Chapter 20

539 25 1
                                    

Luckily we found a vacant room sa hotel na tinutuluyan namin. I thought we had to stay outside because of my pride. I called mom and asked her if I can used my credit card she just asked why pero pumayag na rin siya.

We have a room different from others. Sinabi na rin namin kay Miss Faith ang nangyari she said na kakausapin niya sina Cley about sa ginawa nila.

The room has two beds kaya makakapagrest kami ni Lorainne nang hindi inaabala ang bawat isa.

"Alam mo sana talaga hinayaan mo akong sagutin ang mga babaeng iyon. Abnormal sila! Nakakainis!" Galit na galit na sabi ni Lorainne habang inaaayos niya ang gamit niya.

My bed is near the window almost over looking the beach front. It also has a terrace na pwedeng mapuntahan kaagad. At least nakakagaan ng pakiramdam kapag tinitignan ko ito.

"Don't mind them anymore. Ganoon ata talaga ang ugali nila and hindi tayo dapat pumapayag na awayin nila." I smiled at her while lying at my bed.

Sumasakit ang ulo ko sa kanila. May activity pa naman kami before lunch kaya kailangan naming magpunta doon.

"Pero nakakaasar pa rin sila! I wish na matalo sila mamaya sa laro."

I just nodded my head as an answer sa sinabi niya. We will play marathon later sa beach front. Syempre may reward ang team na mananalo kaya more than willing na lumaban si Lorainne sa group nila Cley.

"Let's do our best later." I cheered her before getting up para makababa.

Almost all of our classmates are in the beach front already. Some are stretching, some are practicing and some are doing nothing like Cley's group.

"Okay! I think everyone is here already. Simulan na natin ang ating marathon game. There are flags in each point so doon nakastand-by ang ating mga players. Tandaan na isang round lamang ito nang balikan to record your time. St. Anne versus St.Photina!" Naghanda kaming lahat sa sinabi ng aming instructor.

"President of each class please come forward para malaman natin kung sino ang magsisimula!"

"Sir, wala po president namin. Vice lang po nandito!" Sagot ng kaklase namin sa instructor. Tumango naman si Sir Leo kaya pumayag siyang ibang representative namin.

Marathon ang game na sinalihan ko dahil hindi naman ako totally active sa mga sports more on indoor games talaga ako. Pasahan ng baton ang mangyayari at kailangan ay makabuo kami ng isang 360 na takbo mamaya at kung sino ang pinakamabilis ay mananalo.

Kalaban namin si Cley kahit kaklase namin siya. Noong nagpipilian kasi ng sasalihan na game ay naisip niyang kalabanin ang grupo namin ni Lorainne sa sport na ito kaya ang mga kateam niya ay ang mga nasa St. Photina at dalawang members ng mean girls niya.

"St. Anne ang mauuna!" Announced ni Sir Leo kaya nagsimula na kaming pumunta sa position namin pero laking gulat ko na nakaagapay sa pglakad ko si Zachary.

"Good luck babe." He said after winking his eye. "I'll be watching your from here kaya dapat manalo ka." Dagdag pa nito. Napailing na lang ako sa kanya tapos ay hindi ko na siya sinagot pa at pumuwesto na lang sa point ko.

Last runner ako kaya I'm the one whose responsible kung mananalo kami or hindi sa larong ito. I breathe out and shake my hands dahil kinakabahan ako. Dagdagan pa ng sobrang sumasakit na ang ulo ko dahil sa init, stress at pagod.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now