Chapter 24

3.7K 67 15
                                    

Jho's POV

"Bea,ano ba tayo?"

Hindi ko alam ang nangyayari. Ang alam ko lang,after nung insidenteng yun, masyado na kaming malapit ni Bea sa isa't isa as in sobra.

Napapansin na yun ng teammates namin at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang clingy niya,sobra makaalaga,kung magselos siya sa iba sobra tapos kapag wala pa ako tatadtarin niya ako ng texts at tawag.

Hindi ko alam,naguguluhan na ako.

"Bea,ano ba talaga?"

"Beh,you're spacing out. What are you thinking?"ngumiti lang ako sa kaniya at hindi sinagot ang tanong,bagkus ay tumalikod ako at hinarap ang libro ko na hindi ko alam kung babasahin ko ba o ano.

"Beh,come on. Tell me,is there something bothering you? Someone?"

"Matulog ka na"

Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam kong lumapit siya sa likod ko at niyakap ako. Back hug kumbaga.

"Beh,I wanna ask you something"

"Ano yun?"tanong ko,ilang segundo rin siyang natahimik kaya naman bigla akong kinabahan.

Humarap ako sa kaniya tapos seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Bea,ano yun? May problema ba?"

"May naalala lang ako"

Oh---my---gosh! Hindi kaya....

"Alam mo na?"

"Ha? Ang alin?"confused na tanong niya pero hindi ako nagpadala,baka hinuhuli lang ako ng isang 'to.

Hindi niya pa pwedeng malaman.

"A....ano ba yung....itatanong mo?"

"Jho,ano ba tayo?"

"Ano tayo?"

"Oo,ano tayo dati kasi diba sabi mo kilala mo na ako before? I can't regain my memories pa eh"

"Bea....."

Bea,ako yung nagka-amnesia,hindi ikaw. Ako yung iniwan mo.

I'm sorry,Bea.

"Bea,tulog na tayo. Bukas na lang"

"Okay"sabi niya sa malungkot na boses niya,nahiga na kami at niyakap ko na lang siya,ganun din siya.

"Goodnight,Beh"tsaka ko siya hinalikan sa noo at pumikit na pero sa hindi ko inaasahang pangyayari,napunta ako sa lugar na ayaw ko nang balikan.

J H O' S   D R E A M

"Bea,sino yung kausap mo kanina?"tanong ko sa kaniya,andito kami sa swing sa may likod ng bahay nila na katapat ng bahay namin.

"Si EJ,ang ganda niya noh?"

"Hmp. Akala ko ba ako lang maganda sa'yo?"nagtatampong tanong ko sa kaniya tsaka nagpout.

Hide AwayWhere stories live. Discover now