Chapter 9

2.9K 54 2
                                    

Jho's POV

"Beh,wake up"

"Beh"

"Beh"

"Hmmm?"

"Beh,let's go nagkakagulo na ata sila sa baba eh"

"HA?!"

Agad naman akong napabangon at nahilo dahil sa biglang pagtayo ko. Sarap pa ng tulog ko eh.

"Hala?!"tsaka ko lang napansin na nasa rooftop pala kami at may unan at dalawang comforter. Isa lang 'to kagabi ah?,"Beh,bakit hindi mo ako ginising?"reklamo ko at nagpunas ng muta,may panis na laway pa ata ako. Nakakahiya naman sa Beh ko.

"Don't worry,Beh. Still pretty"sabi niya at kumindat tapos niligpit niya na yung pinaghigaan namin. Oh em gee! Buti hindi ako nakayakap sa kaniya paggising ko eh kasi ugali ko mangyakap eh.

"Pretty ka dyan. Hindi mo ba ako nirape?"takang tanong ko sa kaniya,ewan ko kasi naiimagine ko yung sarili kong nanlalaki yung mata na parang bata eh.

"Rape? No. Why would I?"

"Sabi ko nga. Tara baba na tayo"agad ko namang kinuha sa kaniya yung unan at yung comforter ko. Dapat ginising na lang niya ako nung nakatulog ako.

"Ate Jirah gave that. Hindi na din kita magising kasi you're sleeping so peacefully eh"

"Sus,baka pinagtripan mo ako ah"

"Nope"hinawakan niya ang kamay at hinila ako sabay halik sa noo ko,"Good morning,Beh"

"Daming alam,Beh. Good morning din"

Hindi na ako nagulat kasi usual thing na ginagawa niya ay hawakan ang kamay ko,para kasi siyang batang laging nawawala eh at ang paghalik sa noo? Jusko everytime po.

Bumaba na kami at nilagay sa kwarto yung mga unan at comforter tsaka naghilamos tapos nasalubong namin si Jirah na ngiting ngiti. Hala,aga-aga eh nakahithit ata ito.

"Lagot kayo"tapos kumindat pa siya,napalingon naman ako kay Bea tapos nagkibit balikat lang siya. Ano kayang nangyayari?

"Let's go"bumaba na kami at take note: holding hands pa din kami. Hindi ata magsasawa 'to ah.

"Good morning!"bati namin tapos agad naman silang napalingon sa amin nang takang taka at hawak mga phones tas ang haggard ng mga itsura.

"AT SAN KAYO NANGGALING?!"sigaw ni ate Ly kaya naman tumaas bigla balahibo ko at napangiti na lang,yung alanganin ba.

"Eh kasi ate nakatulog kami sa rooftop"sagot ko,ibubuka ko na bibig ko para dugtungan yun eh bigla na naman siyang sumigaw

"ROOFTOP?! EH BAKIT HINDI KAYO NAGSABI?!"

"A---aa---ate,s-s-sorry"napalingon naman ako sa katabi ko kasi parang nagkacrack na yung boses niya tapos nakayuko siya

"Ate Ly"tawag ko at agad naman siyang lumapit sa amin,"Beh,okay ka lang?"

"Bea,sorry. Hindi galit si ate,nagbibiro lang"tapos niyakap ni ate Ly si Bea at ganun din si Bea.

Bakit?

Bakit ganun yung reaction niya?

Bakit parang takot na takot siya?

Bea,sabihin mo sa akin.

"Kain na!"sigaw ni Marge kaya naman lumapit na kami at para gumaan ang atmosphere ay ipinakita ni Ponggay ang dubsmash compilations niya. Bet na bet ko talaga 'tong batang 'to pagdating sa kalokohan eh.

Tumatawa naman si Bea at hindi naging tahimik kasi katabi niya si Maddie at nag-uusap naman sila at ewan ko ba 'tong Ponggay na 'to,bigla na lamang lumapit sa akin tapos niyakap ako.

"Eeekkkkk!!!"sigaw ko eh kasi naman eh,isiksik ba naman yung mukha niya sa leeg ko tapos hinipan niya pa,o diba?

"Sorry"nagpeace sign lang siya sa teammates namin na naabala ata sa pagkain. Pinagpatuloy lang namin ang pagkain tapos kulit nang kulit sa akin si Ponggay.

"Muaahhh"kiniss lang naman ako ni Ponggay sa cheeks,"You're so cute talaga,ate Jho. Kaya I like you eh. Ah-ouch"niyakap na naman po niya ako at kinurot ko ang tagiliran niya. Harot ng batang ire.

"Ayan kasi"Maddie said at inirapan si Ponggay. Oh.

"Hmp"ganti naman nung isa,napatingin naman ako kay Bea at nginitian siya pero umiwas lang siya ng tingin at kumain.

Naririnig niyo ba yun?

Yun?

Naririnig niyo ba?

Yung puso ko.

Yung puso ko parang unti-unting nawawasak. Masakit eh,ramdam ko yung kirot.

"Bea,ligo na. Hatid na kita,wala akong class eh"

"Yeah,sure Mads"tatayo na dapat siya pero bigla ko siyang tinawag

"Beh"

"Yes?"tanong niya pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Double kill.

"A-ano uhm bilisan mo ha. Maliligo din ako"yun na lang ang nasabi ko,tumango lang siya at ako naman ay isinubo na ang huling scoop ng pagkain ko.

Ako dapat ihahatid niya eh. Napag-usapan na namin yun nung isang araw eh. Ang saya-saya niya pa nga eh.

Yun na nga lang yung time na nahahatid niya ako at nagkakausap kami tapos bigla niyang kinalimutan.

"Hay,anong klaseng bestfriend ba siya?"

"Ate Jho,dun ka na lang sa room namin"Deanna

"Oo nga. Wala naman kaming class eh tsaka mamaya pa naman yung training"Ponggay

Roommates si Ponggay,Maddie at Deanna. Eh ihahatid ni Maddie si Bea so baka naliligo pa siya.

"Sige,ligpitin ko lang pinagkainan natin"

Natapos ko nang sabunin yung mga plato nang bigla na lamang lumapit si Jirah at Jia sa akin.

"Kami na"

"Oo,alam ko kayo na matagal na. Sus. Ala----aray. Ba't ka nambabatok?"

"Slow mo kasi eh"Jirahpanget. Hmp!

"Jia oh"sumbong ko pero umiling lang siya at lumapit sa pwesto ko

"Ate Jho kami na maghuhugas. Maligo ka na,9 class mo diba? 8:15 na"

"Ay. Hala. Oo nga,sige makikiligo na lang ako kila Pongs"

Agad naman akong tumakbo para kunin gamit ko sa kwarto namin at may tao pa rin sa CR. Hindi pa ba tapos yung Bea na 'yun?

"Beh?"tawag ko pero hindi sumasagot,lakas ng lagaslas ng tubig eh.

Lumabas na ako para pumunta sa kwarto sila Deanna pero laking gulat ko nung makita si Bea na nakaupo sa kama nila.

"B-beh?"

"Oh?"

"A-a---------"

"Bea,let's go"napalingon naman ako kay Maddie na ready to go na,inantay pala siya ni Bea.

"Jho,alis na kami. Mamaya na lang"

Jho,tinawag niya akong Jho. Triple kill.

"Maddie,I-i-ingat kayo"

Maddie,pwede bang dito ka na lang? Pwede bang si Bea na lang maghatid sa akin. Ako kasi dapat yung kasama niya eh. Ako dapat yung ihahatid niya.

"B-b-b-bea"

Hindi ko na napigilan kaya pumasok na ako sa banyo at naligo kasabay ng pagtulo ng tubig sa shower ay ang mga luha ko na nag-uunahan sa pag-agos.

-----

Twitter acct : @peppertonie

Hide AwayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu