Chapter 23

25.7K 322 23
                                    

A/n: Guys thank you all so much sa mga comments ninyo. The fact na nagiging affected kayo sa plot ng story na ito means that my writing skills are effective.

Hindi ko pwedeng madaliin ang story. The story needed what happened between greg and camille. Ang dami ring nagsasabi na  magiging kontra bida si camille. Hindi po. Okay? Xx

Camille

Tatlong araw akong hindi umuwi sa bahay namin ni Guideon. Sa lagay ko ngayon, natatakot akong baka may magawa akong hindi maganda.

Nang pumasok ako ng pinto ay naabutan ko si Guideon na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. May mga lata ng alak sa center table. Oh? Ano ang problema niya? Hindi ba siya nasiyahan kay Veronica? Baka naman nabitin sila sa session nila?

Ano ba itong iniisip ko?

Saglit niya akong tinapunan ng tingin pero bumalik rin sa tv ang kanyang atensyon.

Mariin kong kinuyom ang kamay ko. Bumaha nanaman sa utak ko ang mga ala alang pilit kong kinakalimutan. Maisip ko palang ang pag akbay at pag halik sa pisngi ng asawa ko sa babaeng iyon ay nag iinit na ang dugo ko.

Nabalik ako sa ulirat nang magsalita siya.

"Saan ka galing?" Parang wala lang na tanong nito.

"Umuwi ako sa b-bahay." Sagot ko.

Tumango lang siya at binalik ang pansin sa tv. Lumunok na lamang ako at dumiretso na paakyat sa taas.

Hanggang ngayon, wala pa din talagang pakialam sakin si Guideon. Ni hindi man lang ako tinanong kung kumain na ako. Bakit ba kasi siya nandito? Hindi ba siya nasiyahan sa babae niya? Kaya umuwi siya dito?

Yung mga gabing di siya umuuwi. Si Veronica ba ang kasama niya? Ano pa kayang mga pinag gagagawa nila?

Pinilit kong tanggalin sa utak ko ang mga malisyosang pag iisip.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong ni-lock ang pinto. Nagsisimula nanamang mag taas baba ng mabilis ang dibdib ko. I feel so mad. I feel the need tk release it.

Lalo na nang pumasok sa isip ko kung ano ano ang mga ginagawa nila habang magkasama. I imagined Veronica's face while Guideon is on top of her. Nakakapanginig laman ang isipin iyon.

"No.. Stop.." Bulong ko sa sarili ko.

The thoughts are getting worse and worse. Sukdulang galit ang nararamdaman ko. Lalong lalo na kapag iniisip kong magkasama silang dalawa ni Guideon o dikaya ay ng Daddy ko habang ako ay mag isang natutulog sa gabi.

"Stop! Stop!" Palakas na ng palakas ang boses ko.

Sinabunutan ko na ang sarili ko upang sana ay matigil na ang mga naiisio ko ngunit tuloy pa rin iyon.

Nahagip ng mata ko ang isang malaking vase na nasa gilid ng pintuan. Ewan ko kung bakit parang iyon ang gusto kong pag diskitahan. Walang pag aalinlangan kong sinipa ng malakas iyon dahilan para bumagsak ang vase sa sahig at magka basag basag. Naglikha ng malakas na ingay iyon.

Doon lamang ako natauhan. Bakit ko ba naman sinipa ang vase! Tiyak na narinig ni Guideon sa baba 'yon! Hindi magkamayaw na pinag pupulot ko ang mga nabasag na parte at maya maya nga lang ay nakarinig na ako ng yabag ng mga paa.

"Open the door." Kalmado ngunit mariin niya namang utas.

"W-wait!" Tumakbo ako sa pinto at bahagya iyong binuksan.

"B-bakit?" Pinilit kong ngumiti nang pilit. Nakita ko ang seryosong mukha niya ngunit parang nag tataka siya.

"May nabasag. Ano 'yon?" Tanong niya.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon