Chapter 26

552 25 4
                                    

Halos pagmadaliin ko ang host sa pagtapos ng event. Nagkaroon pa kasi ng group picture at hindi agad ako nakalabas. May ilan ding kumausap pa sa akin kaya ng matapos iyon ay halos magmadali akong pumunta sa dressing room para kuhain ang bag ko. Samantalang si Pete ay nagmamadali ring nakasunod sa akin.

"Why hurry, Isabelle?!" tanong niya habang dinarampot ang mga regalo at bulaklak sa akin. Nilingon ko lang siya pagkatapos kong damputin ang bag ko.

Tinignan ko ang oras, mag-iisang oras na mula nang magkita kami at sabi niya ay dapat nasa labas na ako within 10 minutes!

Napakaimposible pero kasi naman! "I'm sorry. Gan is waiting outside. He must be waiting for so long!" sagot ko sa kanya sabay martsa papalabas ng silid.

Nakasunod naman siya sa akin habang patakbo na akong lumalakad. Kung may haharang pa sa akin baka bigwasan ko na siguro.

"Oh my gosh, Isabelle! Slow down!"

Hindi kasi siya makasunod sa mabilis kong lakad kaya nang makarating ako sa elevator ay agad kong pinindot ang 'B' button para sa basement. I'm sure na doon siya naghihintay.

"God! You have so many presents that I should bring, Isabelle! Can't you see these paper bags and flowers?" anito habang tinuturo ang mga regalo na dala ng security at ilang dala niya.

Wala naman akong pakialam doon kasi ang gusto ko lang ay makita na ulit ang asawa ko. Hindi ko akalain na sobrang ko siyang mamimiss sa loob ng mahigit dalawang linggo na pagkawala niya.

Hindi naman siya nagkulang sa pagtawag sa akin pero never kaming nagface time!

Tumunog ang elevator tanda na nasa tamang palapag na kami. Agad akong lumabas at kahit suot ang mataas na heels ay patakbo kong sinuyod ang buong basement para makita siya kaya pati ang mga kasama ko sa likod ay tumatakbo rin na nakasunod sa akin.

"Isabelle!" sigaw ni Pete pero hindi ko siya nililingon kasi hinahanap ko ang sasakyan ni Ganymede.

Paano kung sa sobrang tagal ko ay umalis na siya at hindi na ako nahintay? Para naman tuloy may mabigat na dumagan sa dibdib ko pero bigla ring naglaho nang mamataan ko siya na nakasandal sa Aston Martin niya.

With a creased forehead and arms crossed over his wide chest. His eyes that are covered by the eyeglasses are intently looking at me na para bang kakainin niya ako anytime.

Kahit hinihingal ay ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Pakiramdam ko lumiwanag ang paligid ko dahil nasa harapan ko na siya. Dahil nandito na siya.

I immediately throw myself in his arms kaya halatang nagulat siya. I heard some shock sighs from my back pero hindi ko na sila nilingon pa.

Ganymede wrapped his arms around me and planted a kissed on my shoulder bilang pagkabawi niya sa ginawa ko.

"I missed you" bulong ko habang nakahilig at nakapikit ako sa dibdib niya. I feel so safe in his arms na kahit ata ano ay kaya niyang labanan para sa akin.

"I missed you too, baby" he whispered over my ear.

Kung anong kinapayapa ng dibdib niya ay siyang matinding rambol ng dibdib ko naman. Parang kulang na lang ay mabuksan nila ito.

I heard some fake coughs from my back kaya bumitaw ako kay Ganymede at hinarap ang mga taong iyon.

Ganymede hand is on the small of my back habang nakamasid din sa mga taong nakasunod sa akin.

Pete grinned when he saw me but his eyes wide opened when he saw Ganymede. Ngayon lang kasi niya ito nakita kaya nagulat siya. The man behind him are all serious na para bang natrain na bawal silang tumawa.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now