Two

45.4K 1.3K 85
                                    

Pagkatapos kumain, umorder si Buwi para sakanila ng beers at ang paborito ni Josie na beer chicken wings. Sabi naman ni Josie, binabad daw ang mga ito sa beer tapos ay dineep-fry at binudburan ng cheese powder. Masarap nga iyon lalo na't kasama ang beer.

"Riley! Ready na. Next set na kayo." sigaw ng isang lalaki mula sa stage. Kanina pa rin pansin ni Ailee na nagsisikumpulan na ang mga tao sa dance floor lalo na't malapit ito sa stage.

Sinubukan niyang sulyapan ang grupo ng kalalakihan na kinabibilangan nung Brent na crush ni Buwi at nung lalaking tumitig kanina sakanya. Hindi nga lang niya alam kung ano ang pangalan nung lalaki. Nakita niyang tumayo ang mga ito at kinuha nung dalawa ang mga gitara nila habang ang isa naman ay may hawak na drumsticks, tanging iyong lalaking katitigan niya kanina ang walang hawak dahil sa pagkakatanda niya, ito ang vocalist.

"Ayan na sila! Hay, ang gwapo talaga ni Riley." sabi ni Josie sa tabi niya. Pumangalumbaba pa ito habang namumungay ang mga matang sinusundan ang apat na kalalakihan na ngayo'y nasa stage na at inaayos ang mga instrumentong gagamitin.

"Gwapo din nina Vaughn at Lukas. Pero team Brent pa rin ako." sabi naman ni Buwi sa kabila niya.

Tinignan niya ang mga kaibigan. Sino kaya sa mga ito ang lalaking katitigan niya? Sa kagustuhan niyang malaman, nagtanong na siya sa mga ito. "Who's who?" kaswal na tanong niya. She tried sounding not to care para hindi siya pagdudahan ng mga kaibigan.

"Si Brent iyong nasa bass guitar, si Riley iyong nasa likod ng drums, si Lukas ang nasa isa pang electric guitar tapos si Vaughn ang vocalist." sagot ni Buwi sakanya na tila sinilaban sa puwet dahil sa kilig.

Tumango-tango siya. So, si guy titig ay Vaughn pala ang pangalan. Hmm.. ang bad boy ng name nito. Bagay na bagay sa itsura nito. Pinagmasdan niya si Vaughn mula sa kinauupuan niya. He's so sexy wearing his gray sleeveless shirt, black pants and his black boots. Hindi rin nakalagpas sakanya ang magulong itim na itim na buhok nito at nakadagdag pa sa dating nito ang hikaw nito sa kaliwang tenga. God! Minamanyak niya na si Vaughn. Napangisi siya sa naisip na hindi naman nakaligtas sa mata nina Buwi at Josie.

"Ngising aso ka, beks! May type ka diyan, ano? Naku! Taken na si Brent!" naglalaki ang mata ni Buwi nang sabihin iyon.

"Riley's mine." Josie said while chewing her chicken wing.

"Sainyo na sila but the vocalist is mine." nakangisi niyang saad.

The two gaped at her tila hindi makapaniwala na inamin niyang nagustuhan niya iyong vocalist. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay habang inabot niya ang beer at ininom iyon mula sa bote.

"Crush mo si Papa Vaughn? Good choice! Good choice!" proud na sabi ni Buwi sakanya.

Ibinalik niya ang atensyon sa stage. Riley's a cute face. Tipong boy next door. Clean cut ang buhok nito. Too good for her, she thought. Si Brent at Lukas naman ay tila pareho ng dating, sila iyong tipong mga jock sa eskwelahan. Mas malaki nga lang ang built ni Lukas kesa kay Brent. Kulot at mukhang may lahi si Brent dahil sa asul na mga mata nito habang si Lukas naman ay pinoy na pinoy ang itsura. Pero isa lang ang ikipinagparehas ng apat. They're all flirts. Halatang-halata sa kung paano nila pakitunguhan ang mga babaeng nanunuod ngayon sakanila. Napailing nalang siya habang nakahalukipkip ang mga braso.

"Good evening." That deep voice invaded the whole place. She even felt chills when she heard Vaughn's raspy voice. She finds it so sexy!

"We're HighGrand and thank you for coming tonight!" he said before looking at his boys at the back. Suddenly, Riley made three beats from his drumsticks and then their music errupted the place.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon