Chapter 17

558 22 1
                                    

The fun of the mini-reunion didn't absorbed my system. Kahit natapos ang pag-uusap namin ni mommy pati na rin nila Mama Gab at Ate Ami ay hindi pa rin matanggap ng utak ko na hinahayaan na nila ako kasama si Ganymede!

"Mama Ganda!"

Napalingon na lang ako mula sa pinanggalingan ng boses. It's  my favourite pamangkin, Athena. She's 7 years old already at habang lumalaki ay mas nagiging kamukha ng tatay yung batang ito.

Lumapit sa akin si Athena at nakiyakap sa akin habang kalong-kalong ko ang kapatid nitong si Gabriel Dominic.

"Mama, I missed you." Yumakap siya sa akin nang sobrang higpit.

"I missed you too, Chubs." Yun ang tawag ko sa kanya kasi ang taba niya dati pero ngayon ay nababawasan na ang katabaan nito.

"Mama, mommy told me that you are married already?" Tanong sa akin ng bata.

Napatingin tuloy ako kay ate Ami na nakamasid lang sa amin ng anak niya. She raised her champagne glass bago ito nilagok at tumawa.

"Papa Smart is your husband, mama?" Tanong ulit nito. Then she pointed Ganymede.

Papa Smart? Nilingon ko tuloy si Ganymede na kausap pa rin ni Daddy na mukha ng lasing.

Tumango na lang ako sa kanya. Ayokong magsinungaling sa kanya dahil sobrang importante sa akin ang pagiging matapat.

"Papa is nice. He actually visited us when we were in Scotland. I think you are perfect for each other, mama." Dagdag pa nito.

Tinignan kong mabuti ang pamangkin ko. Talaga bang 7 years old lang ito? Kung makapagsalita ito para bang sobrang tanda na nito ah.

"Do you think so?"

Athena nodded her head as an answer. Kiming tumango na lang din ako sa kanya. Buong pamilya na pala ang may alam sa nangyayari sa buhay naming dalawa ni Ganymede.

Magsasalita pa sana ako kaya lang narinig ko ang pagtawag ni Daddy sa akin. Napalingon ako sa grupo nila at tinatawag nga ako. Daddy motioned me to go there.

Tumayo ako at inabot si Gabriel kay ate Ami. Lumapit ako sa kanila at habang papalapit ako ay nakasunod ang mga tingin ni Ganymede sa akin na para bang tinitignan niyang mabuti ang bawat kilos ko. Inirapan ko na lang siya bago umupo sa tabi niya dahil iyon lang naman ang bakanteng upuan.

"Yes daddy?" I asked him.

Dad smiled bago ako sagutin. Medyo naaamoy ko na rin ang alak na iniinom nila kaya pasimple kong tinakpan ang ilong ko dahil ayoko ng amoy nun!

"Nakausap ko na etong asawa mo at pumapayag na akong magsama kayong dalawa." Anito sabay abot ng brandy na nasa baso nito at inisang lagok.

"Po?!" Bigla kong tanong sa kanya pero hindi siya sumagot sa akin.

Nilingon ko tuloy si Ganymede na iinumin din sana ang isang baso ng alak na hawak nito. Kinuha ko iyon at inilapag. Narinig ko tuloy ang pagpito ni Kuya Achi habang nakangiting nakamasid sa amin ng kapatid niya.

"Stop drinking and tell me kung anong sinabi mo sa kanila?" Mahina kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanya but then he just matched my stare at him.

"Sinabi ko lang na we should try if this marriage will work if not ay magpapa-annul na tayo then he agreed. Dad is awesome huh?"

"Dad?" Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. How dare him na tawagin ang Daddy ko na Daddy din? Ano siya anak?!

Tumango at ngumiti lang siya sa akin. "Be a good wife to him, Isha. And you, Ganymede, make sure na hindi mo papaiyakin ang anak ko kundi I'll kill you with my hands. Isha is my only daughter and I don't want her to get hurt by anyone but since you are her husband I'll trust you." Inabot pa ni Daddy ang kamay ni Ganymede at hinawakan ito.

Chain of MemoriesWhere stories live. Discover now