Chapter 6

29.8K 357 5
                                    

Veronica

Guess who just landed in Macau! Yeah! It's me! Hindi ako papayag na matalbugan ng Camille na 'yon no!

"Miss V?" Somebody called me so I looked behind me and I saw a familiar guy smiling at me. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko matandaan ang pangalan niya.

"Ah! I'm Tokyo! Nice to meet you po!" Is he one of my staff? But, he's a Pinoy? Pinilit kong alalahanin kung saan ko nakita ang taong ito.

Mukhang nahalata niyang hindi ko siya maalala kaya't nagsalita ulit siya.

"Oic po ako ng IMV Macau." Oh, but I thought Ren ren is the OIC?

"Where is Ren ren?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Madam, last year pa po nag resign si Sir Ren, kaya po ako na ang OIC." He smiled slightly.

"Whatever. Here's my bags. Ingatan mo ha! Those are limited edition LV! Walang ganyan sa pinas at dito sa Macau!" Nauna na akong maglakad palabas ng airport, may naghihintay na puting van sa waiting area at tinanguan ako ng driver noon. Sumakay naman ako at nagsimulang mag scroll sa mga emails ko. I'm a very busy person din naman. Kahit papano ay may mga business din akong aasikasuhin dito.

Umandar na ang sasakyan papunta sa hotel na pina reserve ko. Naisip kong kausapin si.. What was his name again? Ah. Tokyo.

"Tokyo? Tell me about IMV here? How's my business?" IMV is my own modeling agency. We have branches all over asia and I'm planning to expand and build a branch in New York. So if you think that my job is easy, better think again.

"The business is doing good madam. Majority ng mga fashion models dito sa Macau ay galing sa agency natin."

"Good." Matipid kong sagot.

Tokyo is a big man. He is bald, he looks like he's on his mid 20's. Mukhang nag gi gym siya. Pero. Malambot ang kilos niya. He was wearing blue shirt, and trust me when I say every gay friend I have owns that same shirt. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na siya.

"Are you gay?" Liningon ko siya at ibinaba ng kaunti ang shades ko para makita niyang tinitingnan ko siya.

"Po? Uhm. Yes madam." See! I was right! I shrugged and answered.

"Thought so."

I spent the rest of the ride reading emails. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa hotel. And yes. It's the same hotel where Guideon and his wife are staying.

"Isusunod ko nalang ang gamit niyo sa taas madam. Here's the key. Room 809." Kinuha ko ang card at bago pa man ako makalabas ay isang itim na sasakyan ang nag park sa tabi ng sasakyan namin.

I was so shocked when I saw them getting out of the car. He can't see me! Thank god the van is tinted!

"Madam, hindi pa po ba kayo bababa?" Matalim kong tiningnan si Tokyo.

"Tumahimik ka dyan! Wag kang maingay! Tonto!" Kung pwede ko lang palubugin ang sarili ko sa upuan ay ginawa ko na. He can't see me here! This was suppose to be a surprise.

Umikot si Guideon at binuksan ang pinto sa kabilang parte ng sasakyan. Lumabas doon ang isang babaeng may maikling buhok at naka bistidang puti. Is she his wife?

Nakumpirma ko ang nga iniisip ko nang alalayan niyang tumayo at maglakad ang babae. Her skin is fair and she looks like an angel. Hanggang balikat lamang ang buhok niya at wala siyang kolorete sa mukha pero maganda pa rin siya.

She is the complete opposite of me. Mukhang napaka hinhin at napakabait ng babaeng 'yon. No wonder siya ang napiling ipakasal kay Guideon. She is a complete wife material.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon