Chapter 3

1K 30 1
                                    

"Ano ka ba naman. Hindi mo na ba matandaan si Tristan?" nakakalokong sabi ni Cley sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko na matandaan yung taong sinasabi niya.

Hindi ko kasi talaga matandaan. Hindi siya makilala nang utak ko pero yung dibdib ko sobrang kaba kapag nababanggit yung pangalan niya.

"Nakalimutan mo agad si Mister ah" ngumiti siya bago pinindot ang intercom niya at nagpadala ng pagkain at inumin sa loob ng silid niya.

"Mister?" tanong ko sa kanya habag nakakunot ang mga noo ko. Ang hirap kapag hindi mo maalala.

"Ikaw talaga, Isha. Hindi ka na nagbago. Hindi ka na nga nagpaalam kay Tristan na aalis ka noon tapos nalaman na lang namin na inoperahan ka na kaya bigla ka na lang nawala sa St. Therese. Naiwan mo si Mister mo noon. Umuwi ka ba ng Singapore that time or saan nga yung isa niyong bahay?" sunod-sunod na sabi niya sa akin. Hindi pumapasok sa utak ko yung sinasabi niya kasi sunod-sunod na impormasyon.

Oo, umalis kami bigla nila Mommy sa Pilipinas dahil kailangan kong operahan daw sabi ni Mommy. Naaalala ko noong nagising ako noong una ay nasa Singapore ako pero sa ikalawang paggising ko ay nasa U.S kami dahil sa nangyari sa akin basta may benda ang ulo ko at kung ano yung nangyari sa akin.

Hindi ko na rin matandaan. Kailangan ko siguro matanong si Mommy regarding sa pangyayari ito sa akin.

"You know what, you have a lot of explaining yo do. Imagine when we heard na ginawa niyo ni Gan yung "real" wedding, I was rally shocked. You know how much I like Gan before, right?" she said.

I blinked my eyes para matanggap lahat ng sinasabi niya. There are so many infos coming from her!

Pumasok ang secretary ni Cley at dala na nga yung pagkain na pinapadala niya. "Graduate ng Valedictorian si Ganymede, akalain mo yung lalaking iyon talagang nagbunga ang pagiging geek niya. Sayang sana kayong dalawa ang Valedictorian and then iyon nga naghiwa-hiwalay na lang noong Grade 11 hanggang College. I heard that Gan ended up being a lawyer. Graduate siya sa UP Diliman and then nag-Masteral ata siya sa abroad na and now, Gan, is one of the best lawyer in the Philippines at kilala siya sa abroad ah. Akala ko you heard his name"

Umiling na lang ako at hindi ko nga alam yung dapat kong sabihin kasi loaded ng impormasyon yung utak ko. And the weird fact is that I can't even remember his face nor his voice during my conversation with Cley.

According sa Psychology kung kilala mo na yung tao, maaalala mo siya kahit pangalan lang niya ang mabanggit pero yung Ganymede na iyon hindi talaga!

"Ah, Cley, do I have a marriage certificate with him?" out-of-blue na tanong ko. Baka kasi meron pero malabo. Kung Grade 10 days yun ibig sabihin parang laro lang kaya for sure na wala iyon.

"Yes. " nakangiting sabi niya sa akin na kinagulat ko naman. Napasandal ako sa kinauupuan ko tapos ay napahawak ako sa dibdib ko.

Tinignan ko yung mukha niya kung nagloloko siya pero hindi! Seryoso ang itsura ng mukha niya.

Paanong ang Grade 10 na katulad ko noon ay magkakaroon ng Marriage Certificate!

"Niloloko mo naman ako eh" biro ko sa kanya pero umiling siya sa akin at diretso talaga ang tingin niya na halatang hindi nagbibiro.

"I'm not. Totoo yun. Ang nakakatawa ay kayo lang ni Gan ang nagkaroon ng Marriage Certificate ah. Dadalhin ko yun sa iyo or shall I send it to you kasi ang alam ko may kopya pa ako nung Certificate niyong dalawa kasi yung main copy is na kay Gan" explain niya sa akin tsaka siya humigop ng kape niya.

Dahil sa sinabi niya mas lalo akong kinabahan at mas lalo akong naghihinala na kinasal nga ako . Pero hindi ko talaga alam. Wala akong alam.

"You looked so tensed, Ish. Don't worry, you will see him on Saturday naman besides baka hinahanap ka na rin ni Mister" ngumiti ulit ito pero hindi na ako makangiti sa mga sinasabi niya.

Kailangan ko atang magpatingin sa Neurologist para malaman ko kung bakit hindi ako makaalala.

Tumango na lang ako sa kanya tsaka ko dinampot ang mga gamit ko. Tingin ko kailangan kong lumayo muna sa babaeng ito kasi ang daming impormasyon na pumapasok sa utak ko.

"I will go" sabi ko sa kanya sabay abot ng bag ko sa table.

"Agad?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. Tumayo na rin siya sa kinauupuan niya , inabot niya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman "Wag kang mawawala sa Saturday ah. You will be one of our special guest"

Ngumiti at tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung makakaya kong pumunta sa Sabado pero nagtataka talaga ako kung sino si Ganymede at bakit ko siya naging asawa.

Lumabas ako ng building na takang-taka pati nga pagkuha ko sa ID ko ay tahimik dahil iniisip ko ang mga nalaman ko.

I really want to know few things while I'm here. First is that how did I end up being THE WIFE of that Ganymede, Second why I can't remember anything regarding him and the people around me before. Ano ba talaga ang nangyari sa akin?

Umuwi ako kaagad sa bahay kasi alam kong isang tao lang ang makakasagot sa tanong ko and that's my Mother. I called her using Skype. Lagi namang online si Mommy and I'm glad na isang ring ko lang ay sinagot na niya ako kaagad.

"Isabelle, baby! Why did you call?" bungad ni Mommy sa akin. Wala man lang HI or HELLO. Nasa room siya nila ni Daddy at mukhang aalis siya kasi ayos siya nang ayos ng buhok niya.

"You will leave?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. Mga 15 minutes pa. We will go to meet your Dad's Friend. Alam mo naman ang Daddy mo ayaw na nawawala ako sa tabi niya"sabi niya sa akin pero halos hindi ko na pinansin pa dahil limited lang ang oras naming mag-ina.

"Mom, please tell me the truth. Did something happened to me before because I can't remember the people here in the Philippines. I met this Cley, she's telling me that we were classmate during my Grade 10 days here in the Philippines but I can't remember her. Also, she knew 'my husband', she's telling me such things that my mind can't absorb. Did something happened to me before?" dire-diretso kong tanong sa kanya.

Nakatingin lang si Mommy sa akin na para bang nagulat sa tanong ko. Binaba niya ang suklay niya na ginagamit niya.

"I think it's the time that you should know everything, My Princess" seryosong sabi ni Mommy.

"What 'everything'"? balik-tanong ko sa kanya.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now