Chapter 26

26.2K 399 158
                                    

Veronica

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makapag drive ng diretso kahit na hilam na hilam ang mga mata ko sa luha at nanginginig ang buong katawan ko. I was physically an emotionally exhausted and I just want to end everything right there and then.

Huminto ako sa parking ng isang ospital at hindi ko alam kung gaano katagal na akong nandito. Umuulan sa labas at kaunti nalang din ang mga tao sa paligid. Sa palagay ko ay madaling araw na.

Paulit ulit na nag e echo sa utak ako ang sinabi sa akin ni Guideon. Iisa lang ang tanong na tumatakbo sa isip ko.

Bakit? Bakit hindi ako? Bakit kulang ako? Ibinigay ko naman lahat ah. Wala akong tinira para sa sarili ko kaya eto ako, wasak na wasak at hindi alam kung saan kukuha ng lakas.

Halos isuka na niya ako at ang anak namin kanina. Ni hindi man lang niya pinakinggan ang side ko bago niya ako hinusgahan ng ganito.

Walang ibang lalaki sa buhay ko kundi siya lang. Wala akong ibang lalaking minahal kundi siya. Hindi ko ata kayang tanggapin na hindi ako ang pinili niya.

Ano pa nga bang i eexpect ko diba? He never loved me. He just loved the idea of having a mistress, the idea of having someone that is always available for him. The thrill of cheating and not getting caught. It was fun and games at the beginning and I know it should stay that way. Pero ako si tanga, minahal ko siya. Minahal ko siya higit sa sarili at sa dignidad ko.

"Dad." Sagot ko sa teleponong kanina pa nag riring.

Paos na ang boses ko dahil sa walang tigil na pag iyak.

"Nica, anak. Patawarin mo si Daddy. H-hindi man lang kita naipag tanggol." Narinig ko ang pag piyok ni Dad sa kabilang linya.

"Where is she? Gusto kong makita ang kalatid ko, Dad. Ako ang mag papaliwanag sa kanya." I said.

"St. Mary's Hospital anak.. Pero sigurado ka ba? Maselan ang lagay ng kapatid mo, Nica." May pag aalinalangan sa boses niya.

But I already made up my mind. I'm gonna talk to her once and for all. Babae sa babae.

Tama ang ospital na pinuntahan ko. Lumabas ako ng sasakyan at hindi ininda ang pagpatak ng ulan sa akin. Dumiretso ako sa reception area at tinanong kung nasaan ang anak ni Mr. Galico. Room 408 ang tinurong room sa akin ng babae. Sa labas ng kwarto ay nakita ko si Dad na mag isang naka upo at nakayuko.

"Dad..." I said.

Gulat niya akong tiningnan. Marahil ay nagulat dahil wala pa atang ten minutes nang matapos ang usapan namin. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti naman ako.

"Your sister's inside. She's awake but she doesn't want to talk to me." Nakita ko ang saglit na pag patak ng luha sa kanyang mga mata.

"A-ako na ang kakausap sa kanya." I said.

Hindi ako sigurado sa kakalabasan ng gagawin ko. Pero susubukan ko pa din. Susubukan ko para sa amin ng baby ko.

Pumasok ako sa loob at nakita siyang nakatulala sa pader. She looked young and innocent as always. Kahit na maga ang kanyang mga mata ay kita pa ring napaka ganda niya. Nilingon niya ako at nanlaki ang mga mata niya. Matalim niya akong tinitigan at hindi nilubayan ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito?" May bahid ng galit sa kanyang tono.

"I-I'm here to talk to you." Kalmadong sgaot ko.

Mabilis na nag tataas baba ang kanyang dibdib at ako naman ay parang nanuyo ang lalamunan. Iba pala kapag kaharap mo na siya. 'Yung taong pinili ng taong mahal mo.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon