Beginning

2.6K 67 3
                                    


"Isabelle!"

Tinatamad akong gumising kaya tinalukbong ko na lang ang kumot sa mukha ko. Wala pa ako sa huwisyo matapos ang party para sa kasal ng kapatid ko.

"Isabelle Francheska! I'm warning you. Kapag di ka bumangon diyan ipapatapon kita sa America."

Dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko ang Daddy ko na may hawak na papel at si Mommy naman ay nasa tabi ni Daddy. Nakatingin lang sa akin.

"What?" bumangon ako at yinakap ang paborito kong unan. My head is throbbing and it fucking hurts. Damn those liquors!

"Explain this" binato ni Daddy sa akin ang isang dyaryo. Dinampot ko iyon at tinignan ang headline at ganun na lang ang pagkabalik ng huwisyo ko nang mabasa ang nakasulat.

Isha Zalderiagga, the famous journalist and princess of the business tycoon, James Zalderiagga, is already married?

"Anong kalokohan ito?" binuklat ko ang page kung nasaan ang article sa akin.

Isha Zalderiagga is famous for being one of the prettiest journalist in Asia and also she's a part time model for Bella (a well-known agency for models). Isha, achieved different achievements in such a young age. Her documentaries about the political issues and historical stories are acclaimed by the prestigious International Documentary Groups.

Aside from being an achiever she's also the only daughter of the Business Tycoon, James Zalderriaga and Fashion Icon in Singapore, Scarlett Zalderiagga.

But then at the age of 24, Isha is already married. According to the source, Isha is already 10 years married to the 26 years old bachelor an outstanding and international lawyer,  Attorney Ganymede Montevera. 

Is it true or not?

"Who the hell is Ganymede?" tanong ni Daddy. Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot sa Daddy ko kasi kinakabahan ko sa paraan nang tingin ni Daddy.

Parehas kami ng mga mata pero parang hindi ko matagalan ang tingin niya."How the hell na hindi namin alam ng Mommy mo na kasal ka na?!"

Umiling ako kay Daddy kasi hindi ko din alam ang sagot sa tanong niya. Kailan ako kinasal? TEN YEARS AGO! Seryoso ba ito?!

Chain of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon