Chapter 10

2.8K 64 0
                                    

Jho's POV

"Louisse! What's the answer in number 14?"

"Sir?"

"Sit down. Are you okay?"

"Yes,sir. Hilo lang po"

"Okay,just listen"

Pinagpatuloy ni prof ang paglelecture niya at umobob ako sa desk ko. Hindi,sir. Hindi ako hilo. Gutom at lutang po sir. Lutang na lutang,gutom na gutom.

Paano ba naman eh pagkadating ko sa first subject ko ay tsaka ko lang naalala na may ipapasa pala akong assignment para sa last class ko eh ayun ginawa ko sa second sub pati na din sa lunch kaya hindi ako nakakain atsaka nawalan kasi ako ng gana kanina.

Hindi ko alam kung naging invisible ba ako o hindi lang talaga ako pinapansin ni Bea eh. Wala naman akong alam na nagawa ko kaya hindi ko alam kung magsosorry ba ako o ano. Nag-aya kasi ng team lunch sila ate Kiwi eh nung pagpunta ko dun bigla siyang tumahimik eh ang saya-saya pa nila ni Maddie kaya nagpaalam na lang ako na may tatapusin and natapos ko nga hindi naman ako nakakain.

Gutom+Pagod+Lutang+Broken=Jhoana Louisse

Hindi,joke lang yung broken,hurt lang po.

Bea,pansinin mo na ako,please.

"Class dismissed"

Ay,juskolord thank you nang maraming marami.

"Guys,wala munang aalis"sabi ng President namin eh ako naman eh nakaubob pa din sa desk ko kaya umupo ako ng ayos,mamaya masermonan pa ako eh.

"Nagtext si ma'am Rosielyn,ipasa na lang daw yung assignments,mag-attendance muna bago umuwi"

Yes naman!Makakakain na ako. Wooh! Ayun,nag-attendance lang ako tapos pinasa yung assignment ko. Yes!

Palabas na sana ako nung narinig kong may tumawag sa akin. Hala.

"Jho,bakit dalawa assignment mo?"

"Ha?"

"Ito oh"

Lumapit ako kay Jade na kaklase ko at nagulat kasi totoo ngang dalawa assignments ko. Holy moly!

"Hala. Akin na lang yung isa. Sige,alis na ako"

Paalam ko atsaka kinuha yung papel na hindi ko ginawa. Ay,kanino kaya 'to? Nagmagic ba ako? Baka nagawa ko na tapos nakalimutan ko lang? Hindi pa naman ako kumain ng lunch tapos meron na pala.

"Beh"

"Holy sht!"muntik na akong matumba nang marinig ko yung boses niya. Napatigil naman ako at hinanap siya at ayun,andun siya sa gilid kasama si EJ.

"EJ! Paano ka nakapasok?"takang tanong tapos niyakap niya lang ako. Eh?

"Nice to see you too,Jow"

"Beh,aalis kami. Ipagpaalam mo naman ako kay ate Ly. Baka bukas na ako makauwi"

"Ha? Osige,basta mag-iingat kayo"paalam ko at naglakad na pauwi sa Eliazo. Oo,pauwi kasi bahay ko na yun.

Ano ba naman 'to si Bea. Nakakaasar na ha. Magpapaalam lang tapos papansinin ako pag may kailangan. Ganun na ba talaga? Nakakainis naman eh.

Ayoko na nga. Pupunta na lang ako UP Town Center para kumain. Aish.

***

Yes! Busog! Dami kong nakain spicy chicken.

*burp*

Today is gonna be the day that they're gonna throw it back to you 🎶

Hide AwayWhere stories live. Discover now