Chapter 25

530 28 2
                                    

Mahigit isang oras ata ako sa grocery store habang bumibili ng mga personal na needs ko. Dahil maagang natapos ang shoot ay nagdecide na rin akong magshop since it was in my plan din naman.

Pushing my cart with few things inside ay lumiko ako sa meat section. I want to cook today dahil hindi naman ako masyadong pagod pero hindi ko naman alam ang lulutuin ko at mag-isa lang naman akong kakain pag nagkataon.

I breathe out bago ako nagdesisyon na lagpasan na lang iyon at pumunta sa counter para magbayad. I bought the usual needs ng mga babae: shampoo, conditioner, feminine wash, pantyliner, napkins, mouth wash, wet tissue, dry shampoo and the likes. Yung body scrub at body gel ko ay bibilhin ko pa sa isa kong paboritong shop dahil iyon ang sanay ako.

I bought few chocolates since I really love chocolates! Kahit siguro kumain ata ako nun paulit-ulit ay hindi ako magsasawa. I also bought my favourite Almond nuts.

After paying for my things ay lumakad na ako papunta sa shop na bibilhan ko naman ng body scrub at gel ko. I rarely used soaps kasi masyadong maarte ang balat ko na manang-mana sa akin kaya from Singapore pa ang sabon ko na kakabili ko lang kanina at three to four days pa bago makarating sa akin.

"Good evening, ma'am" bati ng sales lady pagpasok ko sa shop na iyon. It was all covered in green kaya paborito ko ang shop na ito and most of the products ay natural at organic which is my need!

"Good evening" bati ko sa kanya. I took a small basket from the side bago ako lumapit sa paborito kong produkto.

I immediately took four tubs of shea body scrub and four bottles of shea body gel and lotion. I think it will last for a month kaya next month na ako bibili ng another set nito.

I scanned the new products pero wala rin akong nagustuhan kaya eto na lang ang binayaran ko.

"Thank you" I said after taking the paper bag with my items in it. Lumabas ako sa shop at sinubukan kong mag-ikot. Hindi naman ako masyadong nagugutom kaya bumili na lang ako ng pizza para i-reheat ko na lang mamaya sa bahay pag-uwi ko.

Wala pang nine ay nasa bahay na ako. Traffic pauwi kaya thankful na rin ako na ganitong oras pa ako nakauwi. Ang Bentley na sinakyan ko ang tanging sasakyan sa garage kaya ibig sabihin ay wala pa siya.

A house helper welcomed me and took my things para raw dalhin sa loob ng kwarto namin ni Ganymede. I agreed dahil dumiretso ako sa kusina para initin ang dala kong pizza.

Doon ko natagpuan ang matandang kasambahay na kumausap sa akin noong nakaraang gabi.

"Magandang gabi po, ma'am." bungad na bati niya sa akin ng makita ako.

Ngumiti ako bahagya "Magandang gabi rin po." pagkatapos ay inilapag ko ang box ng pizza sa ibabaw ng counter top.

At sa lahat ng iyon ay nakamasid lamang sa akin yung kasambahay ni Ganymede na iyon. I find it creepy pero sino naman ba ako para isatinig iyon?

"Iinit ko po ba, ma'am?" tanong niya sa akin.

Umiling ako nang bahagya sa kanya, "Ako na lang po. Magbibihis lang po ako saglit tapos ay ako na po ang bahalang mag-init niya. Magpahinga na po kayo."

Tumango siya sa akin pero nakasunod pa rin ang mga tingin niya. Para bang may gusto siyang sabihin na pinipigilan lang niyang ibulalas sa akin. Tatalikod na sana ako nang bigla niya ulit akong tinawag.

Nilingon ko siya pero hindi muna siya lumapit sa akin bagkus ay nagpunas muna siya ng kamay niya bago lumapit sa akin. Nakasunod ang tingin ko sa lahat ng pangyayaring iyon.

"G-gusto sana kitang makausap" pagsisimula niya. Tumango ako kasi ramdam ko naman na gusto talaga niyang mag-usap kami. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin pero more than willing akong pakinggan lahat.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now