Chapter 19

577 20 0
                                    


"Misis na kita." Ngumiti siya sa akin kaya napangiti rin ako.

Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa kanya pero masaya ako na nagpakasal kami sa 'real' marriage booth. I know na hindi naman ito totoo at hindi naman mareregister ang kasal naming dalawa pero feel na feel ko talaga ang maging misis niya.

"Sorry kung masyadong biglaan ang ginawa ko. I hate chases and I know that we have a same feeling." He took my hand and placed it on his chest.

"We have the same feeling right?" He asked me.

Tumango ako sa kanya bago ako yumakap ulit sa kanya. Nasa isang sulok kami ng school habang nagkakagulo ang lahat sa school fair. Basta ang alam ko ay masaya ako na kasama siya ngayon.

Kinikinikilig pa rin ako sa idea talaga na ganito. Hindi ko alam na sobrang masaya pala ang magpakasal.

"Come. I'll treat you for a lunch" Ganymede said while holding my hands.

His soft hands are intertwined with my hand! Pero isang question pa rin ang gusto kong masagot.

"Gan, are we boyfriend or girlfriend na ba?" I asked him kasi naman diretsong kasal lang ang ginawa namin.

Wala namang legality iyon kahit mukhang totoong marriage certificate ang pinirmahan at sinagutan naming dalawa.

Gan grinned and finched my nose, "Silly. We are more than that. Asawa na kaya kita ngayon." sagot niya sa akin.

I blinked my eyes "Pero di ba hindi naman totoo yung ginawa natin kanina? They wouldn't seriously take us as married couple since we were young pa naman."I told him. Pero he just placed his arm over my shoulder bago kami naglakad.

" You are my misis, hindi kita girlfriend o kaklase lang. Asawa kita. Mas mataas ang ranking mo kumpara sa ibang babae dahil you are my wife. "

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya sa akin. He was holding my hand when we went to the school cafeteria. Almost lunch time na rin at maraming mga students ang nandito from the fair.

Sa totoo lang nahihiya pa talaga ako. I never had a boyfriend or MU ever since ngayon nag-jump agad sa husband. I smiled shyly habang kumukuha ng kakainin ko. He insisted to pay for the food kaya hindi na ako umangal.

We sat at the very far area of the cafeteria. Nakaharap siya sa akin pero susubo pa lang ako ng may naglapag ng muffins sa table ko.

"Hi babe"

Zachary winked his eyes to me nang nag-angat ako ng tingin sa kanya. What does he want this time? I ignored him same sa muffins na paborito ko.

"Eat your muffins, Delos Reyes." I raised my gaze to Ganymede na nagsalita.

Hindi naman siya tumitingin kay Zachary pero ramdam mo yung tension between them.

"Hindi naman ikaw ang dinalhan ko, Pres. Tsaka bakit nga kasama mo siya? Boyfriend ka ba niya?" Matapang at maangas na tanong nito kay Ganymede.

Ngumisi muna ito bago sinagot ang tanong ni Zac. "You wouldn't want to know it."

Halos mapatikhim ako sa sinabi niya sa akin. Hindi niya pwedeng ipagkalat yung ginawa naming dalawa dahil nakakahiya!

Tinignan ko na lang si Zachary. "Please take the muffins and leave." Iniabot ko pa sa kanya ang muffins na ibinigay niya sa akin.

Padabog na kinuha ni Zachary ang dinala niya tapos ay ibinato iyon sa lapag then he stepped on it.

"Know your place, Montevera. Masyado kang mayabang." Dagdag pa nito tsaka itinulak ang balikat ni Ganymede.

I saw fire that glinted in Ganymede's eyes and I know that he is more than willing to fight this man. Pero I stopped him from doing it dahil ayokong magkaroon ng issue or what pa.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now