Chapter 8

825 25 0
                                    

Ngumiti si Miss Faith bago lumapit sa harapan ulit. "Can you understand Tagalog?" tanong ni Miss Faith sa akin. Tumayo ako ulit mula sa upuan ko.

"Yes, Ma'am. I can understand and at the same time I can communicate with Filipino language po."

Tumango ulit siya "Please be seated" sabi niya kaya umupo naman ako "Ipapakilala ko naman sa iyo ang mga officers natin dito sa loob ng room ah. Para in case na may gusto kang malaman feel free to asked them, mababait lahat ang kaklase mo dito" sabi niya sabay ngisi.

"Ma'am, hindi mabait si Tristan! Masungit yan!" sigaw ng isa.

"Oo nga, Ma'am. Masungit kaya yang si Mr. President" dagdag naman ng isa.

Hindi ko alam kung sino ang Tristan na tinutukoy nila pero makikilala ko naman ang mga iyon.

"Hay, St. Anne, nag-uumpisa na naman kayo. Mahiya kayo sa transferee natin pakita niyo naman na mabait kayo kahit ngayong araw lang" tumawa ito.

"Officers please line up here" tawag niya sa mga officers. Nagtayuan ang ilang mga estudyante na tinawag niya.

"Isha, I want you to meet our classroom officers. Spartans, introduce yourselves"

Ang babae sa pinakaunahan ang nagsimulang magsalita. "Cley Monica Reyes, I'm the prettiest in this class. I'm the muse" sabi ng babae na medyo mataas ang palda, makapal din ang labi niya na bumagay naman sa mukha niya kaya lang parang pinipilit niya na maging maganda.

"Ma'am palitan na natin si Cley. Mas maganda yung baguhan natin!" sigawan ng ilang lalaki.

"Tse! Mga kumag na panget" sabay irap ng babae sabay takbo sa hulihan ng linya at abrisiyete sa lalaking nakatingin lang sa akin kanina pa.

"Lorraine Santos, Treasurer" sabi naman ng medyo maliit na babae.

"Jeffrey Sto.Tomas, escort at ang pinakagwapo sa lahat" ngumisi ang lalaking  iyon tapos may kakapalan ang kilay, matangkad ito.

"Julius Aaron Cruz, PRO" sabi ng matangkad na lalaki at nakasalamin.

"Valeen Janica Yu, Secretary" saad naman ng babaeng hanggang batok ang buhok at nakasalamin din.

"Maricar Espanto, Sgt and Arms" sabi naman ng maputing babae.

"Laetitia So, Sgt and Arms" sabi naman ng katabi niyang medyo kayumanggi.

"Gabriel Theodore Jacinto, Auditor" sabi naman ng medyo maputing lalaki.

"Beatrice Hope Crisostomo, Vice President" sabi ng babaeng medyo may katabaan ang katawan. Dinunggol naman nito ang katabing lalaki na nakatingin sa akin, sigurado ako na ito yung Tristan na tinutukoy nila.

Tumikhim ito bago nagsalita "Tristan Ganymede Montevera, President" pakilala niya sa sarili niya. Sinubukan kong sabayan ang titig niya, maganda ang katawan niya at medyo magulo ang buhok niya.

He has a deep black eyes covered by an eyeglasses, a thick eyebrows that suit his eyes, his pointed nose and thin reddish lips are all matched on his perfect shaped face.

"Thank you, Spartans" sabi ni Miss Faith tsaka bumaling sa akin "Please don't hesitate to ask them if you have any problems, Isha" tumango ako sa sinabi ng adviser namin. "Okay let's begin our lesson, get your science book and open it to page 67..."

At doon nagsimula ang araw ko. Lunch time at nakita ko ang text ni Mommy na may pinuntahan lang daw siya at babalik na lang daw siya para sunduin kami. I wanted to check my brother sana pero magkaiba kami ng lunch time mas nauna siya kaysa sa akin kaya sigurado akong tapos na siyang kumain.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now