. Pagsisi sihan niya 'to. Sisiguraduhin kong mahihirapan siyang itago sa asawa niya ang relasyon namin.

May meeting ako ngayon with one of my clients. Gusto nilang ako ang mag design sa summer collection nila.

"Are you willing to model your works?" I'm having a meeting with an old but elegant woman. Madalas ko nang naririnig ang mga ganitong tanong but I always decline the offer.

"No, sorry. If you want I can provide you some models from my agency." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Sa buong meeting ay wala akong naisip kundi si Guideon at kung paano niya ako pinagbabaan. Galit ba talaga siya? How can I make it up to him? Hmm.


"NANDYAN BA si Guideon sa loob?" I asked his secretary. You guessed it right. Nandito ako sa office niya.

"Opo ma'am pero may bisita po kasi si Sir." Tumaas ang kilay ko.

"Sino?"

"Ah. Kaibigan po niya ata."

"I see. Papasok na ako." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at tumalikod. Narinig ko pa siyang pinipigilan ako pero tinitigan ko siya ng masama dahilan para manahimik siya.

Nasa tapat na ako ng pinto pero naririnig ko ang usapan nila. Wow. Rinig na rinig pala kami dito kahapon?

"Macau? Pare bat dun pa? Ilang araw kang mawawala?"

"Tatlong araw lang. Wala eh, naipit na ako. Andon mga magulang ni Camille." Camille? His wife? Oh, so mag a out of the country pala sila?

"Good luck pare, bantay sarado kayo niyan. Pero kung ako sayo, enjoyin mo nalang. Maganda naman misis mo eh." Sinundan ng lalaki ng tawa ang kanyang sinabi.

Enjoyin? Hindi ako papayag no! So they're planning to go to Macau. That would be the perfect chance to attack. Pumasok ako at bumungad sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki.

"Hi miss. I'm Clint. You are?.." agad siyang nag offer ng hand shake at tinaggap ko naman 'yon. Sa hitsura palang ng lalaking 'to mukhang hindi gagawa ng maganda.

"I'm V. Short for Veronica." Hinawi ko ang buhok ko at inipit sa tenga ko.

Tahimik lamang si Guideon na nakikinig at kung ano ano naman ang itinanong sakin ng lalaking Clint ang pangalan. Laking pasasalamat ko nang mag paalam siyang aalis na daw. Buti naman.

Pagkalabas ni Clint sa pinto ay binaling ko kaagad ang atensyon ko kay Guideon na may tina type sa laptop niya. "Hindi mo sinabi saking aalis ka ng bansa."

"Bakit? Kailangan ko pa bang magpaalam sa'yo?" Sinulyapan niya lang ako at bumalik sa ginagawa niya. May kung anong kirot sa dibdib ko nang sinabi niya 'yon.

"When are you planning to leave?" Dagdag ko.

"This coming sunday." Parang wala pa rin siya sa sarili niya. Hindi niya naisip na pwede ko silang sundan 'don.

I came up to an evil plan, I will make sure na hindi na kami makakabalik ng pilipinas na walang nagbago. Unti unti ko na siyang naaagaw sa asawa niya pero hindi ako makukuntento hangga't hindi kami pareho ng apelyido.

"Hey. Galit ka pa rin ba dahil sa ginawa ko? Hindi ko talaga sinasadya." Umarte akong malungkog pero sa loob loob ko'y tawang tawa ako.

"Ayos na. Di niya naman ata nakita." Walang ekspresyon niya akong tiningnan.

Hindi na siya nagsalita pagtapos 'non. Pumwesto ako sa likod niya at pinaglaruan ang buhok niya. Tiningnan ko pa ang ginagawa niya, mukhang nag aayos siya ng graphs. Maya maya'y hinahalik halikan ko na ang leeg niya pero nung nasa batok na ako eh umiwas siya.

"Stop it." Pero hindi ako nakinig at tinuloy pa rin ang ginagawa.

"Ang kulit mo. Veronica! Isa!" Banta niya pa pero wala sadyang makulit ako.

"Nakikiliti sabi ako!" Bulyaw niya sakin pero hindi niya ako tiningnan.

So nakikiliti pala siya? Ang cute ha! Tinuloy ko lang ang pagkiliti sa batok niya hanggang marinig ko ang malutong na tawa niya, parang music. Ang sarap pakinggan. Hindi nagtagal ay pareho na kaming nagtatawanan at ako naman ay napapatili dahil sa pagkiliti niya rin sa akin.

"Ano bati na ba to?" Naka kandong na ako sa kanya ng paharap at sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Yeah right." At hinalikan niya ako sa labi, walang sawang pagsipsip ang ginawa niya, nanghina ako at bumigay kaya kumuha ako ng balanse sa pagkapit sa batok niya. Bakit ang sarap sarap niyang humalik?

"Sweety, wait." Bumitaw ako sa halik.

"What?" Tanong niya.

"Do you like what we're doing?" Nilaro laro ko pa ang tenga niya.

"Oo naman. Kagigil ka eh." Hinalin halikan niya ang leeg ko.

"Uhh." Di ko maiwasang mapaungol.

"Then why don't you leave your wife at sumama sakin?" Natigil siya sa ginagawa at humiwalay sakin.

Binaba niya ako sa pagkaka kandong sa kanya at inayos ang damit niya.

"Umalis ka na. May meeting ako." Walang emosyong sabi niya.

Anong nasabi kong mali? Mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako. Bakit? Ayaw niya bang iwan yung asawa niya?

Mas lalo lang akong na curious kung anong hitsura ng asawa niya. Does he really love her that much at hindi niya ito kayang iwan?

Heto nanaman ang kirot na gumuhit sa dibdib ko.

A/n: hi guys! please show me some love and support by hitting the vote button and share your thoughts with me, leave a comment below.

I have a new story entitled Flowers and Bullets it is a love story of a prostitute and a criminal. Go check it out on my profile. Love u! Xx

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon