Thirty-six

42.2K 1K 75
                                    

Magaan ang pakiramdam ni Ailee nang imulat niya ang kanyang mga mata. Ang haba ng tulog niya na kailangang-kailangan niya dahil nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang puyat. Nag-inat siya ng kanyang mga braso at binti nang mapa-igik siya sa kirot sa may babang katawan niya.

"Oh..baby"

"I want you.."

"I love you.."

Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang nangyari kagabi. Flashes of her memory of them kissing, touching and having sex engulfed her. Napapikit siya ng mariin at mahinang pinalo ang sariling ulo.

"Malandi ka, malandi ka!" sabi niya sa kanyang sarili.

Naestatwa siya nang may maramdaman siyang gumalaw sa tabi niya. Napalingon siya sa may likuran niya at nakita ang natutulog na si Vaughn. Umusod ito at nagpalit ng posisyon patagilid at ngayon ay nakaharap sakanya ang likod nito.

Dahan-dahan siyang umalis sa kama at pinulot ang mga damit niya na nagkalat sa sahig. Maingat ngunit mabilis niyang binihisan ang sariling hubad na katawan, ayaw niyang magising si Vaughn.

She tiptoed her way down the hallway. She gasped when someone pulled her arm inside another guestroom. There she saw her friends, Buwi and Josie, staring at her from head to toe as if she had done something wrong, which she has.

She had done something very very wrong.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Buwi habang nakataas ang isa nitong kilay.

"W-Wala!" kaagad na tanggi niya.

Napaatras siya ng kaunti nang lapitan siya ni Josie at amuy-amuyin. "You smell like sex!" she accused her.

Napangisi naman si Buwi at pinagkrus ang mga braso. Tinignan lang siya ng mga ito habang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

"A-Ano ba iyang pinagsasasabi niyo! Uuwi na nga ako!"

"I thought it's clear to you to never fuck with the bestman?" natatawang tudyo sakanya ni Buwi.

Huminga siya ng malalim at wala naman na siyang choice kundi aminin sa mga ito ang nangyari tutal hindi naman niya maitatanggi ito sa mga kaibigan maski na sa kanyang sarili. Oo, she had sex with her ex. With her ex na mahal na mahal pa rin niya. Binigay na niya ang tanging natira sakanya na pinapahalagahan niya. Ang tanga ba niya? Siguro. Pero hindi siya makaramdam ng pagsisisi sa nagawa niya dahil naging masaya naman siya. Nagustuhan niya.

"Oh my God! Did you got back together?!" impit na tili ni Josie. Excited pa ang tono nito.

She let out a sigh and walked to the bed and sat there. Hinilamos niya ang mukha gamit ang mga kamay. She jolted when Buwi and Josie screamed.

"What?" tanong niya sa mga ito.

Patakbong nilapitan siya ng dalawa. Si Josie ay umupo sa tabi niya habang si Buwi ay sumalampak sa sahig sa harap niya.

"Aray!" daing niya nang hinila ng mga ito ang kaliwang kamay niya. Nag-agawan pa ang mga ito sa kamay niya.

"What the fucking fuck! Ano 'to?!" sigaw ni Buwi at nanlalaki ang matang nakatingin sa kamay niya.

Kumunot ang noo niya. "Ano ba iyang ginagawa niyo.." Napabagal ang pagsasalita niya nang iangat ni Buwi ang kaliwang kamay niya. "..sa kamay ko. What the fuck?"

She was staring at her left hand. There, on her ring finger placed a twisted rose gold ring with a peach sapphire stone. It shone when a ray of light coming from the window hit it.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon