Chapter 25

26.8K 598 103
                                    


Veronica

I was miserable for that past two months. Physically and emotionally. My morning sickness became worse and worse. I didn't  picture my pregnancy to be like this. Sobrang hirap ako at wala man lang akong katulong. Plano ko na nga na kumuha ng kasambahay eh, pero at saka na siguro kapag hindi ko na talaga kaya.

Today is my Dad's birthday. Papunta ako ngayon sa venue ng birthday niya na isang tanyag na hotel sa Manila. Ang baby bump ko ay medyo nakikita na, pero malaking issue kapag may press na naka kita na buntis pala ako. No one knows about my pregnancy, even my dad. Even Scarlette and Tiffany, hindi nila alam. Kasi, papaano ko naman i eexplain sa kanila na walang tatay ang anak ko?

Speaking of tatay. Walang araw na hindi ko tinawagan o tinext si Guideon. Wala akong nakuha kahit isang reply, noon pinipilit kong makapunta sa office niya. May natitira pa naman akong pride kahit papaano kaya hindi ko na siya pinuntahan pa sa bahay niya. Hanggang sa ako nalang din ang napagod kakahabol sa kanya. Wala pa akong plano para sa future, nag fo focus ako ngayon na maitawid ang pag bubuntis ko.

My Dad told me that he will announce today on his party that I am his daughter. At first, nag alangan ako. Kilala ko ang ugali ni Barbara. Kaya naman pinaghandaan ko na rin itong araw na 'to. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapa api sa kanya. At isa pa, paano kung di ako magustuhan ng kapatid ko? Oh well, kung ayaw nila sa akin ay ayoko din sa kanila.

"Hija! You look stunning tonight." Salubong sa akin ni Dad.

Lahat ng bisita sa party niya ay siya ang nag we welcome. Bineso ko siya at sandali kaming nag usap.

"So, are you ready?" Nakita ko ang ninging sa mga mata ni Dad.

Talagang tumatanda na rin ang tatay ko. Noong iniwan niya kami, wala siyang kahit anong wrinkles sa mukha pero ngayon talagang kita na rin na pagod na siya sa araw araw na trabaho.

"I'm a little nervous, Dad. But I can manage." Tipid akong ngumiti.

"Mamaya tayo mag usap, anak. Marami pa akong bisitang darating. Enjoy yourself okay?" He patted my head.

Tumango lamang ako at dumiretso na papasok ng venue.

May iilang business personalities na bumabati at kumakausap sa akin.  May ilan pang ang topic pa rin ay ang successful launch ko two months ago. So far, my business is good. Kumikita ako ng maayos at plano ko pang mag invest sa ibang mga bagay.

"Nakita niya ba si Guideon? Ang batang iyon talaga, masyadong busy." Nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang pangalan niya.

Baka naman kasi ibang Guideon ang pinag uusapan nila. Masyado naman akong naexcite! At saka, I shouldn't be listening to other people's conversation. That's rude kaya!

"Oo nga eh. Nakita ko ang asawa niya kanina. Napaka gandang bata. Mana sa mama." Sagot naman ng isang babae.

O-kay? Nagkataon lang ba na may asawa din ang Guideon na pinag uusapan nila?

Hindi nalang ako nakinig sa kanila. Hinanap ko ang upuan na naka assign para sa akin. Nasa harapan ng stage iyon, kasama ko sa table ang iilang mga kabilang din sa industriyang ito.

Hindi rin naman nag tagal ay nag simula ang party, pinakain muna ang mga bisita. Chicken Ala King at mashed potato lang ang kinain ko. Maselan kasi talaga ang pang amoy at ang taste buds ko nitong mga nakaraang linggo.

"Champagne, ma'am?" Tanong ng waiter sa akin.

Bahagya akong umiling.

"No thanks." Kahit na nakaka enganyo ang champagne ay humindi pa rin ako. Mas importante ang kaligtasan ng anak ko.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon