Chapter 7

972 28 2
                                    

"This will be your new school for now, Isha and JM."

Nag-angat ako ng tingin kay Mommy na seryoso ang pagkakasabi tungkol sa lilipatan naming school ni JM. Nasa Pilipinas kami kasi naghiwalay sila ni Daddy dahil sabi ni Mommy mayroon daw babae si Daddy. Hindi na niya binigyan ng chance na mag-explain si Daddy basta lumipad kami kaagad sa Maynila dala ang ilang damit.

"Mommy, I already have friends in my previous school why should I transfer here?" tanong ni JM. Bata pa talaga siya para sa mga ganitong bagay. Inakbayan ko na lang ang kapatid ko.

"New environment, JM." Tumingin lang sa akin ang kapatid ko.

Humawak ako sa kamay ni Mommy. Grade 10 na ako at maganda na ang standing ko sa school ko sa Singapore kaya nakakahinayang na dito kami magtutuloy nang pag-aaral.

"Let's go, Mom" sabi ko kay Mommy. Ngumiti si Mommy sa akin pero alam kong fake yung smile niya na iyon kasi every night sa loob ng one week na stay namin dito sa Pinas lagi na lang umiiyak si Mommy.

Nagtataka nga ako at hindi pa kami sinusundan ni Daddy. Kung mahalaga kami sa kanya susundan niya kami dito pero hindi niya kami sinusundan eh. Gusto kong unawain pero nasasaktan ang Mommy ko.

Unfair man pero mas mahal ko si Mommy, noong bata pa daw ako sabi ni Mama Gabbie naghiwalay si Mommy at Daddy kaya kay Mommy ako napunta kaya siguro mas mahal ko ang Mommy ko.

Pumasok kami sa loob ng University na iyon na papasukan daw namin. Pagpasok pa lang namin sa Campus ay nakatingin na kaagad sa amin ang mga tao hindi naman nakakataka, model ang Mommy ko at maganda at gwapo kaming magkapatid.

Diretso kami sa Principal's office. Sumalubong sa amin ang isang babae na nasa mid-30's siguro.

"Aileen! It's good to see you again" sabi nito kay Mommy. Ngumiti lang si Mommy sa kanya bago nagsalita.

"Sorry kung nalate kami ng mga anak ko, Erika." Ngumiti lang ang babaeng tinawag ni Mommy na Erika.

"By the way, Erika, these are my kids Isabelle and Matthew. Grade 10 na si Isabelle at Grade 6 naman si Matthew." Inabot ni Miss Erika ang kamay niya sa amin, nakipag-shake hands naman kami.

"Welcome to St. Therese University. Don't worry I will guide you both" nakangiting sabi niya sa amin ni Matthew.

Bumaling siya kay Mommy na parang wala pa sa sarili "Settle the payments na lang, Ai. I will try to contact the publishing house if they can provide the set of books needed. My prescribed uniform din kami dito." Tumango lang si Mommy sa lahat nang sinabi ni Miss Erika sa kanya.

Pagkatapos nang kaunting usapan nilang dalawa ay nagpaalam si Mommy na magbabayad ng tuition fee namin at bibili kami ng ilang kakailanganin para sa school dahil bukas na raw kami papasok ni JM.

We went to the mall near the area, hinayaan lang kami ni Mommy na pumili ng mga dapat bilhin habang nasa isang sulok lang siya at nakatingin sa amin pero mukhang space out naman siya.

Lumapit ako sa kanya habang si JM naman ay parang walang plano na bumili ng mga gamit niya which is parang ako dahil ang totoo gusto kong bumalik sa SG kung saan kami talaga nakatira.

"Mommy" untag ko sa kanya. Doon lang para tila natauhan si Mommy sa pagkakatawag ko sa kanya. Hinaplos niya ang pisngi ko.

"May nakuha na ba kayo?" tanong niya tsaka tingin sa basket namin ni JM "Bakit wala pa kayong nabibili? Papasok na kayo bukas sa school tapos marami pa tayong bibilhin na gamit niyo"

"Mommy, let's go back to Singapore." Sabi ni JM habang nakahawak sa kamay ni Mommy.

Lumuhod naman si Mommy sa harapan niya "We can't pa, anak. Please understand na hindi pa kami okay ng Daddy niyo" mahinahon ngunit malungkot na sabi ni Mommy.

Inakbayan ko si JM "Okay lang yan. I'm sure you will have your new set of friends here" nakangiti kong sabi sa kanya. "Let's go, let's choose our supplies. I will help you first" tumingin ako kay Mommy tumango naman siya sa akin tsaka nag-mouth ng 'thank you'

Mahirap din naman para kay Mommy ang nangyayari sa kanila ni Daddy. Alam ko kung gaano kamahal ni Mommy ang Daddy ko at para maghiwalay sila ay isang challenge na rin kay Mommy at Daddy.

Tinulungan ko si JM na mamili ng mga gagamitin niya para sa school tomorrow kahit ako ay mabigat din naman sa loob ko na mamili ng mga gagamitin ko dahil mas gusto ko kung nasaan akong lugar which is SG at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito sa Pilipinas.

Kinabukasan hinatid kami ni Mommy sa school nag-promise pa siya na doon lang siya sa waiting area at hihintayin niya na matapos ang klase namin ni JM kasi gusto niya raw makausap yung advisers namin.

I went to my classroom. Inaasahan kong nakatingin silang lahat sa akin dahil halos magkakakilala na silang lahat at 2 months ng may klase at ako ngayon lang pumasok. Huminga muna ako nang malalim bago ko tinahak ang daan papunta sa room ng Grade 10-St. Anne na section ko.

Wala pang teachers kaya halos karamihan sa mga students ay nasa corridor pa at nagkikipagdaldalan kaya ng dumaan ako sa hallway which is tapat ng mga classroom ay napapalingon sila sa aking lahat.

Hindi ko naman itatanggi na may itsura ako pero siguro kaya sila napalingon ay dahil sa hindi ako nakasuot ng uniform. Ayaw kasi ni Mommy ng tela na provided ng school for the uniform kaya next week pa kami ni JM magkakaroon ng uniform.

I'm wearing a nude color na  dress na hanggang knee ko lang at isang white flat shoes, si Mommy mismo ang nag-ayos sa akin hinayaan niya lang na nakatali ang mahaba kong buhok, hawak ko din ang isang cardigan sa kamay ko dahil baka lamigin ako sa loob ng room kahit sabihing may sleeves ang dress na suot ko.

Mula sa pintuan ng St. Anne ay may mga students na nagdadaldalan pero nahinto sila nang dumating ako para bang bigla silang tumahimik silang lahat lalo na yung mga may grupo-grupo. Kiming ngumiti lang ako sa kanila tsaka ako pumasok sa loob ng room.

Napansin ko ang mga mapanuring tingin nilang lahat sa akin yung iba ay bumulong-bulong pa sa katabi nila. Hinayaan ko na lang sila tutal hindi naman kami magkakakilalang lahat at tahimik lang naman akong nakaupo sa dulo which is I assume na walang nakaupo dahil halos ng upuan ay may mga bag nang nakalagay at kung alphabetical man ang seating arrangements nila ay malalagay talaga ako sa likod.

Pinagmasdan ko na lang silang lahat tsaka ko ko kinuha yung salamin ko sa mata sa loob ng bag ko. Malabo ang mata ko kaya kailangan kong magsuot ng glasses, maaayos naman daw iyon pero ayoko munang ipagalaw tsaka na lang kapag dalaga na ako.

Maya-maya lang ay nag-ingay ulit ang mga kasama ko sa loob ng classroom. Pinagmasdan ko lang sila, may mga nakatingin sa akin pero walang nagtatangka na lumapit sa akin.

Ilang sandali pa ay tumunog na ang bell hudyat na start na ng class. Dumating na yung adviser namin sa loob ng room, her name is Miss Hanna Faith Hermosa.

After prayer ay naupo ang lahat. Our adviser scanned the whole room then her gazed stopped on me, she smiled. "Okay class, we have a new face here. She's from Singapore..." I heard my classmate gasped and looked at me, tumayo ako at lumakad sa harap ng room. "...hahayaan ko na siya ang magpakilala sa inyo ah" ngumiti si Miss Faith sa akin. She tapped my shoulder and she stood at the side of the board.

Tumikhim muna ako at lahat sila ay nakatingin sa akin para bang specimen na kailangan i-observe under the microscope. I smiled to them

"Good morning. My name is Isabelle Francheska G. Zalderiagga, fourteen years of age you can all call me, Isha (ish-ha). I was from Singapore. Please treat me well. Thank you" I bow my head to them and then went back to my chair at the back. Nakasunod pa rin ang tingin nilang lahat sa akin.

Kiming ngumiti na lang ako matapos kong magpakilala sa kanila. Handa naman ako kahit wala akong maging kaibigan dito. At least matapos ko ang school year na ito ng matiwasay.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now