Chapter 6

977 34 2
                                    

Hinabol niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng hall para lang hilahin muli palabas.

"Ano ba?!" galit na tanong ko sa kanya. Hindi na ako natutuwa sa isang ito. May hangganan din naman ang pasensya ko.

"I'll explain everything, just listen to me." seryosong sabi niya. His eyes were pleading while looking at me.

I breathe out a sigh and crossed my arms over my chest. I guess there will be no harm kung makikinig ako sa kanya di ba?

"Go ahead. Speak."

He breathe out na parang nakahinga na siya nang maluwag dahil sa pinayagan ko siya.

Nakatitig lang ako sa kanya buong sandali habang sinasabi niya iyon sa akin. Parang hindi kapani-paniwala yung mga sinasabi niya.

Pero abogado siya, alam mo kung nagsisinungaling ang abogado.Pero iyon nga eh, magaling din sa kasinungalingan ang mga abogado.

Binawi ko ang tingin ko sa kanya pagkaraan. "I don't believe you" sabi ko sa kanya.

Lumakad ako papalayo at kahit gusto ko siyang lingunin ay hindi ko ginawa. Chance ko naman na malaman kung totoo ang sinasabi niya pero natatakot ako kapag totoo lahat ng iyon.

Pumasok ako sa loob ng hall, maingay dahil sa mga tugtog. Ginala ko ang tingin ko sa mga taong nandoon, para bang may laro na nagaganap dahil nagtatawanan sila kasabay ng mga musika na tumutunog.

Nagpunta ako sa pwesto ko at nakita ko doon si Lorainne lumapit ako kaagad sa kanya at nag-angat siya nang tingin sa akin.

"Tapos na kayo?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya tsaka ako umupo. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya ako iniwan pero mukhang kakampi naman siya ni Tristan.

"Nakiusap kasi sa akin si Gan na makausap ka noong hindi ka pa dumadating kaya pumayag ako. I hope you don't mind" sabi niya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya. Sa totoo lang ay naiinis ako kasi pinangunahan niya ako pero ...ay ewan. Nakakainis lang talaga. Umayos na lang ako ng upo ko tsaka ko inabot ang inumin na nasa harapan ko.

Nakatingin pa rin ako sa mga naglalaro pero parang may hinahanap ako mula sa crowd na iyon lalo na sa pinasukan ko kanina pagkatapos naming mag-usap nung asawa ko raw.

Hindi nga ako nagkamali dahil pumasok din siya doon kahit medyo dim ang lights ay nakita ko siyang pumasok, may mga lumapit sa kanyang babae. Yung isa ay hinawakan pa siya sa braso at inabot siya na para bang may binulong sa kanya.

Nakaramdam ako ng inis habang nakatingin sa kanila nang ganoon. Alam ko naman na hindi ako dapat mainis pero naiinis ako sa nakikita ko.

"Jealous?" narinig kong sabi ni Lorainne sa gilid ko.

Nilingon ko siya tsaka ako umiling kahit ang totoo ay ayaw kong hiwalayan nang tingin yung lalaki na iyon. Para bang naiinis ako na hindi ko maintindihan pero hindi dapat ako mainis kasi hindi ko naman siya matandaan eh.

"Dinner is served everyone please line up at our buffet table. We will start with table numbers 1-10 for the buffet on the left side and numbers 11-20 for the buffet table on the right side"  

Tumayo na ang mga kasama ko sa mesa pero hindi pa rin ako tumatayo, lalakad na sana palayo si Lorainne pero nilingon niya muna ako "Ayaw mo kumain?" tanong niya sa akin.

"Later" sagot ko na lang sa kanya. Ayokong sumabay sa dami ng tao sa pagkain at tsaka hindi naman ako nagugutom.

Tumango si Lorainne tsaka siya naglakad palayo. Inabala ko ang sarili ko sa mga taong nakikita ko lalo na at nakasindi ang liwanag. May mga taong pakiramdam ko nakita ko na pero hindi ko mapangalanan lalo na at ngumingiti sila sa akin.

Mahaba ang pila sa buffet kasing haba nang pag-iisip ko sa mga nangyayari sa akin. Kinausap niya ako pero parang wala na lang ngayon sa kanya na nandito ako. Pero sabagay wala naman dapat kaming pakielamanan ng Ganymede na iyon.

Tss. What a name! Ganymede.

Naputol ang pag-iisip ko nang may maglapag ng muffins sa tapat ko. I smirked, I don't eat Muffins!

"Bring your muffins with you, Mr. Ganymede. I don't eat muffins" tsaka ko tinulak palayo ang muffins pero inurong niya lang ulit papalapit sa akin yung plato na may muffins.

"Hindi nga ako kumakain nang ganito" madiin at may pirmi kong sabi sa kanya. Ang tigas ng ulo! Ayoko sa lahat nakikielam sa mga bagay na ginagawa ko.

"Then what do you want to eat?" ani ng isang baritonong boses.

Nag-angat agad ako nang tingin dahil hindi si Ganymede ang kausap ko kundi ibang tao pala. Isang lalaki na medyo nakataas ang buhok, makapal ang kilay at matalim ang mata na nakatingin sa akin.

"Nasasaktan naman ako, Isha. Favorite mo ang muffins di ba?" sabi niya tsaka hinila ang upuan na nasa tabi ko tapos ay pinatong niya ang braso niya sa upuan ko tsaka hinila iyon palapit sa kanya.

"Wala ka pa ring pinagbago. You're still the very beautiful, Isabelle that I used to know." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko and I find it uncomfortable.

Pinilit kong lumayo kaya lang hinila niya ulit ang upuan ko

"Hey!" tinampal ko ang kamay niya na nasa upuan ko. "Will you please stay away from me?"

"Oh! Seems like na pati ako nakalimutan mo na?" maangas na sabi niya tsaka lumayo nang bahagya sa akin at sumandal sa upuan niya. He crossed his arms over his broad chest while his thick brows are up.

"Yes, I don't remember who you are" sagot ko naman sa kanya.

Lumingon ako sa paligid ko pero lahat sila ay parang hindi kami nakikitang dalawa. Tumingin din sa paligid ang lalaking iyon tsaka bumulong sa akin.

"Hindi sila lalapit dito" confident na sabi niya sa akin na para bang alam niya ang tumatakbo sa isip ko.

Tinignan ko ulit ang mga tao sa paligid ko pero wala talagang lumalapit sa amin ditto. Nasaan na ba yung nagpapakilala na asawa ko daw?! Lintik na yun.

Pero nabuhayan ako nang may dalawang lalaki na kasama ko sa mesa na ito ang papalapit. Alam kong dito sila uupo!

Hindi nga ako nagkamali dahil lumapit sila dito pero tinignan lang sila nung lalaki na kasama ko tsaka sila umalis kaagad.

Gosh! Takot ba sila sa lalaking ito?! I don't even know who he is!

"Sino ka ba?!" matapang kong tanong sa kanya.

Tumitig lang ang lalaki sa akin tsaka siya ngumisi sa akin and I find it too creepy. Sisigaw na sana ako nang may biglang humila sa kamay ko. Sasampalin ko sana ang humila sa akin pero nang makita ko na si Ganymede ay tumigil ako.

"Creating chaos here, Zachary? And with my wife again? Seriously?"  nilagay ako ni Ganymede sa likod niya and now napansin kong nakatuon na ulit ang atensyon ng tao sa amin.

Pumalatak yung tinawag niyang Zachary tsaka ito ngumisi ulit. Hobby siguro nito ang pagngisi, tinapik nito si Ganymede tsaka tumingin sa akin at kumaway.

"See you around, Queen" tsaka siya kumindat sa akin at tumingin ulit kay Ganymede nang seryoso bago lumakad palayo. Lumingon naman sa akin si Ganymede.

"Wag kang lalapit sa isang iyon." Tsaka niya ako binitawan tapos ay lumakad na siya papalayo sa akin.

Napailing na lang ako. Wala man lang bang tanong kung ayos lang ako or what? Seriously what's with these people!

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now