Chapter 14

2.9K 65 6
                                    

Jho's POV

"Beh,dito tayo"

"Beh,dun tayo"

"Jho,kunin mo yun!"

"Beeeeehh!! Sayang!"

"Jhoooooo,kunin mo na kasi"

"Beeeeeh,please"

"Jhoana,for meeeee"

Yan,yang mga linyang yan yung naririnig ko kay Bea habang nasa World of Fun kami. Ako yung nag-aya eh. I mean,ako yung nagpayaya tapos siya naman 'tong sobra kung mag-enjoy. Tsk.

At andito kami ngayon kumakain sa Greenwich. Nagkecrave ako sa lasagna and pizza eh. Bakit ba? Greenwich has it kaya go lang.

Teka,parang napapansin ko napapadalas yung pag-iingles ko. Nahahawa na nga yata ako kay Bea.

"Beh,did you have fun ba kanina?"tanong niya habang kumakain ng pizza,naubos na nga niya ata eh.

"Oo naman. At hindi na kita tatanungin kasi kitang-kita ko naman na masaya ka"

"It was fun kaya. Let's go sa Tom's World mamaya"

"Pambata yun eh. Ubusin mo muna yang pagkain mo"

"Ikaw lang naman matanda eh"

"Anong sabi mo?"

"Nothing"tapos nginitian niya lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain habang nagpipigil ng tawa. Mabulunan ka sana,"Tubig!*choke* Jho,water!"

Hala at nabulunan nga. Ako naman eh hindi magkandaugaga mag-abot ng tubig sa kaniya tapos lumapit ako sa kaniya at hinaplos-haplos ang likod niya.

Hindi ko naman po intensyong mabulunan si Bea eh. Hindi po sinasadya ng bibig ko. Sorry po.

"Beh,aray naman"napasobra ata paghagod ko sa likod niya,"Are you mad?"

"Hindi ah. Sorry. Okay ka na ba?"

"Yup,upo ka na dun"

Bumalik na ako sa upuan ko at tinitigan siya. Umuubo-ubo pa siya nang konti lang naman.

"Ayan,Timawa ka kasi eh"

"Timawa?"

"Oo. Bakit? Kaya ka nabulunan"

"What's Timawa?"

"Secret"

Ayun,matapos yung pagkain namin eh kinulit niya ako kung ano ibig sabihin ng Timawa tapos nung pauwi na kami eh bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

"Wait lang,Beh. Naiihi ako eh"

"Samahan na kita?"

"Hindi,ako na lang. Wait ka na lang dyan ha"

Dali-dali naman akong nagpunta sa CR at medyo mahaba ang pila kaya naman tinext ko na lang si Bea na maglibot muna or mauna na siya sa car niya.

"Baby,kunin natin yung teddy bear ha"

"Opo,Baby. CR muna tayo naiihi na ako eh"

Tsaka ko lang napansin na yung nag-uusap eh nasa likuran ko pala at yup,pareho silang babae and holding hands sila tapos nakaside hug si ate girl matangkad kay isa pang ate girl. Aww,sweet.

"*ehem*Ate,naiihi na kasi Baby ko eh. Uhm,pwedeng sumingit?"

"Ha?"

"Joke lang po. Bakit ka nakatulala?"

"Nagulat lang ako"paliwanag ko tapos nagsmile sa kanila. Napansin ata nilang nakatitig ako sa mga kaway nila kaya naman nagkatinginan sila at tumawa.

Hide AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon