Chapter 15

25.5K 302 25
                                    

Camille

Nakatulala lang ako habang nag-mamaneho si Greg pabalik ng Maynila. Gusto kong maiyak! Bakit ko pinayagang mahalikan ako ng ibang lalaki. Kay Guideon lang dapat ako nagpapa halik. Siya lang dapat ang pinapayagan kong humawak sa akin.

Pero hindi ko rin masisi ang sarili ko eh. Siya lang ang nagparamdam sa akin 'non. Na parang ingat na ingat siya sakin. Pakiramdam ko 'non hindi niya ako sasakyan.

But let's be real. That was just a spur of the moment thing. Masyado akong nag padala sa naramdaman ko nang mga oras na iyon. Maybe it was just the thrill, or maybe it was something else. I don't know. Basta mali 'yon! Sa abot ng makakaya ko ay mananatili akong tapat sa asawa ko. Now I'm torn. Sasabihin ko ba kay Guideon o hindi?

Binalot ako ng takot, nanatili akong naka tulala at nakatalikod kay Greg sa kabuuan ng byahe. Alas diyes na ng gabi nang makarating kami sa village.

"Camille..." Tanging nasambit niya. Hindi ko na siya pinakinggan pa. Lumabas ako at pumasok sa bahay nang hindi siya nililingon.

Pag sarado ko ng pinto ay napasandal nalang ako at tuluyan nang bumigay ang mga tuhod ko.

"Ma'am ayos lang ho ba kayo? Sandali at ikukuha ko kayo ng tubig." Ani ng kasambahay na nag bukas ng pinto sa akin.

Ngayon lamang nag sink in sa akin ang mga kagagahang ginawa ko. Ang tanga tanga ko! Bakit ako bumigay sa mga halik at haplos niya? Kung hindi pa ako natauhan ay baka tuluyan nang may nangyari sa amin.

Naglakad ako patungo sa kwarto at laking gulat ko nang makita ko si Guideon na naroon at nakahiga. Mariin ang pagkaka pikit ng kanyang mga mata. Binaha ng guilt ang buong sistema ko.

Oh, my poor husband.

Hahalikan ko sana siya sa noo pero bigla siyang dumilat. Napamaang agad ako at lumayo ng kaunti.

"Saan ka galing?" Seryoso at mariin niyang saad.

"N-namasyal lang kasama ang kaibigan ko." Malakas ang pag kabog ng dibdib ko. Baka malaman niyang nagsisinungaling ako.

Tinitigan niya lang naman ako ng malalim. Ako rin ang unang nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi hinuhubaran niya ako eh.

I suddenly felt the urge to make love to him. Lumapit akong muli para halikan siya. Akala ko ay pipigilan niya ako pero hindi. Marahas niya akong hinablot at sa isang iglap ay ako ang nakahiga sa kama. Iba an pakiramdam ng mga halik niya. Walang pag iingat at marahas.

Kinagat niya ang ibaba kong labi kaya napadaing ako sa sakit. Nalalasahan ko ang mala kalawang na lasa ng sarili kong dugo.

Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal. I want to give my all to him. Lahat lahat sa akin dahil sa simula palang ay mahal ko na siya. Ang tanging hiling ko lang ay suklian niya ang nararamdaman ko, pero bakit parang ang hirap hirap para sa kanya?

That night was filled with our hot, steamy action. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong halos mawalan ng malay dahil sa tinding ginagawa namin.

Nagi guilty ako.

Oo guilty ako.

Dahil nang gabing 'yon. Wala akong ibang naisip kundi si Greg. Siya lang ang nasa isip ko habang nasa ibabaw ko ang sarili kong asawa. And I don't think there's something worse than that.

I am the worst.

Veronica

Hirap na ako sa pag bitbit ng maraming paper bags na ang laman ay designer clothes, bags at shoes. Sinamahan ako ni Dad para mag shopping ngayon. It's not like I can't afford to buy these things but It's nice that my Dad can provide for me.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon