Chapter 18

23.8K 332 31
                                    

Camille

"Did I hear it right?" Naloka ata si Greg sa narinig niya sa akin.

Ilang araw matapos ng kumprontasyon namin ay naging normal naman kami. Pinilit naming ibaon ang kababalaghang nagawa namin. Lalong lalo na ako. Simula kasi 'non ay medyo naging ilag ako sa kanya. Pano naman kasi, tuwing lalapit siya talagang kinikilabutan ako at may nararamdaman akong sensasyon sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto niya sakin.

"Please, ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ikaw lang 'yung pinaka pinag kakatiwalaan ko sa ngayon."

"Should I be thankful for that?" Nagtaas siya ng kilay.

Bumagsak ang mga balikat ko at lumabi ako. Mukhang di ako matutulungan ni Greg.

"I'm just kidding. I'll help you." Binalandra niya nanaman ang nagsusumigaw niyang dimples at mala perlas na ngipin.

Nagpatulong ako sa kanya na alamin ang impormasyon tungkol sa kabit ni Daddy. Gusto ko malaman kung anong meron siya at nagawa ng Daddy ko na ipag palit kami ni Mommy. Wala naman akong ibang kaibigan na sobrang close ko para ipagkatiwala ang problema ng pamilya namin kaya kay Greg ako nagpatulong.

"Do you know her name?" Pumangalumbaba siya at nilaro ang kanyang labi.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga labing 'yon. Mukhang napaka lambot, wala man lang dead skin! Hindi ko alam kung nahuli niya akong nakatitig sa labi niya, tumikhim kasi siya bigla.

"Hindi ko alam eh. Basta nasa same cirlce. Ang alam ko ay sikat na designer." 'Yun lang naman talaga ang alam ko. Nakikita ko siya sa mga magazine pero hindi kasi ako matandain sa pangalan.

"Are you sure? Isipin mo kahit first name lang." Tiningnan niya ako at hinintay na sumagot ako.

Nasa dulo na ng dila ko pero hindi ko talaga maalala eh. Nag isip ako ng nag isip hanggang sa pumasok sa isip ko sa letter V nagsisimula ang pangalan niya.

"Hindi ko talaga maalala, Greg. Basta letter V nagsisimula ang name niya." Lukot na ang mukha ko.

Bumuntong hininga ako, tanda ng pagka walang pag asa. Paano naman namin malalaman ni Greg 'yun kung di namin alam kahit first name. Nakatulala lang si Greg, mukhang nag-iisip din.

Maya-maya'y unti unting nag liwanag ang kanyang mukha. Pumitik pa siya.

"That's it! V! V as in Veronica Bellerose!" Nanlaki ang mga mata ko.

Tama siya.

"Tama! Siya nga 'yun! Kilala mo ba siya?" Mas lumapit pa ako sa kanya para marinig ng mabuti ang sasabihin niya.

Tiningnan niya ako ng seryoso.

"I don't know her personally, pero isa siyang kilalang designer at businesswoman. Camille, mahirap kalaban ang isang 'to.

Veronica

Tinusok ko ng straw ang whipped cream at sinipsip 'yon. Pangatlong frappe ko na 'to ngayong araw. I know this is not good for my figur but hell! Strawberries and Cream taste so fcking delicious!

"Are you listening?" Tinapunan ko ng tingin si Guideon at bumalik sa ginagawa kong pagkain.

Nag ke kwento siya tungkol sa opisina. Eh wala naman akong ganang makinig ng business stuff. Masyado na akong stress sa office at ayoko na ng panibagong stress.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon