Thirty-eight

46.4K 1.2K 265
                                    

"One, two, three.."

Nakangiting hinawakan ni Ailee ang shovel at kasama ang bagong Bb. Pilipinas - Miss Universe, sabay silang naghukay ng lupa at kasabay nun ang sunud-sunod na pagtunog ng mga camera ng mga media na pumunta.

Kasalukuyan siyang nasa isang Tree Planting Program at isa siya sa mga kinuhang ambassador para sa proyektong "Lend a hand, plant a tree, save a life."

She was ambushed by some reporters when she was about to leave.

"Ailee, kamusta ang pinapatayo mong center para sa mga kababaihan at kabataan? Bali-balita na ang tanyag na Ford twins ang umaasikaso sa proyektong ito."

Ngumiti siya at tumango. "Yes. Isaac and Dami are good friends of mine. Magkababata kaming lahat kaya pumayag sila sa maliit na pabor ko."

"Totoo ba na inalok ka ng IMG models para pumirma sa kanila? At gaano katotoo na tinanggihan mo rin ang offer sa'yo ng Victoria's Secret nang alukin ka nila na rumampa para sa fashion show nila?"

Tinignan niya ang reporter na nagtanong at sinagot ito. "IMG did offered me a to sign for them but I refused because I want my focus only to our family business and my center. And about Victoria's Secret, I refused because the day of the fashion show is my parent's anniversary party so family first." she smiled.

Sinagot pa niya ang iba pang tanong na kung mag-aartista ba siya, kung hindi na ba magbabago ang desisyon niya sa pagmomodelo sa IMG, at sa family business niya.

"Last na po, kamusta naman ang love life ng isang Queen Ailee Dane Montello?"

Her smile froze upon hearing that specific question.

Kamusta nga ba ang buhay pag-ibig niya?

Tahimik. Payapa.

Pilit niyang inaanilas ang nararamdaman niya sa puso niya. She's.. more than okay.

"Wala ako nun. Pero masaya ako. Okay na ako." sabi niya at nagpaalam na sa mga ito na tila nakulangan sa sagot niya kaya hanggang sa kotse niya ay hinabol siya ng mga ito at pinipilit pa na sagutin ang pahabol na mga tanong ng mga ito.

"Saan po tayo ma'am?" tanong sakanya ng driver niya.

"Sa bahay po nila Tito Jeremie." sagot niya habang sinasagot ang mga texts nila Michelle at Elisha at tinatanong kung nasaan na daw ba ako.

Magkakaroon kasi ng salu-salo sa bahay ng mga Santillan dahil sa wakas ay nagkabalikan na sina Elisha at Calix matapos ang tatlong taon. Natatandaan pa niya noon na parehas sila ni Elisha na nasasaktan dahil sa nagmahal lang naman sila. And now, she's happy that they found each other again.

She was about to voice out his name when she restrained herself from doing so.

There's no need to dwell on it. It has been two months since that incident on Riley and Josie's wedding. She's okay now. She's been doing good. Kapag nababanggit ang pangalan nito ay hindi na niya naaalala ang mga sakit na pinagdaanan nila.

Napangiti siya nang maalala ang mga nangyari dalawang buwan na ang nakakalipas.

"Eh kung hindi ka ba naman tanga! Lalayo-layo ka tapos ngayon iiyak-iyak ka. Ano ba talaga gusto mo?" naiinis na sermon sakanya ni Michelle. Nahihiya siya dito dahil may date sana ito at si Adam pero pinagpaliban muna ni Michelle para puntahan siya sa condo niya.

"Chelle, intindihin mo naman si Ailee. You heard her reasons and for me they're valid. I agree that they need to heal first."

Umirap si Michelle at hinarap sila. "Can't they heal together?"

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon