Chapter 19

24.9K 372 26
                                    

A/n: Omg you guys sobrang nakaka overwhelm yung suporta niyo sa isatoryang ito. Binabaha ako ng mga comments at PM niyo. Maraming maraming salamat! Irespeto natin ang opinyon ng isa't isa. Parehong may point ang Team V at Team Camille, but trust me everything will soon fall to its own rightful place in its own time.

Please don't think that I am romanticizing and justifying the concept of adultery. I myself experienced it and it was painful as hell for me and my family.

Once again, thank you for all the love and support!

Camille

"Hindi pa rin ba tumitila ang ulan?" Nag-aalalang tanong ko kay Greg.

Alas diyes na ng gabi pero hindi akal makauwi dahil sa lakas ng ulan. Talagang zero visibility sa labas at sobrang dilim pa. Nagpunta ako sa bahay ni Greg ngayon para manood ng movie. At saka para makapag imbestiga na rin.

Sobrang powerful pala ng Veronica na 'yun. Ang daming branch ng boutique niya at mayroon din siyang modelling agency sa ibang bansa. Ang pinagtataka ko, mayaman naman pala siye eh bakit pinapatulan niya pa ang Daddy ko? Maganda rin siya at bata pa. Sigurado akong maraming lalaking naghahabol sa kanya.

"Mukhang di na talaga titigil ang ulan, Camille." Nilingon niya ako at sinara ang kurtinamg sinisilipan niya kanina.

Bumagsak ang mga balikat ko at walang ganang naupo sa kama niya. Uy, wag kayong malisyosa nanood lang kami ng movie. Kahit papano ay nalibang naman ako at hindi na ako masyadong nag iisip ng kung ano ano.

Kumportable naman ako kay Greg, at saka palagi niya pa akong pinagsisilbihan. Gusto niya siya palagi naghahain sakin pag minsan kumakain ako sa bahay niya. Tapos ayaw niya ding napapwisan ako mga ganong bagaya ba. Ginagawa niya akong baby eh. Pero ayos lang naman. Mabuti nga at mayroon akong kaibigang kasing caring niya eh.

"Will you be okay here?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Naguguluhang tanong ko.

"Maliligo. Sama ka?" May pilyong ngiting naka paskil sa mukha niya.

Hinablot ko ang unan at malakas siyang hinampas sa mukha. Itong si Greg, kung di lang talaga namin nalinaw sa isa't isa ang lahat, iisipin ko may gusto sakin 'to eh.

"Biro lang. Diyan ka lang ah. Wag kang malikot." Tatawa tawa naman siyang nagtungo sa banyo.

Sa totoo lang, parang napapansin ko lagi siyang magpapabapyaw ng ganon sa akin. Parang nakikipag flirt, ganun.

Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng tv. Malakas akong napasinghap nang biglang dumilim sa buong paligid. As in sobrang dilim talaga! Nag black out sh!t.

Natakot ako kasi sobrang dilim, napasigaw tuloy ako nang may marinig akong malakas na kalabog.

"What? Why are you shouting?" Rinig kong boses ni Greg kung saan.

"G-greg? Nag black out!" Tili ko.

"I obviously know that, Cams." Tila inis na sabi niya.

"Eh ano pang ginagawa mo? Maghanap ka ng kandila!" Hindi ako makaalis sa kama. Natatakot ako.

Baka kasi may multo o kaya may mga magnanakaw! Kung ano ano na kayang naiimagine ko!

Hindi na nagsalita ulit si Greg, nagtalukbong nalang ako ng kumot ang nag dasal ng malala na sana walanv white lady ba lumabas o kaya walang serial killer sa labas.

"Hey, okay na. May kandila na." Napapitlag ako nang nagsalita si Greg.

Tinanggal ko ang pagkaka talukbong ng kumot konat tumingin sa direksyon na pinang galingan ng boses niya.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon