Chapter 31

28.5K 416 64
                                    

A/n: Two words. PLOT. TWIST.

Hope you like my update tonight. Baka bukas na ang next. Hit the star and leave a comment if you liked the update. Xx



Veronica

"Elna, ikaw na muna ang bahala rito ah. Luluwas ako sa City ng tatlong araw." Nag bilin ako sa nag iisa kong kasambahay dito habang nag eempake ng damit.

Luluwas ako sa Iloilo City para mamili ng mga gamit ng baby, para na din makabili pa ng iba pang mga gamit dito sa bahay. Isa't kalahating boat ride at tatlong oras na pagmamaneho pa bago makarating ng City. Tatlong araw akong mananatili doon para na rin mas masulit ko ang pamimili.

"Sigurado po ba kayong ayaw niyo magpasama?" Tanong niya na nakatingin sa mga paa kong namamaga.

Minamanas kasi ako. Pinag iisipan ko pa kung dito ako mag sstay o sa city muna ako hanggang sa manganak ako. Wala naman kasing ospital dito sa isla.

"Kasama ko naman si Mang Maning." Mang maning is my driver.

"Sige po. Ako na pong bahala dito."

Tinapos ko ang pag eempake. Alas otso palang ng umaga, malamang ay tanghali na ako makakarating ng city nito.

Naghanda na ako para umalis. Sana hindi ako masyadong maihi. Palagi kasi akong ihi ng ihi, every fifteen minutes ata naiihi ako.

Mayroon akong sariling bangka kaya hindi na ako nahirapan pang pumila. May oras kasi ang byahe ng mga bangka sa Gigantes. Hindi naman ako nainip sa isa't kalahating oras na byahe, maganda kasi ang tanawin. Pagkababa sa Bancal Port ay agad akong Sumakay  sa Van at pinagmaneho ako ni Mang Maning patungo sa City.

Matagal tagal na upuan nanaman. Sumasakit kasi ang likod ko kapag matagal akong nakaupo. Gusto ko ay nakahiga lang ako.

Apat na buwan na din ang tiyan ko at nakakatuwa dahil nag sisimula nang umumbok iyon. Kahit na madalas ay mag isa ako, I don't feel lonely. I always talk to my baby. Ganon ata talaga ang mga nanay.

Sumasakit na ang pwet ko sa napakatagal na pagkaka upo. Ihing ihi na rin ako kay nag CR kaagad ako pagdating ko sa Mall.

Nagmamadali akong naghubo ng pants at panty, laking gulat ko nang makita kong napaka rami kong dugo sa panty. Nag pumas ako ng tissue at puro dugo din iyon. Nag simula ang mag panic. Finlush ko kaagad ang toilet at hindi ako makalakad dahil natatakot akong baka tuluyang mawala sakin ang baby ko.

"A-ate, tulong..." Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil dinudugo ako pero nag didilim ang paningin ko.

"Miss, anong nangyayari sa'yo?" Nataranta ang janitress dahil sa mahigpit kong pagkakahawak sa braso niya.

Sinapo ko ang puson ko nang gumuhit ang matalim na pakiramdam doon.

"Y-yung baby ko." Iyon lamang ang nasabi ko.

Sa sobrang nerbyos ko ay hindi ako makapag salita at hindi rin ako makagalaw. Pakiramdam ko isang galaw ko lang ay may mangyayaring masama sa akin.

Bakit? Bakit ako dinugo? Lahat naman ng sinabi ng doctor ginawa ko ah. Pero bakit ganito?

Dali daling tumawag ng tulong ang janitress. Ilang sandali pa ang nakaraan at mayroong dumating na mga tao, may dala silang wheelchair. Maingat akong umupo doon at sinapo ang ulo ko.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon