Chapter 34

572 20 1
                                    

Dinner time and we were eating in one of the resto sa RWS. Masyadong napagod si Adam kaya nakaidlip siya sa balikat ng ama niya samantalang si Ganymede naman ang kumuha ng order.

"Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang sikat ka dito. Imagine, kanina naglalakad lang tayo tapos may magpapapicture na kaagad sa iyo." si Ate Ann habang tinutupi ang pinagpalitang damit ng anak at nilagay sa bag.

Ngumiti na lang ako sa kanila. Nakakahiya kasi talaga. Ayoko namang agaw eksena kaya lang kapag nakita nilang nagpipicture kami ay may ilang locals and tourists na magpapapicture na rin sa akin.

"Sorry. Ganun talaga sila eh."

Ate Ann waved her hand to me, "Alam mo ba. Etong asawa ko kahit sikat sa Pilipinas walang nagtatangkang magpapicture—"

"Kasi hinaharangan mo." Sabat ni Kuya Dare. Tinignan lang siya ni Ate Ann nang masama bago kurutin sa bewang. "Aray naman, Baba! Physical harassment na yan ah. Baka isipin ni Isabelle, battered husband ako." Nahihiyang tinignan ako ni Kuya Dare.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. They are actually fun. Para silang aso't pusa kung magtalo. Kahit sobrang babaw at liit na bagay pinagtatalunan nila pero in the end ay tinatawanan na lang nila.

"Both of you are so adorable." Natatawang sabi ko na lang sa kanila.

Ngumisi si Ate Ann bago hawakan ang kamay ko, "Basta Isha, yung baby ko ah! Ikaw ang magiging kamukha dapat. Tama na yung panganay ko na kamukha ng asawa ko." Inirapan pa nito si Kuya Dare kaya mas lalo akong natawa.

"Sana makuha niya yang eyes mo. Yung clear skin mo, yung nose mo, yung kulay mo! Sana all!"

Nahihiya na lang ako na nagbaba ng tingin pero biglang nagtaas din ako dahil dumating si Ganymede dala ang pagkain namin.

We ordered chicken and rice for today and a potato fries.

"Natagalan. Sorry." Sabi ni Gan pagkababa niy ng pagkain.

Dumako kaagad ang kamay niya sa likod ko bago bumaling sa akin. "Gutom ka na ba?"

Nakangiting umiling na lang ako sa kanila. Bago ko siya tinulungan na magbigay ng pagkain kina Ate Ann at Kuya Dare na nakatingin sa amin.

"Ganyang-ganyan din ang Kuya Dare mo, Gan. No doubt you are brothers talaga."

Ngumisi ako sa sinabi ni Ate Ann. Halos paulanan pa niya kami ng asar ni Gan habang nagsisimula kaming kumain.

"Alam mo bang andaming babae ang nagpapadala ng love letters diyan kay Gan sa bahay." si Kuya Dare na nagsimula na rin sa pang-aasar sa kapatid niya.

Gan growled "Kuya." Hinampas pa niya ito pero hindi nagpatigil si Kuya Dare sa pang-aasar.

"Mommy would always freak out because he has a lots of love letters every single day!"

"Ikaw may ganun ka rin ba?" Tanong ni Ate Ann kay Kuya.

Umiling si Kuya Dare sunod-sunod. "Baba, mula pagkabata natin ikaw na ang nasa puso ko! Tatanggap pa ba ako ng iba?"

Ate Ann grinned but she fakely coughed before answering her husband, "Hello Cheska?"

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil mukhang sila naman ngayon ang nagkatuwaan na mag-asaran.

Huminga ako ng malalim ngunit naramdaman ko ang kamay ni Gan na humawak sa kamay ko. Tinignan ko siya pero nakatitig na pala siya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay pero ngumiti lang siya sa akin. Marami ka pa lang babae huh? Mamaya ka sa akin sa bahay.

"Why?" He mouthed in his mouth.

Chain of MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon