Chapter 21

539 21 1
                                    

Dad was the first person that I found pagpasok ko sa bahay. Nasa salas siya at nanonood ng T.V habang may iniinom na kape.

"Dad!" Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "You woke up early. No hangover?" I asked him bago ako tumabi sa kanya.

Grabe kaya ang inuman nila ni Ganymede kagabi kaya sigurado akong lasing na lasing siya.

"Nope. Pinainom din kasi ako kaagad ng mommy mo ng kape kagabi." Nilingon ako ni Dad. I know na may gusto siyang sabihin katulad ko rin na may gustong sabihin sa kanya.

I looked at my father's face, sabi ng iba ay kamukha ko siya siguro dahil may parehas kaming kulay ng mata, ilong , tenga, labi at kulay ng balat My hair has the same color like my father. Light brown. In short I'm the female version and younger version of my father.

Half-british si Daddy at the same time ay Half-Filipino siya pero lumaki si Abuela na mommy ni Daddy sa Pilipinas.

Sa aming tatlong magkakapatid ay tanging ako lamang ang nakakuha ng kulay ng mata ni Daddy. Blue eyes. Ang mga kapatid ko ay halos si Mommy ang kamukha.

Dad moved towards me then he placed his arms over my shoulder. "Before I dreamed na siguro kapag nagka-boyfriend ang kaisa-isa kong anak na babae ay baka lahat ng baril ilabas at itutok ko sa kanya. The first time that I saw you before alam ko na agad na kailangan kitang protektahan by all means."

Nagkatinginan kami ni Daddy. Nakikinig lamang ako sa kanya habang nagsasalita siya. I'm a very much daddy's girl kaya sobrang pinahahalagahan ko ang mga sinasabi niya.

"Hindi ko alam na nagpakasal ka kaagad. I was shocked when I heard the news. The first thing that crossed my mind was to send you off in America just to keep you away from the news. You're just starting to achieve your dreams."

Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko kasi maiiyak na ako sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin.

"Pangarap kong isayaw ka noon kapag kinasal ka. Gusto kong ako ang magbibigay sa kamay mo sa taong pinili mo...but now those are all gone."

The tears that I kept in my eyes ,fell. Sunod-sunod sila. Pakiramdam ko nadisappoint ko sila ni mommy sa ginawa ko before. Buong buhay ko pinilit kong maging proud sila sa akin. Ayokong masaktan sila dahil sa akin.

"Ganymede is a fine man. Sa pagkausap ko sa kanya kahapon ay naramdaman ko ang intensyon niya sa iyo. I really want the best for you, Isha. You are my first born that's why I want you to have the best." Daddy took my hand and held it.

"I'm not drunk anymore and I'm perfectly fine right now. Your mom and I are really eager to find out kung bakit mo siya pinakasalan when you were fourteen. We traced the record of your marriage. Akala ko noong una hindi totoo pero totoo pala." tumayo si Daddy at lumapit sa cabinet na malapit sa pwesto namin.

Kinuha niya roon ang isang brown envelope at inabot sa akin. Pinunasan ko muna ang luha sa mata ko bago ko binuksan iyon.

Inside the envelope is a yellow paper. Certificate of Marriage ang nakasulat. Halos lumaki ang ulo ko habang binabasa ang mga doon.

This certificate is given upon the request of Mr. James Timothy Zalderiagga and the following are informations that Mr. Zalderiagga are asking for.

Certificate of Marriage

Husband: Tristan Ganymede Soriano Montevera

Wife: Isabelle Francheska Gonzales Zalderiagga.

Age of husband at the time of marriage: 16 years old.

Age of wife at the time of marriage: 14 years old

Date of marriage: November 16, 2005

Place of marriage: St. Therese University

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now