Fifteen

38.7K 1.1K 97
                                    

"Para kang tanga diyan."

Umangat ang tingin ni Ailee mula sa phone niya nang magsalita si Michelle. Nandito sila sa mall at nagpasama ang huli na mag-shopping. Inaya nila si Elisha pero busy sa trabaho iyong isang iyon. Wala pa kasi silang trabaho ni Michelle. Ang alam niya, ipapasok ito ni Tito Dylan, ang daddy ni Michelle, sa kompanya ng mga ito.

Itinago niya ang phone sa bag niya. "Ang sama mo ha." sabi niya.

Natawa si Michelle at pinagpatuloy ang pagpili ng damit sa mga racks. "Mukhang nag-enjoy ka sa Baler. Panay ang post mo eh." komento nito na may ngisi sa labi.

Inirapan niya ang kaibigan at sumimsim na lamang sa fruit shake na hawak niya. Kababalik lang niya mula sa Baler kahapon. Gusto niya sanang matulog buong araw kaya lang mahirap huminde kay Michelle.

"Kailan mo ba ipapakilala si Vaughn samin?" tanong nito bigla.

Kumunot ang noo niya. "Why? Hindi na kailangan."

Michelle gave her a weird look. "And why not? Dapat lang na makilala namin ang boyfriend mo."

Bumuntong-hininga siya. She went on a another set of racks. "He's not my boyfriend naman eh." she casually said.

Michelle immediately followed her. An eager look is evident on her face. "Hindi kayo?!" Tumango siya rito. "So what? MU? Malanding Usapan?" sarkastikong saad nito.

Tumawa siya sa sinabi ni Michelle. "And why are you suddenly interested? As far as I know, may sarili kang lovelife."

Umirap sakanya si Michelle. "Oh please. Maganda ang takbo ng lovelife ko. Yours is very mysterious so I'm curious."

Napangiwi siya sa akto ni Michelle. She can be sometimes be very nosy. She sighed. "Kapag 'di siya busy, papakilala ko."

Nagpapalakpak ito sa tuwa. "I can't wait to meet this guy who's making you look like a crazy love puppy."

Inirapan niya ang kaibigan. "Kapag hindi siya busy! Huwag ka masyadong umasa, girl."

Umabot sila hanggang five pm sa mall ni Michelle kakaikot sa mga botiques. Kung hindi pa siguro tumawag ang boyfriend nitong si Adam baka sila pa ang magsasara ng mall.

Pagod na sumandal siya sa couch sa living room nila nang makauwi. Saktong lumabas mula sa may kusina ang Mommy niya.

"Mukhang pagod ka, anak."

Tumayo siya at humalik sa Mommy niya sa pisngi tapos ay bumalik sa pagkaupo. "Si Michelle eh. You know how she shops."

Natawa ang Mommy niya at hinaplos ang pisngi niya. "Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis. Mamaya lang ay dadating na ang Daddy at kapatid mo."

Walang sabi-sabing sumunod siya sa utos ng Mommy niya. Nagshower siya ng mabilisan at nagpalit ng damit. Humiga muna siya sa kama at ichinarge na rin ang phone sa bedside table dahil na-low batt siya.

Isang katok ang pumukaw sa atensyon niya. "Ailee, baba ka na daw, kakain na kayo ng hapunan."

Tumango siya. "Sige po manang."

Tumayo siya at inayos ang buhok at sumunod na sa pagbaba ni manang at dumiretso sa dining room. She kissed her dad at pinalo sa braso ang kapatid.

"Saan kayo galing, dad? Ba't kasama mo iyang swanget na iyan?" tanong niya habang naglalagay ng kanin sa kanyang plato.

"Akala mo naman ang ganda mo, ate." balik-asar sa kanya ng kapatid niyang si Marky.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon