Chapter 7

3.3K 64 0
                                    

Jho's POV

Haayyyy,isang nakakapagod na araw para sa isang napakagandang si Jhoana Maraguinot.

Oo,maganda ako walang kokontra baka maspike ko kayo. De joke lang. Charing lang yun. Di naman ako nananakit eh,ako kasi lagi yung sinasaktan. Chos.

"Beh,alis tayo"ay andito pala yung Beh ko,si Bea De Leon po. Beh na daw tawagan namin kasi para di na daw ako magselos sa pagtawag sa kaniya ni Maddie ng B.

Eh ako naman kasi talaga nauna eh. Ayoko ng may kahati,parang sa isang barkada,ikaw yung nagjoke tapos hindi nila narinig tapos inulit nung isa ayun sa kaniya napunta yung credits.

"Saan ka pupunta? Gabi na ah"

"Anong ako? Sabi ko tayo"

"T--tayo?"

"Yep. Tayo. Aalis tayo. Let's go"

"Ha?"

"Hoy,Maraguinot! Walang kayo,walang kayo ang sabi lang "tayo","aalis tayo", aalis daw kayo"paliwanag ni Jirah na napatayo sa higaan niya. Eh? Akala ko ba natutulog 'to?

"Akala ko ba natutulog ka?"

"Eh si Jia myloves kasi eh"

"Nag-away na naman kayo?"

"Ha? Hindi ah!"

"Uy,defensive!"sabay na sabi namin ni Bea at natawa na lang.

"Uy,meant to be"tapos siya naman yung tumawa. Tsk. Meant to be daw? Pinagsasabi ng mokong na 'to?

Napakamot na lang tuloy sa batok si Bea at nangiti. Hay,kahit kailan talaga itong Jirah na 'to. Tsk,ipapakalbo ko na 'to sa Jia niya eh.

Yup,sila nga matagal na,ewan ko kung bakit ayaw pa nilang aminin sa lahat eh obvious naman sa mga kilos nila. Itong si Jia kasi masungit at ayun,hinamon nitong si Jirah,in the end nainlove sila sa isa't isa and basta. Tago kasi eh kaya ganun. Mahirap na.

"Beh!"

"Ay,Beh! Ano ba?! Bakit nanggugulat?"

"You're so funny. Tara na"agad niya naman akong hinila at hello? Nakatraining shorts lang ako,t-shirt at tsinelas. Nakakahiya naman ibalandra 'tong legs ko. Nako naman talaga si Bea oh.

"Mga ate,alis lang po kami ng Behko!"paalam niya tapos ayun,oh my god "behko" daw sabi niya. Sabagay,ako lang naman ang Beh niya.

"Teka lang,Beh! Saan ba kasi tayo pupunta?"napahinto naman siya tapos nahihiya pa,nakayuko eh. Sus.

"Ehhh. Kay EJ"

"Ay,kay EJ naman pala eh. Tara!"

Ako na mismo ang nanghila papunta sa sasakyan niya at oo may kotse po ang Beh ko. Nag-aaway nga sila ni Ponggay kasi hindi hinahatid ni Bea si Ponggay sa mga lakad niya kaya ayun.

"Beh,ayos lang ba?"

"Oo naman"sabi ko tsaka nagseatbelt na,nagthumbs up na din ako sa kaniya kasi parang alanganin yung mukha niya eh. Ano kayang problema nito?

"Beh,ano na?"

"Sorry,Beh. Sige,tulog ka lang muna"

Medyo malayo din Espanya to Katipunan ah so tumingin nalang sa may bintana at nagmuni-muni.

Isang linggo na din matapos yung huling punta namin ni Bea dito at yun yung hinatid ko siya sa may gym at nag-usap sila ni EJ. Ewan ko ba kung bakit ayaw sabihin sa akin ni Bea yung nangyari eh,halata naman na nagkabalikan or maayos na sila ni EJ eh.

"Beh?"tawag niya sa akin,hindi ko namalayan hindi pa pala kami nakakaalis. Hala siya?!

"Ba't andito pa tayo?"

"Moro na lang tayo"sabi niya saka lumabas na ng kotse niya tsaka pinagbuksan ako.

"Akala ko ba kikitain mo si EJ?"

"Something came up eh"

"Okay"

Hinawakan niya naman ang kamay ko habang naglalakad at pangiti ngiti pa siya. Hala,si Bea De Leon ba 'tong kasama ko?

"Beh?"

"Yes,Beh?"

"Okay ka lang?"sabi ko tsaka hinipo yung noo at leeg niya,"Wala ka namang sakit ah"

"I'm okay. It's just that I'm so happy to be with you"

"Ako din naman eh masaya kapag kasama ka"sabi ko,napatigil naman siya at napatingin sa akin kaya ngumiti ako. Totoo naman eh. Masaya ako kapag kasama ko siya kasi alam kong masaya siya at nababawasan yung lungkot na nararamdaman niya.

"Beh. Tara"hinila niya na ako at nakarating na kami sa Moro. Umupo kami sa may mga benches,may naglalaro pero mukhang tapos na kasi paalis na yung iba eh. Nagliligpit na sila.

Andito lang kami tahimik,nakaupo,magkahawak kamay at nakasandal yung ulo ko sa balikat niya. Mukhang may mabigat na problema ang Beh ko ah.

"Bea"

"Hmm?"

"Bea"

"Yes?"

"Bea"

"Po?"agad akong lumayo sa kaniya at hinawakan ang mukha niya para tumingin sa akin,"B-beh"

"Bea,sabihin mo sa akin. Ano bang problema?"inalis niya yung kamay ko sa mukha niya at hinawakan ito.

"Namimiss ko sila Daddy"sabi niya habang nakapout at natawa na lang ako. Pffft. Yun lang pala eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Beh,stop laughing"

"HAHAHAHA Eh kasi HAHAHA akalakokunganonaproblemamo HAHAHAHAHAHAHAHA"tinakpan niya naman yung bibig ko tapos nakasidehug siya sa akin.

"Beh,quiet ka lang. They might think you're crazy"suway niya pero natatawa talaga ako eh.

"Beh,okay tama na"agad ko namang inalis yung kamay niya tapos nagpigil ng tawa. Talaga naman 'tong batang 'to oh.

"Beh,namimiss ko na sila"maktol niya tapos nagpapadyak na parang bata. Pffft.

"Beh,yun lang pala eh. Madali naman kasing sabihin kay ate Ly na uuwi ka eh bakit ka ba natatakot?"

"Nahihiya kasi ako eh"

"Sus,eh di ayain mo si Ponggay at si ate Tey,pinsan mo naman sila eh"

"Beh?"nagulat ata siya sa sinabi ko,napatingin kasi siya sa akin eh yung nagtataka,"How...how did you know?"

"Ha?"

"How did you know na we're cousins?"

"Ponggay,remember? She was my roommate"

Napatango na lang siya at parang hindi kumbinsido. Nalulungkot pa rin siya. Haaayyyy,ano bang pwede kong gawin?

Tahimik lang kami at katulad ng kanina eh magkahawak ang mga kamay namin tapos nakatingin siya sa malayo.

Agad ko namang kinapa yung phone ko pero wala eh. Tsk,nakalimutan ko pala kakamadali ng Bea na 'to.

"Looking for something?"

"Naiwan ko phone ko eh. Pwede patext?"

"Let's go na"

"Ha? Eh diba nalulungkot ka pa?"

"Oo,wala ka namang magagawa eh"napabitaw ako bigla sa kamay niya at napatingin na lang sa field. Aish,you failed to make her happy,Jhoana. Promise mo yun eh. Atsaka,napapaenglish talaga ako ng wala sa oras eh,"Sorry"

"A---ano,Bea tara na"nauna na akong tumayo at naglakad pauwi sa dorm. Aish,ang tanga-tanga mo talaga,Jho.

"Beh,wait up!"

"Beh!"

*booooogsh*

----

Author's Note: Happy more than 1K reads! Love you guys! Keep on reading. :)

Hide AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon