Chapter 47

25K 352 11
                                    

VERONICA

"Ano ka ba? Tigilan mo nga ako." Pag saway ko kay Guideon.

Kanina niya pa ako kinikiliti ng balbas niya. Kung saan saan niya ako hahalikan. Tuwang tuwa naman siya kapag naba badtrip na ako.

"Ang sungit mo naman. Ano? Buntis ka na kaagad?" Biro niya.

"What? No!" Inirapan ko siya.

Ilang araw na kaming nag s-stay lang sa bahay. Hindi siya pumapasok at ako din. Ewan ko ba, hindi talaga ako nag sasawa sa ganitong setup naminz

"By the way, sweety. I have to go to El Guero's later. May kailangan lang akong asikasuhing papeles." Sabi niya.

"Go ahead. Pupuntahan ko din ang Daddy. It's about time." Pinasadahan ko ng haplos ang ang kanyang buhok.

"Are you sure you don't want me to come with you?" Paos ang boses na tanong niya.

"Yeah, I'll be fine. Isasama ko si Hallie."

"Alright. Mag iingat kayo ah." Hinalikan niya ang noo ko.

"Ikaw din." Sagot ko sa kanya.

"I love you, Veronica. With all my heart." Seryosong sabi niya habang titig na titig sa akin.

Nginitian ko siya bago sumagot.

"I love you too." Sagot ko.

Hinatid ako ni Guideon sa bahay ng Dad ko. Ilang ulit pa siyang nagtanong kung talagang gusto ko daw ba na ako nalang mag isa ang humarap kay Daddy. Sabi ko naman, kaya ko na. Bandang huli ay napilit ko din siya.

Pinindot ko ang doorbell at ilang sandali pa akong naghintay bago ako pinagbuksan ng isang maid.

"Nasaan si Mr. Galico?" Tanong ko.

"Nasa office po. Sino ho sila?" Tanong ng katulong.

"Veronica Bellerose." Nginitian ko ang kasambahay at tinakasan naman ng kulay ang kanyang mukha. Nanlalaki ang mga mata niyang suminghap.

"Pasok po k-kayo, Madam!" Bulalas niya bago nagmamadaling nilakihan ang uwang ng pinto.

"Bakit parang gulat na gulat ka ate?" Tanong ko habang inaalog alog si Hallie na nag sisimula nang mag tantrums. Namimiss niya siguro ang ama niya.

"Naku, ma'am! Puntahan niyo nalang po si Sir Henry sa office niya." Sagot ng kasambahay.

Inayos ko ang damit ni Hallie bago pumunta sa pamilyar na opisina ni Daddy. I have so manu questions for him. Kung bakit hindi niya ako hinanap, kung ano ang nangyari pagkawala ko. At kung totoo ba lahat ng nalaman ko tungkol kay Guideon.

Naabutan ko si Dad na may binabasa na kung anong file. Nagtama ang paningin namin at hindi pa kaagad siya nag rereact sa presensya ko. Ilang sandali niya pa akong tinitigan at pagkatapos ay nagtanggal ng salamin. Yumuko at sinapo ang mga mata niya. Tahimik na umiiyak si Dad.

"Dad." Ani ko.

Nag taas baba ang balikat niya dala ng hikbi. Sapo niya ang mga mata niya at hindi sumasagot sa tawag ko. Binigyan ko muna siya ng ilang sandali bago ako nagsalita ulit. Naalala kong ang akala niya nga pala ay patay na ako. Matapos ang ilang minuto ay unti unti ding kumalma si Daddy. Isang huling buntong hininga ang binitiwan niya bago ako buong sabik na tinitigan.

"Veronica..." Namamaos na tawag sa akin ni Daddy.

Nang magkaroon ako nang pagkakataon na tingnan siya ng malapitan ay saka ko lang napansin na malaki ang itinanda ng itsura nito. Halos puti na ang lahat ng buhok niya at dumami rin ang linya sa kanyang mukha. He looked really tired and sad.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon