Four

42.4K 1.3K 57
                                    

Kulang ang salitang gulat at pagtataka sa nararamdaman ni Ailee ngayon. Lutang siyang bumalik sa lamesa nilang magkakaibigan. Pagkaupong-pagkaupo niya, kaagad niyang nilagok ang beer niya. Pinaypayan rin niya ang sarili gamit ang kamay.

"Kinikilig ka, te?" natatawang sabi sakanya ni Buwi.

Humalakhak naman si Josie sa tabi niya. "Tinamaan ka ba kay Vaughn? Tsk, matinik talaga 'yon."

"May karapatan naman si Papa Vaughn. Actually, may karapatan silang apat. Gwapo at talented pa!" kinikilig na sabi ni Buwi.

Nanatiling tahimik lang siya sa kinauupuan at pinapakalma ang puso. Grabe si Vaughn, hindi niya kinaya ang mga banat nito sakanya. Hindi niya ito nasabayan kanina. Ano'ng nangyari sakanya? She's used to this. She's used to men like Vaughn. Pero kanina ay tameme siya.

Natigilan sa pag-uusap sina Buwi at Josie nang may tumikhim sa likuran niya. Hindi na niya kailangan lumingon dahil alam niyang sina Vaughn iyon.

"Hi! Mind if we join?" sabi ng isang baritonong boses sa likod niya. Pakiramdam niya si Riley iyon dahil sa pagkakatarantang ipinapakita ni Josie.

"Sure!" segunda ni Buwi.

Kinuha ni Lukas at Brent ang isang lamesa at idinugtong iyon sakanila. Inilapag naman ni Riley ang mga bawas na beers ng mga ito. Nagulat siya nang itabi ni Vaughn ang upuan niyo sakanya.

Napataas ang kilay niya na walang sabi-sabing dumekwatro ito at inilagay ang braso sa may sandalan ng upuan niya.

"Vaughn told us about your offer? It's for a music fest, yeah?" tanong ni Brent. Sa kanilang apat, si Brent ang pakiramdam niya ang tumatayong leader ng banda. Ito rin kasi ang mas mukhang matino kumpara sa tatlo.

"Oo! Nasabi na pala ni Ailee." sagot ni Buwi.

Tumango si Vaughn sa tabi niya. "Mapilit si Ailee, eh."

Gusto niya nalang mapa-face palm dahil nalaman na nito ang panalan niya dahil kay Buwi. So much for playing mysterious.

"Payag ba kayo? About sa bayad, mapag-uusapan naman iyon." sabi ni Josie na alam niyang nagpipigil lang ng sarili dahil katabi nito si Riley.

Pinaglaruan ni Riley ang bote at tumango-tango. "Game kami. Maganda din mag-gig sa university."

"Sige, payag kami." sang-ayon ni Lukas.

Nagpumalakpak naman si Buwi. "Great! So, pwede kayo bukas? May meeting kasi kami dahil sa isang linggo na ang event. Papakausap na rin namin sainyo iyong president namin para na rin sa mga importanteng bagay na gusto niyong itanong."

Nagkibit-balikat si Brent. "Sure. Saan ba?"

"Sa SCU. Uhm, we need to get your number, of course." nahihiyang sabi ni Josie.

"Of course!" nakangiting saad ni Riley. Kumuha ito ng napkin at doon isinulat ang number nito at ibinigay kay Josie. "Iyong akin nalang dahil ako lang pala-reply sa kanilang tatlo."

Nahihiyang tinanggap iyon ni Josie at kaagad na sinave sa phone nito. Nagkatinginan sila ni Buwi dahil alam nila pareho na namamatay na sa kilig si Josie sa loob-loob.

"Hindi pa pala tayo nakakapagpakilala. Anyway, I'm Buwi, this is Josie and this one is Ailee."

Isa-isa silang nagkamayan at nauwi sila sa mga kwentuhan. They were getting along so well. They were laughing because of Buwi's jokes. Napansin din niyang maloko rin si Riley at Lukas. Brent was just silently smiling or laughing and Vaughn, well, Vaughn is just quiet beside her. Ngumingisi at nakikitaaa rin pero hanggang doon lang.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon