Nineteen

38.8K 1K 45
                                    

Tamad na nakaupo si Ailee sa couch sa loob ng opisina ng Daddy niya. Kasalukuyan kasi itong nagko-conduct ng meeting sa isa sa mga artist ng Montello Records. Iyong Mommy naman niya ay kasama ngayon sila Tita Mitch at Tita Erin at nagsa-spa.

"Is Dad here?" tanong ni Marky nang pumasok ito at tumabi sakanya.

"Wala pa. Ang tagal niya nga eh. Naiinip na ako."

Nilabas ni Marky ang phone nito at naglaro ng games doon. Maya-maya lang ay pumasok na ang Daddy nila. "Let's go guys?"

Sabay silang tumayo ni Marky at sumunod sa Daddy nila. Pupunta sila sa Bulacan dahil nandoon nakatira ang Lolo at Lola nila at naglambing daw ang mga ito sa Daddy niya na bisitahin nila ang mga ito.

Hindi naman ganoon kalayuan ang Bulacan kaya ayos lang naman sakanila. Actually, Lola's girl siya. Sumakay siya sa likod at si Marky ang nasa passenger seat. Halos isa't kalahating oras lang ay narating na nila ang bahay ng grandparents sa father side.

Pagbaba nila ay nakita na niya na bumababa sa hagdan mula sa patio ang grandparents niya. Medyo Victorian style ang bahay ng mga ito. May dalawang malalaking pillars tapos may hagdan pa bago maakyat ang front door.

"Mga apo ko!" masayang salubong sakanila ng Lola niya. Mahigpit nitong niyakap si Marky at hinalik-halikan, or should she say sininghot ata nito ang amoy ng kapatid.

Alam niyo naman kung papaano humalik ang mga matatanda, akala mo ay sinighot-singhot nila ang amoy mo pero halik iyon para sakanila. Natawa sila ng Dad niya nang makita ang reaksyon ng kapatid niya.

Niyakap naman siya ng kanyang Lolo at humalik at nagmano siya rito. Ganoon din ang ginawa ng Daddy niya.

"Halina kayo sa itaas at nakahanda na ang pagkain." aya ng Lolo niya.

"Ailee! Naku, napakaganda talaga ng apo ko!" baling naman sakanya ng Lola niya.

Hanggang sa makaupo na sila upang kumain, katabi siya ng kanyang Lola at pinupuri lagi na kesyo ang ganda ganda raw niya.

"Napakaganda talaga ng kutis mo, hija! Hindi maputla at hindi rin maitim!"

Natawa naman siya. "I know right, Lola?"

Kumunot ang noo nito pero nanatiling nakangiti. "Ano iyon, hija?"

Natawa si Marky. "'La, 'wag mo na alamin."

"May trabaho ka na ba, Ailee?" tanong naman ng Lolo niya.

Nilunok muna niya ang kanyang kinakain bago nakasagot. "Wala pa, 'Lo. Pero nago-audition na po ako sa mga plays dito."

"Oo nga pala, may kaibigan ako na nagsabing may audition sa isang play sa New York, anak. Baka gusto mo?" baling naman ng Dad niya.

Ngumiti siya rito. "Gusto ko sana na dito lang sa Pilipinas, Dad."

Pumalatak ang Lolo niya. "Naku, Ailee, hindi ganoon kauso ang theatre plays dito sa Pilipinas. Mas uunlad ang career mo kung sa New York ka matatanggap. Bakit hindi mo muna subukan? Ayaw mo ba sa kompanya ng Dad mo?"

Pinalo ng mahina ng pamaypay ng Lola niya ang kanyang Lolo. "Ano ka ba! Huwag mo nga i-pressure si Ailee!" sermon nito at tsaka siya binalingan. "How about joining pageants, Ailee? Auditions na para sa Bb. Pilipinas at sigurado akong makakapasok ka!"

Umismid naman ang Lolo niya. "Akala ko ba huwag i-pressure? Ikaw itong gumagawa eh."

"Heh! Kumain ka nalang diyan!"

Natawa silang mag-aama dahil sa bangayan ng Lolo't lola niya.

"Oh, nag-aaway nanaman kayo. Chill lang grandparents." sabi ni Marky.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon