Chapter 21

25.6K 311 17
                                    

Camille

Ganito pala ang pakiramdam na makaharap ng mata sa mata ang kabit ng ama mo. Hindi ko maiwasang titigan siya at mapa isip kung ano bang meron siya?

Kinailangan ko pang kulitin ang Daddy ko para lang makapunta dito sa event niya. Ang nakakapag taka pa nga ay parang ikinatuwa niya pang gusto kong magpunta sa event ni Veronica out of the blue. Kung ano ano pa ang ibinida ni Daddy sa akin tungkol sa kanya. Pinapaulanan niya ng papuri si Veronica at sukang suka ako sa pakikinig sa kanya. How can he praise his mistress in front of his only daughter?

Nang makita kong papasok siya sa cr ay agad ko siyang sinundan. Gustong gusto ko na siyang kumprontahin nang mga oras na 'yon pero hindi ito ang tamang panahon at pagkakataon. Pinigilan ko ang sarili ko. Nagkasalubong kami at may kung ano akong nakita sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. Awa? Awa dahil nakaharap niya ang inaagrabyado niya?

Nakalabas na siya sa cr at ako naman ang pumasok. Nag hugas ako ng kamay at kinalma ang sarili. Nagagalit ako. Hindi ako mapag tanim ng loob pero sobrang nakakagalit sila. Bakit parang wala lang kay Daddy ang lahat? Kung harapin niya kami ni Mommy ay parang hindi niya kami niloloko?

Lumabas ako ng comfort room. Palakad na sana ako ng may biglang humigit sa braso ako at malakas akong sinandal sa pader. Napuno nanaman ang sistema ko ng takot nang makitang si Guideon ang salarin. Nag-aapoy ang mga mata niya at naka tiim bagang.

"What are you doing here?" Mahina at mariin niyang utas.

"I-I came with my dad." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para bawiin ang braso ko sa kanya.

Marahan ko siyang tinulak pero katulad ng inasahan ko, hindi siya nagpa tinag.

"Bakit kailangan mong magpunta dito, ha? You're not invited. Ganyan ka ba talaga? Mahilig kang ipilit ang sarili mo?" Halata sa tono ng boses niya na iritang irita siya sa akin.

Ano nanaman ang ginawa ko sa kanya? Eh hindi naman talaga siya ang ipinunta ko dito? Hindi ko nga alam na nandito rin siya.

"Hindi ko alam n-na nandito ka.." Nanginginig ang boses kong sagot.

"Umalis ka na! Baka may makakita pa sa'yo dito. Mapipilitan nanaman akong dikitan ka."

Ouch! Kung makapag salita naman siya ay parang may nakakahawang sakit ako. Ano namang masama kung mag dikit kami? Mag asawa naman kami eh. Diniin niya ang kapit sa braso ko na parang binabalaan ako at saka nag walk out.

Agad akong nakahinga ng maluwag nang mawala na ang presensya niya. Inayos ko ang sarili ko sa salamin. Lalabas na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong kinuha sa bag ko at nakita kong 'Greg' ang naka rehistro sa screen. Hindi ko sinagot ang tawag at binalik sa bag ko ang phone. Dali dali akong lumabas.

Natapos ang program na wala akong ibang ginawa kundi panoorin ang bawat kilos ni Veronica. Baliw na nga siguro ako. Di ko na nga mapag tanto kung ano bang dapat kong maramdaman. Palabas na sana ako ng Venue pero natanaw ko si Guideon na pumasok sa elevator. Sumunod ako at tiningnan kung saang floor siya bababa. 26th floor. Medyo napaparanoid ako dahil baka mahuli niya ako. Patay nanaman ako panigurado.

Bago pa man ako maka sakay ng elevator ay natanaw ko na si Veronica na patakbong niyakap ang Daddy ko. Ngiting ngiti si Dad habang mahigpit na niyayakap ang kabit niya. Mariin kong kinuyom ang mga palad ko hanggang sa bumaon na ang mga kuko ko. Hindi ko mapigilan ang bugso ng damdamin ko. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang tamang panahon. Mas kailangan kong alamin kung saan puounta si Guideon. Kung tama nga ang hinala ko na may babae siya ay ito na ang tamang panahon para makumpirma 'yon.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon