Special: Greg & Camille

30.4K 361 18
                                    

A/n: Wag sana kayong maguluhan guys, itong Special Chap pinakita ko lang dito kung paano nagkaayos si Camille at Greg. Hindi muna ko mag fo focus sa kanila sa mga susunod na chapter kaya inuna ko muna ito para hindi kayo magulat at mabilisan sa mga pangyayari. Thank you for waiting.

Camille

Life is so fucked up, isn't it? Bakit hindi pwedeng maging simple ang nararamdaman mo sa isang tao? Hindi ba pwedeng mahal mo lang siya o hindi? Bakit mayroon pang mahal mo siya pero laging may pero.

I don't know if I can still face Greg after everything that happened. I should've just told him the truth.

Aaminin kong naging selfish ako. Ginusto kong ipakasal kay Guideon, iyon ang paulit ulit kong sinasaksak sa isip ko. Hindi ko naman akalaing kaya ko pa palang makaramdam ng higit sa nararamdaman konkay Guideon. I never thought Greg could come into my life. Kaya naman noong napalapit siya sakin, hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman.

The truth is, I was afraid. Paano kung mawala sakin si Greg? Saan ako pupulutin? Hindi ko mabitawan si Guideon dahil wala akong assurance na mananatili sa akin si Greg. Selfish, isn't it? But can you blame me? Iyong pakiramdam na kailangan ko pang mamalimos ng pagmamahal sa sarili kong asawa, iyong pakiramdam na hindi ako karapat dapat mahalin. Greg made me feel the opposite, I felt like I wasn't wired to feel that kind of love.

Hindi nga siguro mali ang pagmamahal ko kay Guideon. Ang mali ay iyong sa araw araw na pagsasama namin, paulit ulit ko siyang niloloko. Akala ko kasi, maaayos ko pa. Akala ko, malulusutan ko pero hindi pala.

Hindi ko akalaing ganoon pala kalalim ang nararamdaman niya kay Veronica. He said it straigh to my face, And as cliche as it may sound, hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nasaktan. I was hurt because I hurt them, I hurt the people that once cared about me. Greg, Dad, and even Veronica and Guideon. Ang sama sa pakiramdam na nakakasakit ako ng ibang tao.

I hugged my Dad goodbye before he got in on his car. Kakatapos lang namin pag usapan ang mga nangyari, ang buong akala ko ay magagalit siya sa akin. But he put all the blame to my mom, kahit aminado naman ako na may mga kasalanan din ako.

Hindi pa rin daw niya nahahanap kung nasaan si Veronica. Ilang buwan na ang nakalipas. I don't know if my dad knew that she was pregnant, now I'm starting to feel guilty. Hinayaan ko siyang umalis eh. Hindi kasi ako nag iisip ng tama noon, masyado akong galit noon dahil sa nalaman ko, pero ngayon? Parang mali ata na pinabayaan ko siyang umalis. She's my sister after all.

And now I'm all alone again in this lonely house. This is my house but it doesn't feel like home, I feel empty. Pakiramdam ko ay may kulang. At alam na alam ko kung anong kulang.

Hindi ko na dapat pahirapan ang sarili ko. I'm free! Hindi na ako magbubulag bulagan, this time susundin ko ang puso ko. Susundin ko ang sinisigaw nito noon pa man.

Nagmamadali akong hinanap ang susi ng sasakyan ko at maingat na nagmaneho patungo sa bahay ni Greg. Pamilyar ang ganitong eksena sa akin. Palagi namang si Greg ang takbuhan ko eh. Pero iba na ngayon, iba dahil tatakbo ako sa kanya at hinding hindi na hihiwalay pa.

I have never been so sure about what I feel. Mabilis na kung mabilis pero hello? Magkaka anak na kami! Masyado na akong maraming pinag daanan para pabigatin pa ang lahat. Imbis na magmukmok sa bahay, I'll just embrace the truth that I'm not really married and there's nothing turning me back! Kanta iyon diba?

"Greg?" Hindi magkamayaw na pagkatok ko sa pinto.

"Greg." Ulit ko.

Tahimik ang buong bahay niya. Nandito kaya siya? Sinubukan kong ilagay ang code sa lock ng pinto at nagulat ako nang gumana iyon. Hindi niya pa pala pinapalitan? Matipid akong napangiti. Dahan dahan akong pumasok at dumiretso sa kwarto niya.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon