Chapter 38

28.2K 472 50
                                    

GUIDEON

"Putangina niyo naman. Di niyo man lang ako ginising dun sa dalampasigan. Halos makalunok ako ng buhangin eh." Reklamo ko kaagad sa mga hayop na ulupong pagka balik ko.

"Oh? San ka galing?" Tila gulat na gulat na tanong ni Clinton.

"Oo nga. Saka bakit puro buhangin ka?" Sinundan naman ni Eli ang pagtatanong.

"I got drunk and I must have slept on the sand." Sabi ko habang hawak ang sentido kong pumipintig.

"Hala. Sorry, brad. Malay ba naming diyan ka natulog?" May simpatya man sa boses ay tatawa tawa pa din sila habang nakatingin sa akin.

Umiling nalang ako bago dumiretso sa kwarto ko. I badly need a cold shower. Sana ay matanggal noon ang hangover ko.

Habang naliligo ako ay paulit ulit na nag pe-play sa utak ko ang panaginip ko kanina. Hindi ako mapakali. It felt so real! She looked so happy and she was holding a baby girl in her arms. How I wish it was true.

Parang pinipiga pa din ang ulo dahil sa hangover kaya nag desisyon akong umidlip muna sandali. Makakapag hintay naman siguro ang mga loko.

Sunod sunod na katok ang gumising sa akin. Kahit na antok na antok pa ako ay kinailangan kong bumangon. What do these fuckers want? Pipikit pikit kong binuksan ang pinto.

"Ah, ser. Tawag po kayo ni Sir Scorpion. Mag tatanghalian na daw po kayo." Isang matandang lalaki ang bumungad sa akin.

"Oh. Sige. Lalabas na ho ako. Salamat." Sagot ko naman.

Isinara kong muli ang pinto. Dumiretso ako sa banyo at saka naghilamos at nag toothbrush.

Pag labas ko ay hindi pa ata umaalis sa tapat ng kwarto ko ang matanda dahil naririnig ko pa din siya at mukhang may iba siyang kausap.

"Ikaw talagang bata ka. Kakadating mo lang aalis ka nanaman." Narinig kong sabi ng matanda.

"Eh Lo, pinapabalik po ako sa taas ni Ma'am Nica. Maglalaro daw po kami ni baby Hallie." Sagot naman ng isang bata sa kanya.

"Ikaw talaga. Mame merwisyo ka nanaman doon. Kanina, nakisabay ka na sa pag ligo sa dagat ah. Tapos aakyat ka nanaman doon?" Mistulang pangaral ng matanda sa bata.

"Lolo, sige na poooo."

Napa hinto ako saglit sa narinig ko. Naalala ko nanaman ang panaginip ko kanina. Umiling ako at pinilit na ipalis sa utak ko ang panaginip ko. Pinihit ko ang door knob at lumabas.

Naabutan ko doon ang matanda at ang isang batang lalaki na ang tantya ko ay mga labing isang taong gulang.

"Ser! Nako, nandiyan na po pala kayo. Nasa Veranda po sina ser Scorpion." Bati sa akin ng matanda.

"Hello kuya pogi! Kaibigan ka po ba ni Kuya Dan?" Tanong sa akin ng bata.

Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong kaibigang Dan ang pangalan.

"Dan?" Tanong ko sa kanya pabalik.

"Opo. Kuya Alakdan." Hindi ko napigilan ang mahina kong pag tawa dahil sa sinabi ng batang ito.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon