Chapter 7

27.4K 291 26
                                    

CAMILLE

"I'm sorry, I don't know you." Tarantang sabi ko at hinigit pabalik ang braso ko mula sa kanya.

The guy was about six feet tall, ang laki ng katawan at oo gwapo siya. But this guy is a stranger! That was enough to make me feel nervous. Hindi kaya kidnapper siya at plano niya akong dukutin?

Sa takot ko ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya, kahit na hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Where the hell is my husband? Talaga bang iniwan niya akong mag isa dito?

"Luna, wait!" Binilisan ko ang paglalakad pero mas mabilis maglakad ang lalaki.

"I'm not luna! Get away from me!" Sagot ko nang hindi siya nililingon.

"Please, kausapin mo ako." Kumunot ang noo ko. Pinoy siya? Huminto ako at nilingon siya.

"Sorry, hindi Luna ang pangalan ko." Sandaling kumunot ang noo niya at pagtapos ay nanlaki ang mata. Maybe he realized that I'm not the girl he's talking about.

"Sorry, miss. Kamukha mo kasi yung hinahanap ko." Bumagsak ang balikat niya at halata sa tono na nanlumo siya.

Look at the brighter side Camille! Pinoy siya! Marahil ay matutulungan niya akong bumalik sa hotel!

Matipid ko siyang nginitian. "It's okay."

Yumuko siya at tumalikod! Hindi ko na kontrol ang sarili ko at hinigit ang braso niya bago niya pa ko maiwan ulit na mag isa dito sa lugar na ito.

"W-wait!" Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay.

"Uhm, I don't know kung paano makakabalik sa hotel. I was wondering if you could help me? Since pinoy ka din naman? Please?" Sa isip ko ay naka cross fingers na ako. Ngayon ko lang ginawa ito! And it was really embarrassing! Pero anong magagawa ko? Wala akong choice!

Humarap ang estranghero at tumango sa akin. Nag iwas din agad siya ng tingin na parang nahihiyang tingnan ako sa mukha. Siya namang habol ko sa kanyang mga mata. Naghihintay ako ng sagot, pero tikhim lang ang lumabas sa bibig niya.

"Do you remember the name of the Hotel?"

"Ah, oo." Idinetalye ko ang hotel at siya namang gaya niya sakin upang magtungo roon. Habang naglalakad ay tahimik lang kami. Rinig na rinig nga ang mga crickets sa paligid eh. Ang awkward.

"My name is Camille." Pag sisimula ko. Para naman hindi gaanong awkward. Mukha namang mabait siya eh.

"Nice name, I'm Gregory. Greg for short." He looked at me sideways and yeah! He is handsome as hell! Tumaas ang isang sulok ng labi niya at lumabas ang dimple sa pisngi niya. Ang gwapo! Itim na itim yung pupil niya na parang nakikiusap sakin. Pero ano ba to! May asawa akong tao. Sa isip ko ay sinasampal ko na ang sarili ko! Mas gwapo pa rin si Guideon ano!

I'm still curious kung bakit niya ako tinawag na Luna. Siguro kahawig ko?

"Bakit mo nga pala ako tinawag na Luna?" Matapos ang ilang sandali ay di ko na napigilan pang magtanong.

"You just look like my... Someone I know." Ahh kamukha ko pala.

"Girlfriend mo?" Ang tsismosa ko!

"No." Matipid na sagot lamang nito. Wala na akong naisagot pa. Nakakahiya naman kung mangungulit pa ako.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pamilyar na skyscraper ng Macau. At sa di kalayuan nga ay natanaw ko na ang hotel. Akala ko hindi na ko makakabalik ng buhay!

"Maraming salamat, Greg. Siguro kung di mo ako sinamahan ay palaboy laboy pa din ako sa daan hanggang ngayon." Nginitian ko siya at ngumiti lang din siya ng tipid.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon