Twenty-nine

32.2K 854 9
                                    

Hindi mapakali si Ailee habang nakatingin sa glass wall sa airport kung saan sa kabilang side ay ang mga pasahero na kabababa lang ng eroplano. Kanina pa niya pinaglalaruan ang mga daliri niya habang hinihintay si Vaughn na ngayong oras din ang dating.

Siguro kung alam lang ni Chandrica ang nararamdaman niya ngayon, siguro masayang-masaya ito. She started having doubts now because of all the things she said. Ayaw niya ng ganitong feeling. She feels like she's not trusting Vaughn enough which is wrong.

Napabuntong-hininga siya at tinignan ang mga taong dumadating.

Nasaan na ba si Vaughn?

Past ten minutes na nang mamataan niya ang boyfriend. Isang duffel bag lang ang dala nito at kausap nito ang isang lalaki na sa pagkakatanda niya ay empleyado nito. Naglakad siya sa kung saan makikita siya nito.

Natigilan ang kasama nitong lalaki nang makita siya at tila may sinabi ito kay Vaughn kaya nabaling na rin sakanya ang atensyon nito. A smile crept on his lips when he saw her. He said something to his employee before walking his way to her.

She was engulfed with his warm hug that she automatically hugged him back. She missed him so much.

"I missed you!" masayang sambit nito matapos halikan siya sa kanyang labi.

Daig pa ata nila ang isang couple na galing sa LDR dahil sa pagkasabik nila sa isa't isa. Pinagpaliban muna niya ang mga tanong na bumabagabag sakanya. Sa ngayon gusto muna niyang makasama si Vaughn ng walang prinoproblema.

They walked hand in hand and Vaughn was the one who drove her car. Dumiretso sila sa condo unit nito dahil gabi na rin at alam niyang pagod si Vaughn galing byahe.

Nagpaalam itong magbibihis lang ng damit habang siya ay umupo sa sofa nito habang umoorder ng makakain nila para sa dinner dahil napag-alaman niya na hindi pareho pa silang hindi kumakaing dalawa.

As she was finished with her call, sakto namang lumabas ng kwarto si Vaughn. His hair was a bit damp, tanda na galing ito sa shower. He's wearing black sando and his grey pajama is hanging loosely on his waist that she just wants to ogle him all day.

Pabagsak na naupo ito sa tabi niya. He let out a sigh of relief before he rested his head on the back of the sofa. His legs were stretched out and placed his feet on the center table. His left hand is embracing her and the other one is holding her hands.

"After we eat, you should go and rest." sabi niya habang tinititigan ang mukha nito. His eyes were closed but she knows that he's awake. Bakas sa mukha nito na pagod ito. Nagdalawang-isip tuloy siya kung itutuloy pa niya ang gustong itanong o ipagpabukas nalang ba.

"Ihahatid pa kita." sagot nito.

"I can go on my own. I have a car, baka nakakalimutan mo." sabi niya.

He just answered her with a groan. He pulled her closer and fully trapped her in his arms. His face rested on the crook of her neck and she felt a kiss was planted there.

"So stubborn." bulong nito.

She likes being in his arms. Hindi siya poprotesta dahil gusto rin naman niya iyon. She loves his touches, kisses, warmth, actually, she loves all of him. Hindi niya inakala na maiinlove siya ng ganito ka-grabe. Noong college siya, sinasabihan siyang heartbreaker ng karamihan dahil dakilang paasa daw siya sa mga lalaking nagkakagusto sakanya. Who would've thought that she's just waiting Vauhgn to meddle with her life.

"Baka malusaw na ako niyan. Oo, alam ko na. Miss na miss mo na talaga ako." biglang sabi ni Vaughn at unti-unti nitong minulat ang mga mata at sinalubong ang titig niya.

All or Nothing [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon