Seventeen

38.2K 1.2K 99
                                    

Maganang nag-pose sa harap ng camera si Ailee nang senyasan siya ng photographer. Kahapon, pinakiusapan siya ng kanyang Tita Colyn na i-model ang bagong summer dresses nito na kaagad naman niya tinanggap. Sa ngayon, ito muna ang pinagkakakitaan niya. Nag-audition na siya sa isang international musical na gaganapin dito sa Pilipinas. Sana talaga ay matanggap siya kahit na maliit na role lang.

"We're done! Great job, Ailee!"

"Thank you po!" maligayang sabi niya sa photographer.

Dumiretso na siya sa dressing room at nagbihis. Tinatali niya ang buhok niya nang kumatok ang assistant ng photographer.

"Ailee, may naghahanap sa'yo sa labas."

Tumango siya. "Sige."

Baka sila Michelle lang iyong naghahanap sakanya. Alam kasi ng mga kaibigan niya na may shoot siya ngayon kaya hindi siya nakasama sa Tagaytay kung saan dapat ay kakain sila ng Bulalo. Iyon lang, pupunta lang sana sila ng Tagaytay para kumain ng Bulalo at uminom ng kape sa Starbucks sa Twin Lakes. Ganyan ka-abnormal sila mag-isip na magkakaibigan kapag nabo-bored sa buhay.

Kaagad naman siya nagmartsa palabas ngunit bigla rin siya natigilan nang makita kung sino ang taong naghihintay sakanya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" pagtataray niya rito.

Umalis sa pagkakahilig si Vaughn sa dingding at lumapit sakanya. Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya. See?! This is what she's telling about! Ang bilis! Halos dalawang buwan palang sila magkakilala ni Vaughn pero ganito na sila kung umasta sa isa't isa.

"Ano ba! Bakit ka ba nanghahalik?!"

Umangat ang gilid ng labi nito. "Since when do you resist my kiss, Ailee?"

Nagsalubong ang kilay niya at inirapan ito. Tuloy-tuloy siyang lumabas sa studio. Naglakad siya patungo sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng taxi. Coding kasi siya ngayon tapos wala pa ang kotse ng parents niya at ni Marky kaya wala siya mahiraman.

"No car? I'll drive you." sabi ni Vaughn sa likod niya dahil sumusunod ito sakanya.

"No thanks."

Napaharap siya rito nang marahang hatakin nito ang braso niya. Bakas sa mukha nito ang pagkainis. "C'mon, Ailee. Two days had passed. Siguro naman pwede na tayo mag-usap? I'm sure you're sober now."

Kusang umangat ang isa niyang kilay dito. "Paano kung ayoko?"

Vauhgn frustratingly sighed as he raked his hair with his fingers. Oh, she miss that! "Pahihirapan mo ba talaga ako? I already said that that video was taken months ago. Kahit ipagtanong mo pa sa mga crew ng quartell. Ni hindi ko nga kilala iyong babae sa video!"

Kung may iaangat pa ang kilay niya, siguro'y aangat pa iyon. "Hindi mo kilala iyong babae sa video? Oh my God, you're making out with a stranger?" naningkit ang mata niya.

Bumuga ng hininga si Vaughn. "Can we please talk somewhere else? I promise I'll let you interrogate me the whole time."

Sa huli ay napapayag siya ni Vaughn sa gusto nito. Sa Quartell sila tumungo. Dahil pasado alas dos palang ng hapon, wala pang tao sa loob kundi ang guard sa labas at iilang crew na nag-aayos ng mga lamesa. Iginiya siya ni Vaughn sa backstage at doon siya pinaupo.

"Have you eaten already?"

Umiling siya. "No, I'm good. Let"s just talk and get this over with."

Bumuga ng hininga si Vaughn at humila ng isang stool at hinarap sakanya. Naka number 4 itong upo.

Ilang minuto ata ang lumipas na wala sakanilang nagsasalita. She kept her mouth shut. Ayaw niya unang magsalita. She has to guard herself lalo na't silang dalawa lang ang nandito ni Vaughn. Alam niya na may malaking porsyento na bumigay nanaman siya rito.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon