Chapter 27

543 21 3
                                    

Natapos ang buong activity at finals na lang ang inaasikaso naming lahat. Reviews, group study at mga kung ano-ano pa ang hinahabol naming gawain.

Ang club na sinalihan ko ay maglalabas pa ng last issue ng school paper at kailangan kong makagawa ng isang article about the activities we had.

Halos nakapikit na akong nagtatype dahil pumipintig ang ulo ko sa sakit. I'm in the office of student council sa room ni Ganymede.

I've been drinking a lot of meds dahil sa hindi na rin ako nakabalik sa ospital. Mom wants me to go back pero sobrang busy sa school kaya hindi masingit sa schedule.

Lately, nakakaranas ako nang pagdurugo ng ilong ko pero hindi ko sinasabi kay Ganymede at sa magulang ko dahil mag-aalala sila, nawawalan ng malay pero nagigising din naman ako. Nagiging malabo na rin ang vision ko at kung minsan ay hindi ako makakita. Kaunting pag-iisip lang ay sobrang sakit na nang ulo ko.

Natatakot man ako ay ayokong mag-alala ang mga tao sa paligid ko kaya kung kaya kong sarilinin ay gagawin ko. Sabagay nakukuha pa naman siya ng gamot kaya tingin ko kaya ko pa naman hanggang March. Ilang buwan na lang din naman at gagraduate na kami.

Since nagkaayos na ang mommy at daddy ko ay babalik na kami sa Singapore. Doon ako planong pag-aralin ng mga magulang ko. Nakausap ko naman si Ganymede doon at pumayag siya. Bibisita na lang daw siya sa akin kahit once a month tutal ay mahigit 3 hours lang naman ang biyahe papuntang Singapore.

We have a give and take relationship. Ayaw naming masakal sa magiging desisyon namin kaya nag-uusap kaming dalawa. Iyon nga lang ay hindi pa siya kilala ni mommy at daddy. Dahil tuwing sinusubukan kong sabihin ay natatakot na ako.

Katulad ngayon ay nasa Singapore si mommy at may inaasikaso siyang mga shoots niya. Ang kasama namin ng kapatid ko ay ang isang maid namin mula sa SG.

Isang halik mula sa ulo ko ang nagpaangat sa tingin ko. Ang nakangiting mukha ni Ganymede ang sumalubong sa akin.

"You done?" tanong niya sabay silip sa laptop ko. Nasa kalagitnaan pa lang naman ako ng article na ginagawa ko.

Umiling ako bago ako yumakap sa kanya. Tingin ko kasi magiging recharged ako kapag niyakap ko siya. Gumanti naman siya nang mahigpit na yakap sa akin.

"Pagod na ba ang asawa ko?" malambing na tanong niya sa akin.

Muli ay iling lang sagot ko sa kanya. "You are here already so I'm not tired anymore."

"I bought some milk for you." inilapag niya ang isang box ng fresh milk at ang paborito kong muffins sa gilid ko.

"Kumain ka muna."

I nodded my head bago binuksan ang dala niya. "You want?" I asked him kasi pinapanood niya ako habang kumakain ako.

Umiling lang siya bilang sagot sa akin. "I'm full. Kumain kami sa meeting."

They had a meeting with the Seniors committee para sa program sa darating na graduation.

"The prom will be held in the campus. At nagtatanong na ang karamihan sa kung sino ang date nila."

I eyed him habang nagsasalita siya. Prom! I'm so excited. Hindi kasi ugali sa school namin sa Singapore ang ganoong klase ng activity kaya sobrang excited ako na maexperience iyon sa Pilipinas.

May biglang inilabas na papel si Ganymede sa akin. Isang sulat.

"For what?" natatawang tanong ko sa kanya. He shrugged off his shoulder then pointed the letter.

Ibinaba ko muna ang kinakain kong muffin at binuksan ang liham na bigay niya.

Binibini,

Hindi ako magaling sa salita ngunit nais kong malaman mo na sinusubukan ko. Sa pamamagitan ng liham na ito ay nais kong ipaabot sa iyo ang labis kong pagmamahal sa iyo.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now