Chapter 14

27.2K 338 50
                                    

Camille

Nagising akong wala na akong katabi sa kama. Ano pa bang bago? Kailan kaya darating yung araw na sabay kaming gigising ni Guideon tapos siyempre maglalambingan muna kami bago bumangon. Ako na lang din ang natatawa sa sarili ko eh. Kung ano anong iniisip ko na imposible namang mangyari.

Napa lingon ako sa pinto nang kumatok ang isang katulong.

"Ma'am? Gising na ho ba kayo?"

"Ah, oo." Naglakad ako patungo sa pinto at binuksan 'yon.

"Ma'am nandito nanaman ho kasi si Sir Greg. Mukhang mangungulit nanaman." Ani ng kasambahay na mukhang kinikilig kilig pa.

Napailing nalang ako at medyo natawa. Ilang linggo na kasi akong palagi pinupuntahan ni Greg dito sa bahay para yayaing mamasyal. Hindi ko rin talaga maintindihan sa taong 'yun bakit saksakan ng bait?

"Sige. Paki hintay nalang ako kamo sa garden, tapos bigyan mo ng coffee." Mahilig kasi siya sa kape eh.

Pumasok ako ng banyo para maligo at mag- ayos. Isang simpleng lang ako ng simpleng bestida, hindi na ko masyadong nag ayos. Nagmamadali rin kasi ako dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Greg.

Nadatnan ko siyang prenteng nakaupo sa outdoor chair namin at sumisimsim ng kape. Naka itim na t-shirt at pantalon siya. Wow, pa bagets lang ang peg ah.

"Uy Greg! Bakit ka napadalaw?" Tinapik ko ang balikat niya.

Dumiretso ako sa katapat niyang upuan at pagtapos ay nanghingi ng pagkain sa mga kasambahay. Inalok ko pa nga siya kung gusto niya pero coffee nalang daw siya.

"Well, I got nowhere else to go, di ka din nag rereply sa mga text ko si pinuntahan nalang kita." Kinindatan niya pa ako tapos sumismsim ulit sa kape niya.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan si Greg. Ang bait bait niya kasi sakin, hindi ko tuloy alam kung talagang friendly lang siya o may iba na. Sus! Ano nanaman ba 'tong iniisip ko? Bakit kasi binibigyan ko ng malisya ang pagiging mabait ng Adonis na 'to?

"Ano nanaman bang ipinunta mo? Nakiki inom ka lang ata ng kape sa amin eh." Pabiro ko siyang sinimangutan. Sinimulan ko nang kumain habang naghihintay ng sagot niya.

"Wala naman. Yayayain sana kitang umalis. May lakad ka ba?" Napaisip ako.

Wala naman akong lakad pero kasi, parang ang pangit namang tingnan kung may asawa akong tao tapos sasama ako sa ibang lalaki? Pero kaibigan ko naman si Greg eh at saka mabait siya.

"At saan mo nanaman ako dadalhin ngayon?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Tumusok ako ng hotdog at kinagat 'yon.

Napansin ko namang parang napalunok siya at napaiwas ng tingin.

"Huy? Saan nga?" Pangungulit ko.

"It's a secret." Tipid niya akong nginitian.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng diyaryo habang ako naman ay patuloy ding kumakain.

Simula nung nag kakausap kami ni Greg, medyo gumaan 'yung loob ko. Siyempre palagi akong may nakakausap tungkol sa amin ni Guideon. Saka masarap din sa pakiramdam na may kaibigan kang nakikinig sa mga problema mo.

Veronica

"Hey." Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Guideon na nakangiti at may hawak na paper bag galing sa isang chinese restaurant.

Hinalikan niya ako sa pisngi at hindi naman ako nakapag react kaagad.

I've been really stressed lately, marami akong ginagawa para sa collection launch ko. Mabuti nalang at binisita niya ako ngayon.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon