Ten

40.5K 1.1K 55
                                    

Start na ng wattys2016. Tweet kayo ha?

Comment din. Hehe. Dadalasan ko na ang update dahil next week! start na ko sa work work work work work!

--------

Marahang bumaba si Ailee mula sa motorbike ni Vaughn habang inaalalayan siya nito. Nasa tapat sila ng isang matayog na gusali.

"Tara." yaya sakanya ni Vaughn at naunang naglakad papasok sa loob.

Inismiran niya ito nang makatalikod ito pero sinundan na rin niya. He was walking fast at nahuhuli na siya dahil pinagmamasdan niya ang lugar. Tinignan niya ang matayog na gusali. Sobrang taas nun. Saan kaya siya nito dinala?

"Bagal mo." sabi nito na nagpalingon sakanya.

He was at the front of the building, hands in his pockets and he's looking at her. Mabilis na naglalad siya papunta rito. "Saan tayo pupunta?"

Iminuwestra nito ang ulo sa building na nasa harap nila. "Diyan."

Napakunot siya sa mga sagot nito sakanya. Bakit ang tipid nito magsalita? Tapos, bigla nalang siya nitong iniwan at dire-diretso ang pasok sa loob. Nakita niyang tumango ang guard dito. Rinig na rinig ang tunog ng kanilang paglalakad sa loob ng magandang gusali.

"Pwede ba tayo dito?" nagtatakang tanong niya nang sinabayan niya ito sa paglalakad.

"Hinarang ba tayo ng guards?" balik tanong nito nang pindutin nito ang elevator.

She pursed her lips. "Hindi."

He then turned to her and smirked. "That answers your question, then."

She was about to counter back when the elevator dinged open. They both stepped inside and he saw how he pushed the twenty-eighth floor.

Dire-diretso lang ang pag-akyat ng elevator. Pansin niya rin kasi kanina na tanging mga guards lang ang nasa loob ng gusali. Kung sabagay, halos alas-diyes na rin ng gabi kaya marahil tapos na ang working hours.

Napasinghap siya nang hatakin na siya palabas ng elevator ni Vaughn. They were walking briskly. "Dalian mo."

Inirapan niya ito kahit na hindi siya nito nakikita dahil nauuna ito sa paglalakad habang hatak siya sa pala-pulsuhan. Napunta sila sa isang maliit na pinto at pagbukas nun ay may hagdan pa paakyat.

Hinigit siya muli Vaughn paakyat. Sa sobrang bilis niya ay hiningal siya bago makarating sa rooftop pala. Pumwesto sila sa gitna ng rooftop. Hinubad nito ang jacket nito at inilatag sa lapag. Napahiyaw siya nang hatakin siya nito paupo doon sa jacket niya tapos naupo ito sa tabi niya.

"Ano ba ginagawa na'tin dito?" inis na tanong niya habang minamasahe ang palapulsuhan niya dahil sa ginawang paghatak nito.

"Maghintay ka." sabi nito sakanya habang nakatingala sa madilim na langit. Nakatukod ang mga kamay nito sa likod at medyo nag-lean back ito. Naka-bend ang kanang binti nito habang ang isa ay diretso lang.

She bended both of her legs and rested her arms on it. She can't help but to admire Vaughn's looks. He looks like a model sa posisyon nito ngayon. Actually, he always looks like one. A badass model.

She was cut out of her trance when suddenly a loud bang caught her attention. It was followed by different kinds of colors spurting to the dark sky.

She was amazed by the fireworks display in front of them. Medyo malayo ang pinanggalingan nito, pero kitang-kita ito sa kinaroroonan nila.

Halos sampung minuto rin nagtagal ang fireworks display. She was smiling the whole time and when she turned to Vaughn, she found him seriously staring at her.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon