Chapter 11

26.4K 289 17
                                    



Veronica

It's been days... Hindi pa din ako tinatawagan o tinetext ni Guideon. Is he really mad at me? Ugh! What's wrong with being real with my feelings? I just want to be open, hindi naman ako nag demand na dapat ay mahalin niya rin ako eh! This is really getting stressfull. I'm only weeks away from the launch of my collection, at imbis na 'yon ang pinoproblema ko ay nandito ako at nag-aalala kung kakausapin pa ba ako ni Guideon! Was that it? Are we done?

Alam kong wala nanaman akong matatapos sa araw na ito. Wala akong ginawa kundi sumagot ng tawag o di kaya'y iutos sa secretary ko ang pagpunta sa mga importanteng kumpanyang kailangan ko para sa pag-launch ng collection ko.

Kakatapos ko lamang mag send ng email sa OIC ng shop ko. Bukod kasi sa negosyo kong agency, mayroon din akong shop. Ang Bellerose Apparels ay nagmula pa sa grandmother ko. Ipinasa niya kay Auntie Jackie at ngayon ay ipinasa naman ni auntie jackie sa akin. I don't really like the name of the brand, pero hindi ko ito pinalitan bilang respeto na din sa yumao kong auntie na tumayong ina ko nang mamatay ang mama ko.

Nag ring ang cellphone ko at agad kong sinagot 'yon hoping that it was Guideon.

"Hello?"

"Hey, V. How are you?" Boses ng babae. Tiningnan ko muna kung sinong tumawag at saka ko binalik sa tenga ko ang phone. It was Tiffany.

"Hey Tiff." Walang gana kong sabi.

Tiffany is a good friend of mine. Isa siyang entrepreneur kagaya ko at may ari ng pagawaan ng isang sikat na brand ng pabango sa buong asia at maging sa Europe.

"Oh, bakit parang wala kang gana? Hindi mo ba ako namiss?" Parang nagtatampong saad niya.

"Namiss siyempre! I'm just stressed. Malapit na ang Launch ng Collection ko. Natanggap mo ba ang invitation?" I asked.

"Oo naman! Talagang pupunta ako 'no! Hindi ko lang sigurado si Scar, walang paramdam eh." She was talking about Scarlette Henderson, isang sikat na entrepreneur na nagpapatakbo ng Giant Castle Mall.

"I expect you to be there. Bakit ka nga pala napatawag?" Nilaro ko ang ballpen sa lamesa ko.

"Uhm, wala lang. Yayayain sana kitang mag shopping. Kung hindi ka lang naman busy."

Dahil wala din naman akong matapos sa office, nag decide nalang ako na sumama kay Tiffany. Kailangan ko lang din sigurong libangin ang sarili ko para naman hindi ko masyadong isipin si Guideon.

Napabuntong hininga nalang ako. Pag tapos naming mag usap ni Tiffany ay inayos ko na muna ang mga naka kalat na folders sa desk ko at tumayo na para kunin ang Hermes bag ko. Dire diretso akong lumabas ng office at sumakay ng kotse ko. Magkikita kami ni Tiffany sa isang mall malapit dito. Dahil alam kong matagal kumilos ang bruhang 'yon ay napag desisyunan kong kumain muna sa kalapit na restaurant.



Tunong ng violin ang sumalubong sa akin pag pasok ko ng restaurant. Nginitian ako ng receptionist pero tiningnan ko lang naman siya.

"Ma'am, may kasama po kayo?" She asked.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Pag tataray ko. Ang boba naman kasi! Nakita na ngang mag isa lang ako eh!

"S-sorry po ma'am. This way po." Iginaya niya ako sa daan patungo sa table ko. Mabuti nalang at umalis kaagad siya dahil baka kung ano pang masabi ko.

Wala ako sa mood buong araw tapos puro tanga pa ang makakasalamuha ko. Tss.

Umorder ako ng pagkain na sinamahan ko na din ng wine. I feel like I need it to calm my nerves. Habang hinihintay ang order ko ay sumimsim muna ako sa aking inumin at tinanaw ang mga taong lumalabas at pumapasok sa restaurant.

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon