One

64.1K 1.4K 69
                                    

Kasama ni Ailee ang mga kaklaseng sina Josie at Buwi na nag-aayos ng stage sa auditorium. Kakaumpisa palang ng school year pero heto't busy na kaagad sila. Ah! The sweet life of a senior! Please note her sarcasm.

She's currently in her last year in St. Clarisse University taking up a course for Theatre Arts. Hindi niya nga alam kung bakit siya napunta sa course na ito eh hindi naman siya marunong umarte pero siguro bagay din naman sakanya kasi maarte siya.

"Tapos ano'ng nangyari, beks? Dapat sinoplak mo si junjun for revenge!" maarteng sabi sakanya ni Buwi na may kasama pang actions. Yup, Buwi's gay. All-out gay.

"Ano ka ba, Buhawi! Huwag mo ngang turuan ng masama si Ailee!" suway ni Josie. Ito naman ang anghel sa grupo nila.

Inirapan ni Buwi si Josie at binato ito ng crepe paper na gugupitin pa nila mamaya. "Eew! Don't say bad words!"

Natawa naman siya sa kabaliwan ng dalawang kaibigan. Buwi doesn't like to be called by his first name. Ang baho daw kasi. "It's your real name, Buhawi." she mocked him.

Kaagad siyang tinackle ni Buwi dahilan para mapahiga siya sa stage. Tawa sila ng tawa na tatlo hanggang sa masita na sila ng professor nila na nagpatigil sakanila.

Nag-focus muna silang lahat sa pag-aayos ng stage decorations para sa nalalapit na opening day ng Performing Arts Theatre Society or simply PATS. Seniors ang in-charge sa buong event kaya sila ang nagkaka-aligaga sa pag-aayos. Well, lahat naman ng estudyante sa kursong Theatre Arts ay miyembro ng PATS. Kumbaga mandatory sakanila ang magbayad ng membership fee. Ayos lang naman sakanya kasi marami namang freebies ang PATS lalo na ang organization shirts nila.

Nang mag-break time ay sabay-sabay silang lumabas nina Buwi at Josie. Hawak niya ang tiyan dahil kanina pa siya nagugutom. Dapat ang barkada niya ang kasabay niya lagi sa lunch pero since graduate na iyong kambal, Adam at Calix, busy naman sina Elisha at Michelle sa thesis, sila Vera, Mella at Calvin ay start na ng OJT ngayong first sem. Si Marky naman ay busy sa org nito dahil ito ang na-elect na president tapos next sem ay ito naman ang mago-OJT.

Tumawid sila sa Freedom Park para pumunta sa mga food stalls na nagkalat doon. Tiyak kasi na maraming tao sa canteen lalo na't maraming freshmen ang nagliliwaliw. Umorder sila ng tig-iisang siomai rice tsaka coke in can tapos ay naupo sila sa mga nagkalat na stoned benches and tables.

They were busy talking when Buwi suddenly bowed his head and looked at her. Katapat kasi nila ni Josie si Buwi. "Beks! Nandyan si Donald duck. Kasama sina Super Mario at Kane-ye West."

Natawa sila ni Josie sa mga nicknames nito sa mga lalaking pinagsisisihan niyang pinagtuunan niya ng oras. Well, si Donald lang naman ang medyo nakalusot dahil basted kaagad sina Mario at Kane sakanya eh but still, sayang lang talaga iyong oras niya noon. It's been two months since that incident where her ego was stepped by these fuckers, but now? Huh. She doesn't give a shit about them. And speaking of shits, may lakas ng loob pa talagang kamustahin siya ng mga gago.

"Hey, Ailee. Long time no see." Donald said to her. He has this annoying smile that gave her the urge to throw her drink at him but she chose not to. Sayang ang coke. Not worth it.

She smiled sweetly at the three of them. "Oo nga eh. But I wished you made it longer for us not to see you."

"Bitter ka pa rin ba about sa break-up, honey? Move on na rin." pang-aasar ni Donald sakanya.

"Could you just please leave us." sabi ni Josie sa tabi niya.

"Shut the fuck up, nerd." sita ni Mario sa likod nito.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon