Chapter 1

2K 40 1
                                    


"Sorry but the news roaming around isn't true because I don't even remember getting married at the age of 14 so those are fake news made by probably haters" I smiled after the question given to me by one of the reporters.

I just came in the Philippines para sa photoshoot ko tapos ang balita tungkol sa kinasal ako ang bumungad sa akin. Sa totoo lang nagtataka talaga ako kung bakit may ganoong klaseng isyu na kahit ang sarili ko ay hindi alam na kinasal ako.

Umalis muna ako sa bahay kasi na-i-istress ako kay Daddy na hindi naniniwala sa akin. Kung bakit kasi may lumabas na ganoong issue na kahit ako hindi alam! Malaman ko lang kung sino ang nagpalabas ng issue na kinasal ako ay talagang mayayari siya sa akin.

Lumayo ako kaagad sa mga reporter nang makakita ako ng pagkakataon. Ang hirap pala na kahit sa sarili mong bansa hindi ka makatakas sa ganyang issue. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Ate Ami na nakapark sa di kalayuan. Sasakyan na lang ni Ate Ami iyon kasi nasa Scotland na si Ate. Doon na sila nakatira nung asawa niya pero ang alam ko uuwi din siya next week kasi may Family Reunion kami syempre pasimula ni Mommy iyon.

Maliit lang ang Pamilya namin at kapatid na nga ang turing ni Mommy kay Mama Gab kaya siya na rin ang tinuturing kong Tita. Pinsan naman ang turing ko kay Ate Ami pero para ko na rin siya talagang Ate.

"Welcome back po, Ma'am" ngumiti ako sa driver ng sasakyan ni Ate Ami. Actually driver ito ng asawa ni Ate pero pinakiusapan ata. Hay ewan.

Sumakay ako sa loob ng sasakyan habang inaaayos nung driver yung mga dala kong gamit. Hindi naman nagtagal at sumakay na din ang driver.

"Saan po tayo, Ma'am?" tanong sa akin.

Nagpahatid muna ako sa dating bahay nila Mommy. Sa Guevarra St., ayoko muna umuwi sa Condo kasi papalinis ko pa iyon at least sa dating bahay nila Mommy may nag-aalaga at malinis.

Tahimik lang ang naging buong biyahe ko hanggang sa maalala ko na kapatid nga pala ni Kuya Achi na asawa ni Ate Ami yung nalilink sa akin. At yung driver ko ngayon ay connected kay Kuya Achi.

"Kuya" tawag ko sa pansin ng driver. Tumingin siya sa rear view mirror.

"Po, Ma'am?" tanong niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim.

Gusto ko lang naman malaman kung alam na nung Ganymede na yun ang issue kasi hindi talaga ako mapakali. Pwede ko naman palampasin yung issue kaya lang nakakagulat kasi talaga.

Imagine, 10 years na akong kasal?! Hindi ko alam iyon! Ang alam ko lang na mga kasal ko ay yung sa pictorials ko at MVs kung saan kinukuha ako pero lahat yun ay SHOOTING at hindi totoo! Grabe nakakastress.

"G..gusto ko lang po sana itanong kung nasa Pilipinas yung Ganymede" napalunok ako pagkatapos ko itanong kasi kumunot yung noo nung driver.

"Kakabalik lang po ni Sir Gan galing U.S. Noong isang araw lang po siya bumalik kasi tinanggap po niya yung award po sa International Law Service sa America po."

Mas lalo akong napalunok at kinabahan. Hindi ko alam kung ano ba itong napasok kong kalokohan?

"A..alam po ba niya yung i..issue?" Shit! Bakit nauutal akong magsalita! Gee! Matapang ako tapos ganito. Anak ng impakto naman.

"Yung kinasal daw po siya?" tanong ulit sa akin.

Dahan-dahan akong tumango. Bakit ganito. Hindi ko pa nakikita yung lalaking iyon pero para bang natatakot na ako sa kanya. Parang nakilala ko na pero hindi eh! Hindi talaga ako kinasal 10 years ago! Ang bata ko pa para magpakasal.

Ibig sabihin alam nung Ganymede na yun ang existence ko at ang issue! Napakagat ako sa labi ko sabay hawi sa buhok ko. Nakakaasar ah!

"Opo. Gusto nga daw po niya makita yung na-i-issue sa kanya. Wala naman po kasing picture, Ma'am. Pangalan lang po kaya curious din po si Sir. Kilala niyo po ba yung babae, Ma'am Isabelle? Isha lang po kasi yung nasa pahayagan dito sa Pilipinas. Wala pong picture. Nagagalit nga po si Sir Gan kasi hindi naman daw po niya kilala yung babae."

Mas kumunot ang noo ko. Ibig sabihin, hindi pinakita ang picture ko dito sa Pilipinas. Eh bakit alam ng Media? Shit! Social Media, Isha. SOCIAL MEDIA!

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi rin ako kilala nung driver. Sabagay, Isabelle lang ang nakalagay sa banner niya ng sinalubong niya ako kanina.

Umiling na lang ako tsaka hindi na nagsalita. Alam kong may gusto pang itanong yung driver pero hindi na niya itinuloy. Alam kong magkikita kami nung Ganymede na yun pero gagawa ako ng paraan na hindi niya makita muna.

Hindi pa ako ready na kaharapin siya kasi nakakastress siya ngayon pa lang. Dumating kami sa Guevarra St., nag-request akong iwan muna ang sasakyan para yun ang magamit ko. Pumayag naman yung driver tsaka binilinan siya na wag magsabi kahit kanino na may sinundo siya tsaka ako nag-abot ng bayad sa kanya.

As usual, medyo maraming tao sa street na ito at hindi na iyon nagbago. Pumasok ako sa loob ng bahay. Wala pa ring pinagbago. Malinis pa rin at kung ano yung huling kita ko sa kanya ay ganun pa rin siya hanggang ngayon.

Inakyat ko ang mga bagahe ko sa kwarto ni Mommy kasi bilin niya na doon daw ako magpahinga na lang. Wala kaming bahay sa Pilipinas kasi nakabased na nga kami sa Singapore kaya doon na kami nagkabahay.

Yung condo na binili ko ay ayokong gamitin lalo na at may issue ngayon. Isha Zalderiagga pa naman ang pangalan ko doon kaya malalaman at mate-trace ako.

Inayos ko ang gamit ko at binuksan ko ang dala kong wifi. Hindi naman ako takot mag-isa tsaka bahay naman ito ni Mommy kaya bakit ako matatakot. Maraming memories ang bahay na ito. Kahit sabihin ni Mommy na dito namatay si Nanay ay okay lang.

Nagsimula na akong mag-ayos ng damit nang may tumawag sa akin. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag. Si Ate Ami.

"Hello?" pagkasagot ko.

"Isabelle! Nasa Pilipinas ka na ba?" tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim tsaka ko nilakasan ang electric fan ko. Mainit kaya!

"Yes, Ate. Kakarating ko lang. Ikaw kailan ang uwi mo dito?" susunod din naman si Ate tsaka sila Mommy tsaka sila Mama Gab. Pero ang alam kong uwi nila Mommy ay next week pa.

Sila Mama Gab, hindi ko pa alam. Dito rin naman didiretso sila Mommy kaya magkakaroon na rin ako ng kasama dito by next week.

"Sa susunod na araw yung flight namin nila Achi pabalik ng Pilipinas kaso hindi ako didiretso diyan sa dating bahay. May bahay kami sa Pinas di ba?" bago umalis sila Ate papuntang Scotland ay binigay muna ni Kuya Achi yung bahay sa bunso niyang kapatid na si Aphrodite ba yun.

"Okay lang, Ate" lumapit ako sa bintana at binuksan iyon para pumasok yung lamig kahit papaano.

"Okay ka lang ba diyan na mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin. Motherly instinct na rin si Ate talaga kaya pati ako nadadamay sa kanya.

"Oo naman. Ako pa ba?" tumawa ako sa kanya pero ang totoo ay hindi ako okay dahil na nga din sa issue sa akin.

"I will see you after three days. Basta pupunta ako diyan ah. Gusto mo dalhin ko si Ganymede para makapag-usap kayong dalawa?"

"Wag muna, Ate. Hindi pa ako ready. Nagtatago nga ako sa kanya eh. Para akong terorista na tinataguan siya. Tsaka na kapag nalaman ko kung sino naglabas nung issue na ito"

Tumahimik lang si Ate sa kabilang linya. Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa siya na ang nagpaalam at binaba ang tawag. Tinamad na din akong ituloy ang pagliligpit ko dahil sa mga bagay na dapat isipin.

Haharapin ko siya pero hindi pa ngayon. Wag muna ngayon. Kung kailan? Basta darating din ang tamang oras para diyan.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now