Twenty-one

37.8K 1K 36
                                    

Kanina pa tinitignan ni Ailee ang kanyang phone na nakapatong sa lamesa at panay ang tunog. Hindi niya alam kung dapat ba niya sagutin ang tawag o hayaan na lamang.

"Beks, nakakairita na iyang phone mo. Sagutin mo na kaya." sabi sakanya ni Buwi na nakatingin ngayon sa kanyang phone.

Huminga siya ng malalim at inignora nalang ang sinabi nito. Pinagpatuloy niya ang pagsipsip sa kanyang oreo frappe.

"Nag-away nanaman ba kayo ni Vaughn?" tanong ni Josie.

Umiling siya sa sagot nito. Napahinga siya ng maluwag nang matapos na ang tawag pero napapalatak siya nang tumunog muli ang kanyang phone.

Papatayin niya sana ang tawag nang biglang hablutin ni Buwi ang phone niya at sinagot ang tawag. Nanlaki ang mga mata niya at pilit na inaabot ang phone niya pero pinipigilan lang siya ni Buwi gamit ang isa nitong kamay.

"Hello, Vaughn? Hoy, kaloka kayong dalawa! Magdadalawang araw palang na naging kayo tapos warlalu na agad? Nakakairita na 'tong si Ailee! Jusko! Ayusin niyo 'to, oo, nandito kami sa Café Bizhio. Oo, okay! Bilisan mo. Pakidala si Papa Brent ha? Okie, bye!"

Pinalo niya ng malakas ang braso ni Buwi. "Bakit mo ginawa iyon!"

Inirapan lang siya ng kaibigan. "Ang arte mo kasi."

"May kasalanan siya sa'kin!"

Tumawa si Josie sa sinabi niya. "Parang na-late lang naman siya sa usapan niyo, kung maka-arte ka diyan!"

Umikot ang mata niya. "Dalawang oras niya ako pinaghintay!"

Napabuga nalang ng hininga ang mga kaibigan niya. "Ewan ko sa'yo, Ailee. Hindi ka talaga makaintindi."

Hindi niya pinansin ang mga kaibigan niya. She and Vaughn are officially together, she thinks. Hindi niya alam, kasi bigla nalang nangyari.

Paglabas niya ng auditorium ay nadatnan niya roon si Vaughn na hinihintay siya. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo at sinalubong siya ng ngiti.

"How was it?" tanong nito sakanya.

Sandaling tinitigan niya ito sa mukha at inalala ang nangyari kanina bago siya makapasok sa auditorium.

"Ayos naman." sagot niya rito.

Ngumiti si Vaughn na nagpakaba pa lalo sakanya. Napatingin siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri nila. "Great, let's eat?"

Tumango siya habang nakatingin pa rin sa magkahugpong na kamay nila. Her gaze followed their hands when he lifted them and kissed hthe back of her hand.

"What?" tanong nito nang mapansin siguro ang pagtitig niya rito.

"Bakit ang sweet mo ata?"

Hinarap siya ni Vaughn. "Masama ba maging sweet sa taong mahal mo?"

Napamura siya sa isip. Ang corny ng sinabi nito pero kinikilig siya. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti.

"Bolero ka lang talaga! Halika na nga."

Napatili siya nang bigla siyang halikan ni Vaughn sa labi. Pinalo niya ito.

"Sabi mo halikan kita eh." he said. She knows that he's being playful.

"Tumigil ka nga, Vaughn Hebrew!"

Natawa si Vaughn sakanya pero naging seryoso rin ang ekspresyon kalaunan. "Seryoso ako, Ailee. Mahal kita. Do you.." tumikhim si Vaughn tapos pinagpatuloy ang sasabihin. "Do you love me too?"

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon