Five

41K 1.3K 74
                                    

Vaughn really got into Ailee's system. Ang sabi niya sa sarili, hindi siya sasama sa Quartell pero heto siya at nakaupo sa isa sa madalas nilang pwestuhan kapag kumakain sila.

Pinagserve sila ni Emily ng iilang beer at nachos. Sa dalas nila sa Quartell, napag-alaman nilang pamangkin pala ng may-ari ng bar si Emily. Naging ka-close nila ito kasama ni Jillian na isa ring waitress dito sa bar.

Kasalukuyan silang nakikinig sa High Grand. Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan si Vaughn na nakapikit habang kumakanta. Iba na ang kasuotan nito. Naka-puting shirt ito, black jeans, white shoes tapos may ball cap itong nakasuot patalikod. Hindi siyempre nawala ang itim nitong hikaw, ang relong pambisig at iyong string bracelet nito.

You watch me bleed until I can't breathe
I'm shaking, falling onto my kness
And now that, I'm without your kisses
I'll be needing stitches

Trippin' over myself
Aching, begging you to come help
And now that, I'm without your kisses
I'll be needing stitches

Napahugot siya ng hininga dahil s ganda ng boses nito. It was an acoustic version of Shawn Mendes' Stitches. Lukas and Brent are playing the acoustic guitar while Riley is playing the beat box.

Sabi ni Jillian kanina, acoustic night pala ngayong gabi. Kaya pala sa apat nilang kinanta, lahat iyon ay acoustic.

Namangha siya dahil kahit malalim ang boses ni Vaughn, still ang lamig parin nun pakinggan. It was very contradicting, but it was amazing.

They were playing their last song when her phone rang. Nagpaalam siya kela Buwi na sasagutin ang tawag. Lumabas siya upang sagutin ang tawag.

"Hello? Ailee, nasaan ka?"

"I'm out with my friends po, Mommy. Nagtext po ako sainyo ni Dad ah?"

Narinig niyang tumawa sa kabilang linya ang Mommy niya. "Ay! Oo nga pala."

Siya naman ay tumawa rin. "Mommy talaga. Signs of aging?"

Bumuntong-hininga ang Mommy niya. "Alam mo naman na medyo busy kami ng Daddy niyo ngayon. Ano'ng oras ka ba uuwi? Wala pa ang kapatid mo."

Umirap siya sa ere. Sumandal siya sa pader at tinukod ang isang paa doon habang nakatingin sa ibaba. "Alam mo naman si Marky, 'My. Baka kasama lang nun si Calvin o kaya fling nun."

She can imaging her Mommy scrunching her face with her statement. Hindi kasi ito makapaniwala na malandi ang bunsong anak. Palibhasa, good boy ang daddy nila kaya hindi alam kung paano naging malandi si Marky.

"Sige, huwag ka na magpapagabi."

Tinapos niya na ang tawag at bumalik na sa loob. Nang tignan niya ang stage, isang babae at lalaki na ang nandoon at nagdu-duet sa isang kantang malumanay. Naisipan niyang pumunta muna ng CR dahil naiihi na rin naman siya.

Tamang-tama, dadaan narin siya sa backstage dahil madadaanan naman niya iyon. Gusto niya lang makita si Vaughn.

Napabuga siya ng hininga. Hay! Malala na ata siya.

Papasok na sana siya nang maraming babae ang nagkukumpulan sa loob. Hindi siya makasingit. Marahil mga fan girls ito ng High Grand. Simula palang na nakita niya banda, alam niya na na marami na ang mga humahanga sa mga ito. Sino nga ba naman ang hindi? Bukod sa likas na talentado ang mga ito, mga gwapo at matitipuno pa. Kumbaga, sila iyong pwede mong iparada sa Luneta o sa mall dahil paniguradong kaiinggitan ka ng karamihan ng babae.

She found a way to squeeze herself in. Enough to see the boys. She saw Lukas hugging a fan, Riley taking a selfie with another girl, Brent signing a poster and Vaughn standing with his arms crossed while a swarm of giggling girls surrounds him, trying to get his attention.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon